Kinaumagahan nagising ako na halos hindi makabangon.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko si Sayoko sa sofa sa dulo ng kama na payapang natutulog.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha niya.
Siyang siya pa rin si Sayoko. Nagmature lang ang mukha niya.
Gustong gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanyang ako pa rin to. But my fears are holding me back.
Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko.
Paano pala kung hindi ako umalis? Paano pala kung hinintay ko siyang magising? Paano pala kung nalaman ko ang totoo bago ako nagdesisyong iwan siya?
Ang dami ko paring tanong.
At hanggang ngayon tuwing naaalala ko ang huling gabing nagkita kami bago ako tuluyang umalis, nasasaktan pa rin ako.
We never had a chance to talk before I left.
Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang luha.
Ngayon wala na talaga kaming dapat pag-usapan pa lalo na't ikakasal na siya.
Kailangan kong lumugar dahil marami nang nagbago, hindi na kami katulad ng dati.
At kailangan kong matapos agad ang trabaho ko.
Ayokong manatili dito ng matagal dahil kapag nangyari yun, hindi ko na talaga alam.
Tuluyan nang kumawala ang mga luha mula sa aking mga mata, napahawak ako sa parte ng puso ko. Naninikip na naman ang dibdib ko.
Agad akong nagpunas ng luha nang nakita ko siyang gumalaw. Ayokong maabutan niya akong umiiyak.
Mas madaling sabihing okay lang ako kaysa magpaliwanag kung bakit hindi.
"Gising ka na pala? Kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya. At agad lumapit sa akin at hinawakan ako sa noo. "Ang taas ng lagnat mo kagabi kaya ka siguro nawalan ng malay. Siya nga pala, si Lola Auring ang nagbihis sayo kagabi," paliwanag niya. Saka ko lang napansin na iba na pala ang suot ko. "Diyan ka lang, maghahanda ako ng almusal," paalam niya.
At sa dami ng sinabi niya, "Sige," lang ang naisagot ko.
Lumabas siya ng kwarto at nahiga ulit ako.
Nakatingin ako sa kisame nang biglang may tumunog na telepono. Alam kong hindi sa akin 'yon, hindi yun ang ringtone ko.
Nakita ko ang cellphone ni Sayoko na nakapatong sa bedside table na patuloy pa rin sa pag-ring.
Babangon sana ako para sabihin sa kanyang may tumatawag sa kanya pero hindi ko pa rin kaya. Hanggang sa tuluyan nang tumigil iyon.
Out of curiosity, tinignan ko kung sinong tumatawag sa kanya. Pero halos mabitawan ko ang cellphone niya sa nakita ko.
Saan niya nakuha 'to? Bakit may kopya siya nito?
It was my college graduation picture taken in US because I finished my Bachelor's Degree there and that was 6 years ago. And it was his phone's wallpaper.
My tears again started to run down my face only to find out that it wasn't my only picture in his phone.
I opened his gallery. May mga litrato ako na kuha sa university nung nag-aaral pa ako, my school perfomances, pictures during my graduation, pictures at work and also my pictures with Yummy and Chummy na nung isang araw lang.
Naguguluhan ako.
When I heard him knock. I immediately put back his phone and fix myself as if there's nothing wrong.
"Pasok."
Pumasok siya na may hawak na tray at ipinatong iyon sa side table.
What is it this time? He's getting married and then what?
"Kumain ka muna, saka na natin pag-usapan ang trabaho." He's holding the spoon at sinusubuan ako ng sopas na dala niya.
"Kaya kong kumain mag-isa," I said it.
Wala siyang nagawa kundi ibalik ang kutsarang may sopas sa bowl.
"Sige, lalabas muna ako. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka," paalam niya.
I just nodded.
At nagsimula na siyang maglakad palabas.
"Wait," pigil ko sa kanya.
Tumigil siya at humarap sa akin.
"Nakalimutan mo." Iniabot ko sa kanya ang cellphone niya.
"Salamat." Halata sa mukha niya ang pag-aalangan kung tatanggapin niya iyon o hindi.
"Salamat din."
Ngumiti siya at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Pagkalabas niya ay hinanap ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Raffa. Mabuti na lamang at may signal dito.
"Hello mommy, I miss you," bungad sa akin ng kabilang linya. I know it's Evo.
"I miss you too baby, how are you?"
"Not so good mommy. Where are you ba? I want to see you na," Evo said on the other line.
"Mommy is working baby. I'll be back soon. Be good while I'm away, okay?"
"Okay mommy, I love you."
"I love you too Evo. Where is your dad? Can I speak to him?"
Then I heard Evo called his Dad.
"Hello, how are you Ka?" this time it's Raffa.
"Hindi ako OK," I honestly answered.
"Ha?! Bakit naman? May sakit ka ba? May nangyari bang masama sayo?" nag-aalalang tanong niya.
"Minalas ako."
"What do you mean?"
"Grabe naman kasi maglaro ang tadhana, akalain mo yun? Si Sayoko ang boss ko, si Sayoko!"
But Raffa just laughed on the other line.
"HAHAHAHAHA! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig," kantyaw niya.
"Manahimik ka nga. He's getting married."
"Oh really?"
"Yes. Pero may isa pang gumugulo sa isip ko."
"Ano?"
"Nagtataka ako kung bakit may mga pictures ako sa cellphone ni Sayoko na lahat kuha sa US."
"Ka, wait I have to go. I'll call you back, Evo is crying. Mag-iingat ka diyan ha, just be happy, okay? Bye." Nagmamadaling paalam ni Raffa. At tuluyan nang naputol ang linya.
Hay. Wrong timing.
Pagkatapos kong kumain, pinilit kong inabot ang bag ko at kinuha ang laptop ko.
I started working on the concept paper.
Hindi man ako makapagtrabaho ng maayos dahil iniisip ko pa din ang tungkol sa mga litrato, I need to focus and concentrate and finish this concept paper. At piliting wag nalang mag-isip ng kung ano ano.
Hindi na mahalaga kung bakit meron siya ng mga yon. Matagal na kaming tapos or should I say walang dapat tapusin dahil wala naman kaming nasimulan.
I reminded myself again; I am here to work, nothing but to work.
BINABASA MO ANG
Three Kinds of Love (COMPLETED)
RomansaIf A loves B, it's not logical to say that B loves A. But if conditional is true, this I will say; maybe someday, A and B are meant to be. ❤