Ryla
Alam niyo ba kung ganong kahirap siyang iwasan. Pilit ko siyang inaalis sa isip ko. Pilit ko siyang hindi pansinin. Pero tuwing gabi, palagi ko siyang naalala. Palagi kong itinatanggi na wala lang itong nararamdaman ko. Lumipas ng isang buwan ng pag-iwas ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya ngayon. Masaya ba siya? Sila na ba? Huhuhuhu.
"Hoy babae! Tigil mo na nga drama mo!" paalala sa akin ni Krystal.
Hahahah, natawa naman ako sa sarili kong kadramahan.
"Tara na. Hinihintay na nila tayo."
Sumama ako sa kanya. Saan pa ba kami pupunta, edi doon sa barkada.
Syempre, kapag usapang barkada, syempre nandun si you-know-who.
"Nuod nalang tayo ng movie sa bahay ko." Suggest ko kay Krystal.
Nagpout siya sa akin. Syempre, nagpout rin ako. Hindi ako magpapatalo sa kanya noh. :P
"May.. uhm.. pagkain?"
She rolled her eyes. Haha.
"Ay! May chocolates-"
"Chocolates ba? Tara!" Chocolate lover si dudette here. Haha.
Sabi ko na nga ba eh.
"Eh pano yung barkada?" Sus. Sabihin niya lang, paano na si lover boy niya.
"Sus. Kunyari pa. Hayaan mo na sila. Eh, halos araw-araw natin sila nakikita eh." Sa totoo lang, ayaw kong makita si Rence.
"Sabagay."
~~~~~~~~~~~
"Hoy Rye! Alam kong nagpapakababae ka para kay Rence, kaya magligpit ka nga ng gamit dito sa kwarto mo!" Aba, anong ginagawa ni Krystal sa kwarto ko?
Pinuntahan ko siya sa kwarto at naabutan ko siyang kinukuha yung One Direction posters ko. Hahahaha, fangirl moment here ^_^
"Hoy Krystal, alam kong Directioner ka pero posters ko yan! Bitawan mo yan! Hoy ano ba!?" Naghabulan kami sa loob ng kwarto. Bigla akong napatid at nadapa kay Krystal na sabay ring nahulog sa akin. Nagkatinginan kami.
...
...
...
...