Mga mahal na kaibigan

75 0 0
                                    

Magandang umaga mga minamahal ko
Nais kong pasalamatan kayo
Sa pagdating ninyo sa buhay ko
Hindi ito mabubuo kung wala kayo

Sino nga ba ang mag aakala
Na tatagal tayo at tumitibay pa
Kahit madalas abala ang iba
Hindi pa rin nakakalimot bumati sa umaga

Bawat salita at bawat letra
Sa mga tula na aking ginagawa
Kayo na mga kaibigan ko
Ang nagiging inspirasyon sa pagbuo nito

Kahit madalas paulit ulit ang konsepto
Nang mga wika na galing sa isip ko
Basta ang lahat ng ito’y para sa inyo
Mula sa kaibuturan ng aking puso

Sana sa mga darating pang buwan at taon
Kayo’y makasama pa rin hanggang ngayon
Kahit lumipas man ang panahon
Kayo pa rin ang hihilingin sa Panginoon

Tula Para sa KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon