Third Person's Point of View
NUEVA VEDA, 2075"Pahingi nga ako ng isang stick, Lim," wika ng isang matipunong lalaki sa isa nitong kasama na magbantay ng borders.
Lingid sa kanilang atensyon ang nagtatagong si Angel na kasalukuyan nasa likuran ng isang matangkad na puno ng narra. Ayaw niyang mahuli siya ng mga guwardiya na pupuslit patungong city, sapagkat paniguradong isusumbong siya ng mga ito sa kaniyang nanay at aatasan na naman ng street-sweeping o paglilinisin sa nagtataasang bookshelves sa library ng Nueva Veda.
Ayaw niya munang mai-stress, sapagkat kakatapos lang nitong gawin ang kaniyang parusa nong siya'y nahuling umalis sa border no'ng nakaraang araw.
"Salo." Nakita ni Angel na itinapon ng isang lalaki ang isang kaha ng sigarilyo sa ere, na madali lang namang nasalo ng kasama nito.
Angel took the opportunity to change to another position. Lumipat siya sa kabilang puno at maingat na nagtago sa likuran nito—kasabay ang paghinga niya ng malalim at pagpunas ng pawis na tumatagaktak sa kaniyang noo.
Napapalibutan ng kagubatan ang Nueva Veda kaya maraming puno sa paligid na maari niyang pagtaguan. Ngunit ang karamihan sa mga naatasang magbantay sa borders ay matatalas ang mga mata. Kinakailangan mo talaga ng talento sa pagtago kung ayaw mong mahuli ka nila.
It took her a lot of practice and patience to acquire that kind of skill but for some reason, nahuhuli pa rin siya. Hindi niya alam kung nag-improve na nga ba siya o sadyang mga baguhan pa lang ang mga nagbabantay sa bahagi ng border na ito, dahil kung tutuusin, dapat nahuli na siya kanina pa kung sa main gate siya lumabas.
Napahinga siya ng malalim.
Aakmang lilipat siya sa isang puno na malayo-layo sa kinaroroonon nila nang biglang naapakan niya ang isang maliit na sanga na nagdulot ng isang malutong na *crack* na umalingawngaw sa tahimik na paligid.
Napakagat sa kaniyang labi si Angel at taimtim na nagdarasal sa kaniyang isipan na sana'y hindi nila narinig 'yun.
"Narinig mo ba 'yun?" sambit ni Lim at napatayo sa kaniyang kinauupuan. Inilagay nito ang kaniyang sigarilyo sa isang ash tray at tinapik ang kasama. "Oi, may tao ata."
Napamura sa kaniyang isipan si Angel ng marinig 'yun. 'Bakit ba ang malas-malas ko?'
Napatayo din ang kaniyang kasama at napakamot sa kaniyang ulo.
"Ha? Wala naman e', baka hayop lang 'yun." Bahagya itong napatawa.
"Gago, seryoso, tingnan mo nga." Tinulak nito ang kasama upang mag-check. Wala namang nagawa ang lalaki at naglakad nalang patungo sa mga nagtataasang puno upang mag-check. Tiningnan niya ang bawat puno, ngunit walang nakita na kahit anino.
*Crack*
Dumapo naman ang tingin niya sa isang puno ng marinig ang tunog na iyon. Ang nasa isip niya ay isa lamang hayop na napadpad doon. There are no reasons for him to overreact, pero dahil trabaho nila ang magbantay sa borders, kailangan nilang paalisin ang lahat ng palaboy doon para sa kaligtasan ng mga tao. Mahirap na at baka isa itong mabangis na hayop.
YOU ARE READING
Freaks
Science FictionIn 2035, Earth faces an unexpected invasion by supernatural forces, decimating half of humanity and replacing them with beings of extraordinary power. The remaining humans retreat into shadows, preparing for an impending war. As they sense the appro...