A Love Worth a Million Stars

6 0 0
                                    


Long blonde hair, trimmed brows, almond shaped eyes, small pointed nose and a pair of reddish cupid's bow shaped lips. Ito ang repleksyon na pinapakita sakin ng salamin. Isang kahali halinang babae na sinanay simula pagkabata para maging isang prinsesa

Bata pa lamang ako tinanim na sa isipan ko ng mga magulang ko na isa kong espesyal na babae. Na magiging malaki ang papel ko sa lipunan. Nung una hindi ko naiintindihan pero ng sumapit ako sa aking ika labing tatlong taon nakilala ko siya. The prince of Yueina. Ang lalaking nakatakda kong pakasalan.

Una ko siyang nakita nung ikalabing anim nyang kaarawan. Kung ikukumpara sakin na mukang paslit ng araw na yon ay isa syang binata. Magkaiba kami ng prayoridad pa sa buhay,sya ang nasa isip na ay kung pano nya gagampanan ng maayos ang tungkulin niya bilang isang prinsepe samantalang ako, hindi ko pa alam kung ano ang gusto ko.

Pero isa lang ang sigurado ko ng mga panahon na yon. Unang beses ko syang masilayan, sigurado na ako na sya ang makakasama ko hanggang sa pagtanda. Sa murang edad ay umibig ako. Ngunit sa murang edad din ay naranasan kong mabasag ang puso ko.

"Prince Troy, para sa iyo itong panyong binurdahan ko" inabot ko sa kanya ag panyo na pinagpuyatan ko ng ilang gabi. Kakatapos lang niya mag ensayo sa pag gamit ng espada ng ako'y lumapit sa kanya at inabot itong panyo at inumin.

Tinitigan nya lang ang mga hawak ko. Akmang may sasabihin sya ng may babaeng lumapit samin at humawak sa braso nya. Ito ay ang anak ni Count Reynold. Siya si Sophia Vera, kasintahan ni Troy.

Agad na nangunot ang noo ko at sinamaan ng tingin ang babae. "bakit andito ka? At bakit ka nakalingkis sa aking mapapangasawa? Wala ka bang delikadesa at nagagawa mo ito sa harap ko?"

Agad na bumitaw sa braso ni Troy at akmang hahakbang palayo ng biglang hawakan ni Troy ang kamay nito at pagsalikupin ang kanilang mga daliri.

"Siya ang babaeng iniibig ko Indira kaya may karapatan syang pumunta dito, hawakan ako at kahit angkinin ako" malamig ang mga mata niyang nakatitig sakin habang sinasabi niya ito.

Para bang wala syang pakialam sa nararamdaman ko. Wala syang pakialam na nasasaktan ako. Maari ngang bata pa ako pero alam ko at sigurado na ako na sya ang gusto ko makasama habang buhay. Hindi lang dahil itinakda kami sa isa't isa.

"Troy, ako ang babaeng nakatakda sayo. Pano mo nakukuhang sabihin yan sa harap ko?"

"Indira, gagawin ko ang lahat para hindi matuloy ang pag iisang dibdib natin"

" Pero mahal kita Troy, Pano na ko?" Mangiyak ngiyak at nagsusumamo ang aking mata sa kanya.

"Bata ka pa Indira. Hanggang nakababatang kapatid lang ang tingin ko sayo. Balang araw makakahanap ka rin ng lalaking mamahalin ka tulad ng pagmamahal mo sakin. Mas higit pa."

"Pag hindi natuloy ang kasal natin, mawawala sayo ang trono. Babagsak ang kaharian nyo. Hindi kayo tutulungan ng pamilya ko." Pilit kong pinapaintindi sa kanya na kailangan nya ako. na kailangan nila ang suporta ng pamilya ko.

Ang Lupang sakop namin ay umaabot sa karatig na kaharian. kaya't Malawak ang koneksyon ng pamilya namin at walang sinuman makabuwag. Kailangan ng mga Fierro ang suporta ng Frost dukedom kung hindi madali sila masasakop ng karatig na kaharian.

Dahil matalik na magkaibigan ang aming pamilya ay pinagkasundo kami upang wala na talaga makagalaw sa kanila.

"Hahanap ako ng paraan para samin dalawa ni Sophia" Buo ang loob nyang banggit sa akin. Na syang tuluyan nakapagpabasag ng puso ko.

" Kung ganon, goodluck sa kahibangan mo. I'll be waiting at the altar wearing a white gown and a veil, while laughing at your failure." tinalikuran ko na sila at naglakad palayo. nakakatatlong hakbang palang ako ay tinapon ko na sa lupa ang mga dala ko para sa kanya.

Yun ang araw na huli kaming nagkita. Simula non hindi na ulit ako tumapak sa palasyo. Ngunit ngayon ay wala na ko magagawa. Handa man ako o hindi para sa muli naming pagkikita ay wala akong pagpipilian kundi makita sya.

Today is our engagement day. Iaanunsyo na sa buong kaharian ang aming nalalapit na pag iisang dibdib. Every day I was painfully waiting for him to appear in my doorstep, ask me how I've been, or even inform me If his plans succeeded. Which I know now for sure that it greatly failed because if he did indeed succeed, we wouldn't be married at the end of this month.

" Lady Indira, hinihintay na po kayo ng mga panauhin sa bulwagan."  naputol ang pagmumuni muni ko sa pagtawag sakin ng aking  tagapagsilbi. Naririnig ko na ang tunog ng mga instrumento mula sa bulwagan. Hudyat na Nagsisimula na ang pagtitipon.

Narinig ko na inanunsyo na ang aking pagdating sabay ng pagbukas ng dalawang malaking pinto ng bulwagan. Bumungad sakin ang mga naglalakihang chandelier at maraming mga panauhin. Mula sa taas ako'y dahan dahan bumaba ng hagdan suot ang isang gown na kakulay ng madilim na gabi na may palamuting mga maliliit na brilyante na mistulang bituin sa kalangitan. Ang aking umaalong buhok ay bahagyang nakalugay sa aking likuran.

Sa dulo ng hagdanan natanaw ko ang lalaking matagal ko ng di nasilayan. Ang lalaking bumihag sa bata kong puso noon at sya ring wumasak nito. Tulad ng dati ay napakagandang lalaki pa rin. Mas humigit nga lang ata ngayon. Walang amkiktang emosyon sa kanyang gwapong mukha. Salubong ang makakapal na kilay habang nakatitig ng diretso sa aking mata.

Habang humahakbang ako palapit sa kanya palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko napigilan umalpas sa aking labi ang isang mapang asar na ngiti habang tinitanggap ang kamay nyang nakalahad sakin. Sabay sambit ng

" Sabi ko naman sayo sakin pa din ang bagsak mo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Love Worth A Million StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon