11:11 Excitement
We get excited about a lot of things. But for me the challenges excites me the most.
"Finally!!!" binagsak ko ang sarili ko sa kama.
El went beside me. We are finally here. 12:00 p.m. pa lang.
"Can't wait to wear my bikinis!"excited na pinakita sa amin ni Zy ang mga baon niya.
"I just want to higa here..." inaantok na wika ko.
"Kanina ka pa yata natutulog. Get up ghorl! This will be your despidida!!!" malakas na sigaw ni Steffi pagpasok niya.
Tama. I need to get up and enjoy the time.
"Baka may mga kakilala tayo dito." pumasok si Von sa kwarto naming girls.
"Nirentahan natin ang buong island. Walang ibang guests." sabat ni Rachel.
"Bakit parang mga mamatay tao tayo? Nagtatago?"natatawang tanong ko sa kanila.
"It's better this way. Para tayo lang." -El.
Hindi na ako nagsalita at kinuha ang beach dress ko. I am still adjusting to the weather here.
"How do I look?"tanong ko sa kanila.
I am wearing a beige long beach dress. The color looks good on me.
"Uwu morenaaaaa~~" pakantang sabi ni El.
Bumelat lang ako sa kaniya at sumunod kina Steffi na lumabas. Kami lang ang tao dito paano na lang kung biglang magka-apocalypse? Char.
"Owh Nathan is gorgeous. Hiring ba siya ng kabit?" pabirong tanong ni Zy.
"Gaga." mura ko dito habang pinapanood si Nathan na umiinom ng coconut juice.
Nakasuot ito ng polo at tatlong butones sa taas ang hindi nakasara. He's hot.
"Hon," i called him.
"Wow, looking good."puri nito sa akin.
"Maliit na bagay."simpleng tugon ko.
We both laughed on ourselves. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-selfie kaming dalawa.
"Hoy! Lovebirds number 1! Halikayo dito!"sigaw ni Rachel.
Hubadera din ang isang to. Naka one piece lang.
Naglakad kami ni Nathan papalapit doon sa beach. The sun is so high.
Nagpictorial lang kami saglit pero parang ginawang prenuptial nila Von. Tinignan ko ang mga kuha nila at pinapasa sa akin.
Sunod nilang kinuhanan sina Kyro at El. Ang harot pa nga ni El dahil may vid pa gusto niya.
"Did you wear sunscreen?" tanong ko kay Nathan.
"No. Kailangan ba yon?"
Tinampal ko ang noo niya at kinuha ang sunscreen ko. I applied it to hin face na poreless. Nawa'y lahat.
Pagkatapos namin sa dalampasigan ay pumunta kami sa likod. May pool doon at restaurant.
"Lobsters and crabs." rinig kong wika ni Steffi sa waiter.
"Ano next gagawin natin?"
"Jetski. May island malapit dito." sagot ko kay Sam.
Day one palang namin pero parang ang dami na naming gagawin.
Kumain kami habang nagkukuwentuhan. Steffi and the rest are talking about their life soon at the MedSchool.
Tahimik lang akong kumakain ng mga shrimps na binalatan ni Nathan. That's when Kyro asked me something.

BINABASA MO ANG
A wish: 11:11
Chick-Lit11:11 is an angel's number. They say you should wish something when the clock strikes at exactly 11:11 in the evening.