BAMBAM'S POV :
Sumama bigla ang pakiramdam ko nang pumunta kami sa bahay ni Suga . Ewan ko ba , Basta ! May bigla akong naalala . Kainis lang eh ! Sobra . Bakit ngayon pa ? Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya't naglocked ako sa loob ng kwarto ko at iniiyak na lang ang lahat ng nararamdaman kong kalungkutan .
Maya-maya , Biglang nagring ang phone ko .
''DAD IS CALLING''
Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tawag ni Dad . Nagdesisyon na lang akong hayaang magring ang phone ko . Ayokong makipag-usap sa kahit na sino ngayon . Nakakainis lang kasi talaga .
Karma ba 'to sa panloloko namin kay ANDREA ? Ang saklap naman ng karmang 'to . Hindi pa nga rin pala ako personal na nakakahingi ng tawad kay Andrea dahil sa ginawa namin ni Mark sa kaniya .
Kinuha ko ang phone ko't tinawagan siya kaso ayaw niyang sagutin . Ring lang nang ring yung phone niya . I'm sure na hanggang ngayon ay galit parin siya samin . Napakatanga ko kasi eh ! Bakit ba ganun ang ugali ko ? Ni hindi ko man lang nahalatang ang sama sama ko pala ! Pinaglalaruan namin siya at pinagpustahan . Nakalimutan naming may damdamin rin siya .
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
SUGA'S POV :
Nang matapos na ang birthday celebration ko ay agad nang nagsiuwian yung mga kaibigan ko .
''Thanks Suga'' Sabi nila Suho .
Magkasabay na umalis sina Suho at Charlene . Umalis na rin sina Abie at Andrea pati sina Taehyung at Angie .
Nag-iba naman ng daan sina JUNGKOOK at AERON . Mukhang may date pa ata 'to eh . Sina Kayla at Seokjin naman ay hindi nagpapansinan kanina pa . Nahahalata ko yun eh . Laging magkasama tapos ngayon halos hindi na magkatinginan eh sa sobrang layo sa isa't isa . I'm sure na may LQ sila ! Tsk !
Bago umalis sina Seokjin at Lherry ay agad ko munang nilapitan si Lherry .
''Wait a minute !'' Sabi ko.
''Happy Birthday'' Sagot ni Lherry sakin.
Nagsmile ako sa kanya .
''Ingat kayo sa pag-uwi , Bye'' Sagot ko sabay smile kay Seokjin.
Umalis na sina Lherry at Seokjin at naiwan na sina KAYLA at JIMIN .
Napatingin ako sa kanilang dalawa .
''Ahhh ... Uuwi na ba kayo ?'' Tanong ko.
''Oo naman , Bye na'' Sagot niya.
''Kayla , Uuwi ka bang mag-isa ?'' Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Let's Talk About Love
RandomWhat is Love? Love is not just about your feelings for someone but it's also about forgiveness. Anong mangyayari kung biglang magkrus ang landas ng bawat isa ? Ano nang mangyayari kapag nagkagulo na sila ? Paano nila makakamit ang Happiness na inaa...