John's POV
hindi na kami nagaksaya pa ng panahon na puntahan si Ellie kinaumagahan din non ay pumunta na rin kami sa warehouse malapit aa mansyon ng mga Gonzales.
"Sigurado kang sasama ka?" Ikasampung tanong ko na ata to kay Alice.
"Oo nga" inis na sagot nito.
"Bakit kaba kasi sasama pa?" Tanong ko.
Napabuntong hininga sya.
"I want to ask if they're the one who kill Nate. I wanna ask why him." Sabi nya ng may halong pagkalungkot. I sighed. Kawawa ang asawa at anak ni Nate na ngayon ay nagdadalamhati. Si Cee at si Sean.
"Sean is very sad. Halos di na kumain yung bata at si Cee ayon palaging tulala. Hindi ko alam kung anong gagawin ko" sabi ni Alice. I know kung gaano kasakit na mawalan ng mahal sa buhay.
"Alice dont blame yourself. Wala kang kasalanan" sabi ko. The truth is ayaw ko syang nalulungkot. Hindi ko alam kung bakit.
"Thank you John and sorry" she said sincerely.
"Shh" Pagpapatahimik ko sa kanya. Ayoko nang balikan pa ang nakaraan. Ang mahalaga ay yung kung ano ang meron kami ngayon.
Nang makarating kami sa lugar bumaba ako agad at sumunod naman si Alice.
Tahimik lang kami na nakamasid sa may gilid ng biglang dumating si Seph.
"Kamusta?" He asked seriously.
"Clear naman ang area. Ang mahirap lang baka pagpasok natin armado sila." Paliwanag ko. Hindi kasi kami agad agad makakapasok sa loob dahil wala kaming alam sa kung ano ba ang meron sa loob.
"Okay. Kakabigay ko lang ng instruction sa mga hawak ni Uncle Von sa district nya." Sabi ni Seph. I just nod. Tahimik lang na nakikinig samin si Alice sa gilid.
Makalipas ang ilang minuto pumuwesto narin kami sa may gilid ng pinto. Dumating na rin kasi ang inaasahan naming bilang ng mga pulis.
"Alice use this. Be safe ok?" Sabi ko sa kanya. Tango lang ang naisagot nya sabay ngiti. Hinalikan ko ang noo nya tsaka ko umayos sa pwesto ko.
"When I count to three. Una silang papasok tapos tsaka tayo naiintindihan nyo?" Instruction samin ni Seph.
"1.2....3" sabay sabay na binuksan ang pinto ng bodega tsaka sabay sabay pinaputukan lahat ng armadong tao sa loob.
3rd Person's POV
Abala sa pagbaril ang mga kasama ni Seph. Habang sya naman ay pilit na hinahanap si Ellie. Ngunit kahit isang anino ni Ellie o ng magkakapatid na Soliman ay wala syang nakita. Sa di kalayuan nanonood lamang ang magkakapatid na Soliman sa loob ng kwarto kung san nakagapos si Ellie. Meron itong one sided mirror. Pag tumingin ka sa salaming ito makikita mo ang iyong sarili pero hindi mo makikita ang tao sa likod nito. Isa sa mga dahilan kung bakit iyon pinili ng mga Soliman. Sound proof ren ang kwartong ito kaya kahit anong sigaw, iyak, tili ni Ellie ay hindi sya maririnig ng kahit na sino.
"Sa tingin mo sinong tanga?" Pabalang na tanong ni Drea sa mga kapatid nyang tila tuwang tuwa sa eksenang pinapanood sa labas.
"Lahat sila?" Tanong ni Serene.
"Lahat sila." Sagot ni Echo.
"Alam nyo mas tanga kayo! Tanga kayo kasi nagpapadala kayo sa galit nyo. Tanga kayo kasi kinakain ng paghihiganti nyo ang tunay nyong pagkatao. Nangyari na sakin yan dati pero may nangyari ba? Wala diba? Kasi nga antanga ko. DATI. pero ngayon hindi lang pala ko ang tanga. KAYO DIN PALA." galit na sambit ni Ellie sa gilid
BINABASA MO ANG
NOT A HAPPY ENDING ANYMORE
Roman d'amour"Life is really simple, but we insist on making it complicated." -Confucius Sabi dito Life is Simple daw. Pero bakit yung akin hindi. Bakit kailangan ko pang makipaglaro kay tadhana? Bakit pa nila kailangang mawala? -Anikka This is a story of a gir...