Walang pwedeng bumastos sa akin,
Kung gusto mo kausapin mo nalang ang hangin,
Wag na wag mo kong tatanungin,
Dahil kung hindi ikaw ay aking gugulpihin,Wag mong umpisahan ang away,
Dahil hindi kana makaka-uwi sa inyong bahay,
Lahat natatakot sa akin,
Kaya dapat mo akong respituhin,Respetong hindi mo pa nabibigay kahit kanino,
Kahit kanino kahit sa mga magulang mo,
Kilala mo ba ako?!
Ako lang naman ang bully na pinuno,Bully na walang kinakatakutan,
Kahit sa aking mga magulang,
Lahat kinakalaban,
Walang inaatrasan,Pero bakit anong nangyayari sa akin?
Ako'y nagsasawa sa aking gawain,
Kung dati ako'y nasisiyahan,
Ngayon ako'y kinakabahan,Siguro ito na ang hudyat para magbago,
Ginawa ng diyos para maging mabuting tao,
Kung dati ako'y kinakatakutan,
Ngayon ako'y pinapatulan,Pinagsisisihan ko na ang aking ginawa,
Sa pananakit sa aking kapwa,
Aanuhin mo ang kalakasan mo at katangkaran mo,
Kung ang ginagawa mo naman ay nakakasakit sa mga tao,Ito lang ang aking ipapahiwatig,
Sa mga taong takip-takip ang kanilang mga bibig,
Wag na wag kayong matatakot sa kanila,
Dahil sila ang mga taong naiinggit sa iba.