I never dreamt for a Prince Charming.
Why would I, I know from very start that it doesn't exist in reality.
How about you? Do you believe that a person can have a supernatural power and special skills?
That's epic!
Well except for the person I know, he's God. The one and only.
Ang gusto ko lang naman ay yung lalaking makakayang protektahan ako nu.
No need sa mga kaangasan. Sa mga badboy o kung ano man. Dahil alam nyo ba kung ano ang naiimagin ko sa mga gangster-gangster na yan?
Yung mga may hawak na bote. Hindi yung buti nang alak huh?! Pero pwede nadin.. Pero yung sinasabi ko talaga eh bote ng RUGBY!! Mga adik na nagfefeeling na astig. Mga malalaki ang mata at dilat na dilat pa. Kung ano ano pa yung mga style ng pananamit kala mo bagay. Yun ba yung mga nakikita ko na mga tao na yung pantalon nila halos mahulog na. Hahaha hindi ko alam ba kung sinasadya nila yun o nabubuang lang sila sa mundo. Well hayaan na.
And to tell you the truth? Feeling ko walang gangster na gwapo! Feeling gwapo, madami pa. Pasensya naman. Bad na talaga ako, sobrang judgemental ba ako? Hehe
Mas gusto ko kasi yung lalaking mamamahalin ako ng higit pa sa pagmamahal na ibibigay ko.
Kasi sabi nila dapat yung taong mamahalin mo ay yung taong mas mahal ka pa higit sa pagmamahal mo. But well, sometimes I prefer equal love.
Kung 100%, dapat equal kayo, at 100% din siya. Or else ikaw lang ang 100% masasaktan kapag nagkataon na hindi pala buo yung pagmamahal niya.
Kaya nga kailangan na magsimula ang isang relasyon as pagiging FRIEND. Eto yung stage na kikilalanin nyo muna yung isa't isa. Then, mapupunta na sa pagkaka-IBIGan.
Because for God 1+1=1, not 2 okay? And meron rin akong tinatawag na 6 14 rule sa love.
2Corinthians 6:14
Do not be bound together with unbelievers; for what partnership have righteousness and lawlessness, or what fellowship has light with darkness?
Yeah totoo nga yun para sa aming mga christian. Yun yung tinuro sa amin. Ewan ko nga lang sa ibang religion.
Ang sabi sa amin, dahil kami na mga believer ni christ dapat ang maging boyfriend o girlfriend ay mga believer din. Dahil kapag unbeliever, mahihila ka raw nito para maging unbeliever ka din. Atsaka mahahati yung oras mo sa pagpupuri sa panginoon.
Itinuro yun nung nag youth camp kame ^_^
And most of all gusto ko yung lalaking makikita kong iiyak para sa Panginoon.
Yun ang standard ng lalaki na matagal ko ng hinaharap. But it seems na di ko pa rin siya nakikita :(...
But don't worry, everything has a right time. I know someday, matatagpuan ko rin siya. At handa akong maghintay ng matagal para dun.
I'm Anelle Smith nga pala. 22 years old. Kakagraduate ko lang last year ng college. And ready naku sa pag-mamanage ng business ng family ko.
Pero don't worry dakilang tambay muna ako ngayon. Sabi ko nga ready diba? Di ko naman sinabing ngayon as in now na. Hehe
Well mahigpit kasi talaga ang mga parents ko kapag sa pagboboyfriend ko ang pinag-uusapan. Kaya nga hanggang ngayon ay NBSB pa rin ako eh. Nag-iisang anak na babae kasi ako, kaya ganun.
Born Again christian ang family ko and ang gusto nilang maging boyfriend ko ay syempre christian rin. Favor naman para sa akin yun dahil ganun din naman ang gusto ko.