Sabi nila swerte ka na daw kapag nahanap mo na ang iyong “The One”…
As in, yung taong nagpapasaya sayo lagi,
yung tipong dadalhin mo sa harap ng altar at sasabihan ng “I Do.”
Yung taong gusto mong tawaging mama ng mga magiging anak mo.
At yung taong kasama mong tatanda.
Ako nga pala si Charlie. At ito ang kwento ko.
Isa akong 4th year Engineering student sa isang private school sa Makati.
Isa rin akong varsity player, straight A student, at pinakasikat sa campus…
Pero hindi katulad sa ibang kwento, hindi ako bad boy o chick boy…
Dahil sa buong buhay ko, isa lang ang minahal ko.
Minahal ko nglubos…
Siya si Tess.
Simple lang, walang arte.
Scholar siya kaya nakapasok siya sa eskwelahan ko, at higit sa lahat…
Mahal ko, at mahal niya rin ako.
Una kaming nagkita nung 2nd year pa lang kami, transferee siya noon.
Pero nakuha na niya agad ang atensyon ko.
“Miss! Dito ka na umupo.” Sabi ko, habang tinututuro yung upuan sa tabi ko.
“Salamat.” Sabi niya.
“Ako nga pala si Charlie.” Sinasabi ko habang nakaabang ang kamay ko namakipag-shakehands sa kanya.
“Ako si Tess.” Sabi niya habang nakikipag-shakehands sa akin.
Yun lang ang sinabi niya…
Pero tumatak sa isipan ko yung maganda niyang ngiti na nagpaliwanag ng buong araw ko,
at ang haplos ngkamay niya sa kamay ko.
Kaya ngayon, 3 taon na kaming mag-syota.
At ngayon ang anniversary namin. Balak ko sana siyang dalawin.
Kaya nag-handa na ako. Kumain, naligo at nagbihis na ako para makaalis na ako ng maaga.
Habang nagbibihis ako,
nakita ko yung picture namin ni Tess nung 1st anniversary namin.
Grabe,
napakasaya ko nung araw na iyon kasi alam kong napasaya ko siya.
Sa isang botanical garden iyon,
may mga kandila, rose petals sa paligid at table for two.
Lahat ng iyon ako ang nag-organize.
“Asan na ba sila?” Tanong ko sa tropa kong si Harvey.
“Chill lang pare, darating din yun.” Sagot niya.
Pinasundo ko kasi kay Denise si Tess, kunwari silang dalawa ang aalis.
Buong araw nga akong di nagpakita kay Tess noon.
Kaya patay ako kung di niya magustuhan yung hinanda ko.
At andyan na sila, sakay ng kotse na hineram ko sa Dad ko.
Pumasok si Tess kahit na madilim sa loob ng garden.
Nang na kita ko na siya, tinakpan ko ng mga kamay ko yung mata niya
"Happy 1st Anniversary, Tess." binulong ko sa mga tenga niya,
sabay halik sa kanyang malambot na pisngi.
Nag – dinner date kami,
pagkatapos naming kumain tumugtog yung “By Chance” na favorite song naming dalawa.
Kaya tumayo ako sa inuupuan ko at niyaya ko siyang sumayaw.
Pumunta kami sa gitna, hawak hawak ko ang kamay niya.
Dahan dahan kaming sumayaw habang ang kamay ko ay nasa bewang niya at ang ulo niya ay nasa aking balikat.
At nang natapos na yung tugtog,
unti-unti kong nilalapit ang mukha kosa kanyang mukha
At nararamdaman ko ang mga labi niya na dumapi rin sa labi ko.
Kung pwede lang talagang ulitin yung mga oras na iyon…
BINABASA MO ANG
"Paano na Kaya?"
RomanceSabi nila swerte ka na daw kapag nahanap mo na ang iyong “The One”… As in, yung taong nagpapasaya sayo lagi, yung tipong dadalhin mo sa harap ng altar at sasabihan ng “I Do.” Yung taong gusto mong tawaging mama ng mga magiging anak mo. At yung taong...