Malakas ang ulan habang binabaybay ko ang daan patungong Montain University. Nakapayong lamang ako at mabuti na lamang ay ulan lang ang malakas at hindi hangin kasi paniguradong wala na akong payong ngayon at siguradong hinangin na.
Wala akong choice kundi ang pumasok dahil ang klase ko ngayong araw ay major subject. Naman oh!
Ang hirap talagang maging iskolar lang dahil kailangan mo talagang mag-aral kahit tinatamad ka. Kailangan mo talagang magsikap para hindi mawala sa'yo ang scholarship.
Sana all talaga sa mga mayayaman na binabasta-basta lang ang pag-aaral nila without knowing na ang katulad ko na mahirap ay nagsusumikap para lamang hindi matanggal ang scholarship na binigay saakin.
Basa na ang balikat ko at pati narin ang ibabang parte ng pantalon ko. Basa ang daan at madami pang dumadaang mga sasakyan kaya palagi akong nawiwisikan.
Nakahinga ako nang malalim. Pumasok na ako sa loob ng campus. Marami ring mga estudyanteng katulad ko'y may dala ring payong at sinisiguradong hindi sila mababasa ng ulan.
Dali-dali kong isinarado ang payong ko bago tuluyang umakyat patungo sa second floor ng building na siyang location ng subject ko.
Mukha na yata akong basang sisiw pero wala naman akong pakialam at hindi naman ako nag-aral para sa kanila. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na, walang maaapi kung walang magpapaapi. Laban padin sa buhay kahit mahirap.
Nagtinginan ang mga kaklase kong hindi man lang nabasa kahit konti ng ulan. Syempre may sasakyan naman sila.
Hindi ko na ininda ang tingin nila at naghanap na ng bakanteng upuan. Inilibot ko ang paningin ko at hindi ko pa napansin si Joy.
Lunes ngayon at sabi niya saakin noong sabado ay kahapon raw ay may birthday celebration part two raw siya dahil dumating ang Kuya niya galing Australia.
Hindi ko parin makalimutan gaano ka ganda at kabongga ang birthday celebration ni Joy.
Ang daming masasarap na pagkain. Pinadalhan pa nga ako ni Joy bago ako umuwi. Driver nalang niya ang naghatid sa'kin pauwi dahil madami pang bisita ang dumating pagkatapos nang pag-uusap namin.
Biglang may pumasok na professor na hindi naman pamilyar saakin. Itinoun ko na ang atensiyon ko sa kaniya.
Pati ito'y basa rin ng kaunti. Mas lalo kasing lumakas ang ulan.
“I am your new professor on this subject. I am Doctor Brandon Debas, nice meeting you all!”
Tahimik lamang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ng new professor namin na siyang Doctor pala.
Natapos ang klase na puro hirit lang tungkol sa buhay niya. Kakaiba rin ang pamamaraan niya sa pagtuturo dahil hinihiritan niya ng mga biro at patungkol sa buhay niya para masiguradong active ang buong klase.
“Class Dismissed!” wika ni Doc Brandon sabay tingin sa relo niya.
Natapos na lang ang two hours class namin ay wala parin si Joy. Baka pagod ito sa mga nakaraang celebration na ginawa niya.
Lumabas na ako ng classroom at inayos ang payong kong pipitsugin na konting hangin ay bibigay na. As what I have said magtagal nadin kasi ito. Kailangan ko na yata ng pamalit lalo na sa mga araw na'to at napapadalas na ang ulan.
May dalawang subject pa ako. One hour lang naman ang susunod tapos ang isa naman ay mamayang 5 to 6.
Tumungo na ako sa classroom kung saan ang next subject ko.
Natapos ang one hour na wala man lang pumapasok na professor. Ewan ko at bakit wala ito.
1 pm pa at mamaya pa ang klase ko. Malakas padin ang ulan at tinatamad akong umuwi at babalik din naman.
BINABASA MO ANG
Hope Beyond Deprivation (Defiant Youth Series #8) [COMPLETED]
Teen FictionHope Beyond Deprivation (DEFIANT SERIES #8) Safira Ellison was raised and lived all her life without the fantasies she desire. If there's one word that describes her life it was pure distitution. Indeed, she was a strong independent woman but she w...