Introduction

71 0 0
                                    

My Undying love

Ang storya na mula sa baguhan na writter . , Ang storya ng dalawang taong nagmamahalan na paghihiwalayin ng panahon, Paano nila maipaglalaban ang isa't isa kung may isa sa kanila ang nakatali na sa iba . Sino ang pipiliin mo ang taong minahal mo at mahal ka o ang taong mahal mo at mahalaga ka para sa kanya, ano ang mas matimbang sa puso mo ang taong mahal mo o ang taong mahalaga sayo?Paano mo ipaglalaban ang isang taong may ipinaglalaban din

Minsan kahit anong sakit ang idulot sa iyo ng taong mahal mo, ANDYAN KA PA RIN sa kanya.

Kahit na nasasaktan ka na. NANANATILI KA PA RIN sa tabi niya.

Hindi dahil isa kang TANGA!

Kundi dahil MAHAL mo siya at alam mo siya at alam mo sa sarili mo na sa kanya ka lang talaga SASAYA,,,

-Unknown

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Introduction Part 1 :

*Oh I just wanna take you anywhere that you like

We can go out any day any night

Baby I'll take you there take you there

Baby I'll take you there, there*

"Nubayan Inaantok pa ako diba?! Pwede bang mamaya nalang ." Kinausap ko ung cellphone ko na nagaalarm sabay lagay ulet sa may unan yung cellphone ko.

*Oh tell me tell me tell me how to turn your love on

You can get get anything that you want

Baby just shout it out shout it out

Baby just shout it out*

"Hoy nelle, Patayin mo nayang cellphone mo natutulog pa ako eh." Kinuwa ko ung cellphone ko at pinatay . Double deck kasi ung kama namin eh sa taas ako natutulog sa baba naman yung pinsan kong lalake na si Shawn .

Tumayo na ako at Bumaba sa kama at lumabas ng pinto paglabas ko nakita ko si mama na nagkakape. Kami lang kasing tatlo dito sa bahay namin .

"Oh nelle gising ka na pala pinagtimpla kita ng hot chocolate mo. " inabot sakin tas kinuwa ko. "Salamat ma." Tae ang ineet nmn T^T kelan ka nga naman nakakita ng malamig na 'Hot Chocolate' hahah

"Oo nga pala nelle, naalala ko isang linggo nalang pala bago magpasukan." Ou nga pala . pero wala akong balak pumasok kasi di kaya ng budget namin ang college masyado kasing mahal eh. Eh tas ang papa ko naman di ko alam kung saan nagpupunta wala namang binabangit si mama.

"Eto pala oh." Inabutan ako ng 500 ni mama . "oh ma. para saan to ?" Nagtataka talaga ako kung saan galing yung pera kasi wala namang permanenteng trabaho si mama eh ako naman sumasideline lang ako ng waitress sa restaurant sa kaibigan ni mama.

"Pambile mo yan ng mga gamit mo sa skwelahan next week, magaaral ka nak sa "Harrington", nakabale ako ng 5000 at ung iba galing sa tatay mo ."

Naiyak ako at niyakap ko si mama kasi alam kong hirap na hirap siya sa pagtatrabaho . Nag-apply kase ako ng scholarship sa isang mahal na university na "Harrington university" Sabi ng bestfriend ko na si christine na ang school daw nayan ay para sa sikat , mayaman at mga artista . Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nakaenroll dyan noh.? actually ako din eh

"Mah Harrington diba sa mga sikat yan? At mahal diyan ahh.. Ma nmn khit masaya ako iniisip ko rin ang mangyayari sa buhay natin kung mauubos lang para sa skwelahan na yan. "

hamagulgol ako kasi mahirap lang talaga kame as in MAHIRAP . Niyakap ako ni mama sabay sabi "Anak wag kang magalala nagkita kame ng papa mo kahapon at sabi niya sakin nilakad niya ang scholarship mo sa skwelahan na yon ."

Si papa ? bigla ko tuloy namiss si papa umalis kasi siya ewan ko kung san siya nagpunta o anu ang ginagawa niya pero tinatawagan nman niya ako at sa tuwing tatanungin ko siya ang lagi niyang sinasabe "Basta anak malapit na ako umuwe diyan."

"Cge anak aalis muna ako . Bumuli ka ng mga gamit mo ha. atsaka pinahiram pala ako ni christine ng mga luma niyang uniform . andun sa kabinet mo."

Niyakap ko ulet si mama at sabay bumulong "Thanks talaga Ma.," Umalis na siya ako naman naligo na ako at umalis na din.

Pagkatapos ko maligo nagtext si christine at sabi. "bes punta ka sa bahay dali." haay eto nanamang empokritang babaeng to . hayy sige wala nmn akong masyadong gagawin lumabas na ako ng bahay .

[Bahay nila christine]

"Tao po."

kumatok ako sa gate nila. well mas malaki bahay nila christine at mas may kaya sila kesa samin nagpapartime kasi si mommy kala tita kaya. Mayaman kasi sila yumaman lang sila last 3 years lang nung naging CEO yung papa niya dahil namatay yung lolo niya . actually sila ay taga exclusive village malapit sa amin

"oh ikaw pala nelle , kanina ka pa hinihintay ni christine sa taas." ngumiti ako at sabi "Good morning po tita . cge po pupuntahan ko po muna si christine ." Tumango siya at sabi " mabuti pa nga. Teka lang nagalmusal ka na ba?" "opo , cge po"

umakyat na ako sa kwarto ni christine. papasok palang ako ng biglang sumigaw si christine nagulat ako "Ahhhh" lumapit ako at niyugyug ko siya "Ui anyare sayo.?" niyakap niya ako at nagtatalon at sabi "Bes di mo manlang cnabi na sa harrington ka pala mag cocollege .!" ngumiti lang ako at sabi "Di nga din ako makapaniwala eh. magaaral tau sa iisang school . Pero nagaalala ako kay mama kase baka mabaon kame sa utang kahit scholar nman ako." "Hayy naku bes okay lang yan. pero tama na ang drama pupunta tayo sa mall." Nagulat ako at sabi "Haa.!! eh wla akong pera atsaka pambile ko to ng mga gamit ko."

"Sus bes nman may sasakyan naman si drew , susunduin niya tayo samahan mo ako bumile ng bagong damit ," ou nga pala si Drew nga pala ay bestfriend namin ni christine since 1st year sa science high school kase kaming tatlo di naman sa pagyayabang pero kami ni christine ay laging nasa honor kame nga lang ata ang naglalaban para sa 1st honor at 2nd honor ehh kaya nga ako nakapasok sa Harrington eh dahil sa utak siya naman dahil sa pera.

*Kring Kring , Kring , Kring* "best yung cellphone mo tumutunog baka si drew na yan." sabi ko sa kanya . "wait lang bess haa.. " tumango ako "Sure take your time."

To be continued ....

My undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon