Chapter 25: Pagsampa ng Kaso

151 11 1
                                    

NAGTUNGO kami ni Attorney Mishel sa presinto ngayong araw. Nag-kwento siya sa akin nang mawalan ako ng malay sa ospital. Sinabi niya sa akin at ipinarinig niya sa akin lahat mula sa kaniyang pag-re-record ang aking inamin na katotohanan.

Humagulgol ako sa kaniyang tabi, habang pinapakinggan kung paano ako ginahasa at binaboy ni Zach Versoza. Idinetalye ko lahat upang mas mapadali ang pag-file ng kaso sa kaniya.

"Magandang umaga, sir." bati ni Attorney sa pulis na naka-duty ngayon.

Bumati rin ito pabalik. "Magandang umaga, Ma'am. Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?" tanongn niya.

Inilabas ni Attorney ang kaniyang ID bilang lawyer. "I am Attorney Mishel Marrey from Lawless Law Firm." pakilala niya bago tumingin sa akin. "And this is Laxxus Harris Sarmiento, my client." She added.

"What may I help you with?" tanong ng police.

Lumingon sa akin si Attorney para siguraduhin kung okay lang ba ako o hindi bago niya muling kausapin ang pulis.

"I need to file a complaint against someone," She uttered. I can't see a nervous feeling on her face. She's brave and that is because she is a lawyer.

Tumango-tango ang pulis at may isinulat doon sa isang papel na nakapatong sa lamesa. "What's your complaint, Ma'am?" muli nitong tanong.

Ang daming paligoy-ligoy ng pulis na ito. At kita ko rin na iba ang pagtingin niya kay Attorney kaya sumingit na ako sa kanilang usapan.

"I was raped one week ago, sir." malamig at seryoso ang boses na sambit ko. Natigilan ang pulis na kaharap namin. Tila hindi makapaniwala.

"Totoo ba ang sinasabi nito, Attorney?" paninigurado niya.

Tumango lang si Attorney Mishel bilang sagot sa tanong ng pulis sa akin.

"Kailan ito nangyari? Eksaktong oras at eksaktong petsa."

Huminga ako nang malalim. Hinagod ni Attorney ang aking likuran dahil na rin siguro sa matinding kaba na dumagundong sa aking dibdib. Nagkwento ako sa pulis tungkol sa nangyari sa akin at isinusulat lamang nito ang bawat detalye.

"Iniwan na po kasi kaming dalawa ng Manager sa loob ng silid na iyon," paliwanag ko. "Hindi ko aakalain na ganoon po ang gagawin sa akin dahil noong una pa lang po ay iba na ang bawat tingin niya mula nang dumating siya sa Club na pinagtratrabahuan ko."

"Ano ang ginawa niya bago ka gahasain ng lalaking sinasabi mo?" tanong ng pulis.

Ramdam kong namamasa na ang aking palad at pinagpapawisan na ako kahit aircon naman dito sa loob ng presinto. Kailangan kong sabihin ang totoo. Kailangan kong maging matatag para mahuli ang gumawa sa akin ng kababuyan. Kailangan kong maging matibay para masampahan na ng kaso ang taong iyon.

Naikuyom ko ang aking kamao sa pag-alala sa nangyari sa akin. "Humihithit po siya nang Droga at pinagsabihan ko po siyang bawal iyon sa loob ng Club." paliwanag ko ulit. "Tinawanan niya lang ako nang sabihin ko iyon sa kaniya. Para siyang baliw na nagtanong sa akin... kung gusto ko raw ba na makipag... makipagtalik sa kaniya," nahihirapan kong sambit sa kaniya.

"Bakit hindi mo sinubukan umalis? Bakit hindi mo sinubukan magsumbong nang gawin na niya ang paggahasa sa iyo? Bakit hindi ka humingi ng tulong?" sunod-sunod ang katanungan ng pulis sa akin.

Naiinis na ako pero hindi ko na lamang ipinahalata. Sinagot ko ang kaniyang mga katanungan na nakatitig sa kaniyang mga mata.

"Sinubukan kong umalis ngunit hinarangan niya ako. Paano ako magsusumbong kung lupaypay ang aking katawan at nanghihina ang aking katawan? Hindi ako nakapagsumbong dahil binantaan niya ang buhay ko, sir... tinutukan niya rin ako ng kutsilyo sa aking leeg." mahabang paliwanag ko. "H-Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil wala rin makakatulong sa akin... maging ang Manager hindi niya rin ako matutulungan dahil sunod-sunuran siya sa lalaking iyon," nanghihina kong dagdag. "At isa pa, soundproof ang buong pangalawang palapag maging ang loob ng silid."

Defiant Youth Series # 12: Unwanted Justice (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon