Hala?! 0_0

63 6 1
                                    

una sa lahat at hindi sa huli , salamat sa nagbabasa  as in

SA LAHAT PO!! hope mapasalamatan ko kayo formally...

gora na....

Kylie’s POV

“Kylie gising ka ba?”

Hmmmm.. ang sarap na ng tulog ko eh ano namang problema ni Tita?

Kauuwi ko lang din kanina galing school. Wala akong ganang pumunta sa gynasium na iyon para sa ewan. Grabe kapagod makinig sa mga babaeng bukang bibig na lang lagi yung Pustisong yun. Feeling artista lakas makahatak ng babae. Ganun ba talaga ang mga gangsters? Mukhang cool sa mga babae? Tsss  ewan ko sa kanila. Lokohin nila orchids.

“Kylie?” Oo nga pala kanina pa kumakatok si Tita.. Neeh sensya naman.. +_+

“Hoh? Bakit po? Sandali lang Tita.” Ano kayang nangyari? Makatayo na nga muna dito.

“Nasa baba si Christian pinasusundo ka raw ni Joshua sa kanya.”

Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko sa tita sa sinabi niya. Napabilis tuloy ang paghila ko sa pinto, nagulat si Tita sa itsura ko..

“HALA?!” Sa nagulat talaga ako eh.. How come namang nangyari yun?? Si Tita naman napahawak sa dibdib niya kasi nga nagulat sa’kin.

“Ano ba yan Kylie. Ayaw mo ring manggulat? Bigla bigla ka nalang..”

“Hindi nga Tita? Nakakapagtaka ah. Bakit daw?”

“Kasi nga busy si Joshua sa pag-aasikakaso ng event sa school. Isa rin kasi siya mga organizers doon kaya hindi siya nakapunta para sunduin ka...” Paano naman kaya napapayag yung mokong na yun na sunduin ako? Paano??!! Unsual kasi eh.sa lahat din naman talaga ng mapapakiusapan...

“Sige Tita, bihis lang ako, susunod na ‘ko.”

“Sige, wag kang magtagal. Siguro naman alam mo na yung tinutukoy ko.”

Nginitian ko na lang si Tita bilang pagsang-ayon dito. Naku. Kilala na talaga niya si Christian. Hindi na ‘ko nag-aksaya pa ng oras dahil kapag nagkataon, magkaroon na naman mamaya ng digmaan. Bagong gising pa naman ako..haha.

Pagkatapos ko magbihis bumaba na agad ako para magpaalam kay Tita. Tama nga siya, nasa sala ang dakilang halimaw, kausap niya. Lumapit na ko kay Tita.

“Tita, alis na po kami.” Paalam, ko nang tumayo na rin ang Pustiso Giant sa kinauupuan niya. Tumayo na rin si Tita para ihatid kami.

“Ingat kayo hah.”

“Naku baka sila pa ang mag-ingat sa pamangkin niyo. Sige po” Leshe talaga ‘tong bakulaw na ‘to! Wala man lang sense of sense!

Lumabas na kami ng subdivision. Naglakad lang kami papuntang school. Mas maganda naman kasi maglakad na lang, hindi rin naman kalayuan yung school namin dito. Palihim kong inobserbahan yung itsura ng kasama ko.

Ewan ko pero at the first place talaga napansin ko na siyang magaling magdala ng damit. Kahit ano bumabagay sa kanya. Kahit siguro tagpi tagping damit babagay sa kanya eh. Tulad ngayon.

Naka-loose long sleeves lang siya na parang jacket ,open yun hanggang chest tapos sando yung panloob. Kita kasi yung leash ng sando niya sa may balikat since loose nga yung sleeves niya. May pagkakapareho sa style ng damit ni Takenaga sa yamato nadeshiko kaso slightly open nga lang yung kay Pustiso Giant. Shorts lang hanggang tuhod siyempre  yung pambaba niya tapos rubber shoes. Waahhh nakakalibre na naman ako ng tingin hahah!! Bagay naman kasi talaga sa kanya. Kailan ko kaya to makikitang baduy ang suot-suot? Tama na nga ‘toh. Tingin na sa ibang lugar para hindi mabuko. Kylie behave na.!

Fight At First Love?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon