Kabanata 2

4.5K 107 0
                                    

Kabanata 2

Husga


Iyon ang huli kong pagkikita kay Braze dahil pagkatapos ko sa grade nine ay hindi ko na siya nakita. Sa tuwing dumadaan ako sa kamalig, sobrang tahimik at walang presensya ng tao. Hindi ko alam kung kailan siya babalik o baka hindi na. Hindi rin ako sigurado kung makakapag-aral ako sa susunod na baitang dahil kailangan kong tulungan si Lola Bikay ngayon.

Nagkaroon siya ng matinding sakit at kailangan kong alagaan kaya hindi na muna ako pumunta ng baryo dahil kailangan ako dito. Inalagaan ko si Lola, hindi ko siya iniwan kahit pa nung gumaling siya. Pagkatapos ng limang buwan na pananatili sa Libtong, ngayong araw lang ulit ako makakapunta ng baryo. Naisip ko kasing magtanong sa paaralan kung pwede pa ba akong mag-aral ng grade ten.

Kaya naghanda ako sa paglalakad. Suot ang simpleng puting damit, hanggang paa na saya at tsinelas, nagsimula akong maglakad. Hindi alam ni Lola na aalis ako ngayon. Gusto ko munang masiguro na pwede pa akong makapasok gayong huminto ako dahil sa pagkakasakit ni Lola. Punong-puno ng pag-asa ang puso ko habang naglalakad, iniisip ang magandang bagay na mangyayari sa akin sa baryo.

Ilang oras na paglalakad, muli kong nakita ang tulay na dinadaanan. Napahinga ako at tinawid iyon. Nang makatawid, ngumiti ako sa mga nakakasalubong. Matagal rin akong hindi nakatungtong dito. Dumiretso ako sa paaralan namin, hinanap si ma'am Acosta. Nang mahanap si ma'am, ngumiti ako. Nagulat pa siya ng makita ako ngayon.

"Susmaryosep, Mywa. Nakakagulat ka naman hija." sabi niya.

Ngumiti ako.

"Magandang araw po, ma'am." bati ko.

Huminga siya ng malalim. Wala ngayong pasok kaya tahimik ang paaralan. Pumasok ako at hinarap siya.

"Magandang araw din sayo, hija. Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpakita." marahan niyang sabi.

Napahinga ako. Sa buhay kong ito, kailangan kaming magtulungan ni Lola. Siya lang ang pamilya ko dito. Siya lang ang matatakbuhan ko sa buhay na ito. Kaya hindi ko pwedeng iwan ang matanda.

"Nagkasakit po kasi si Lola. Kailangan ko siyang alagaan kaya hindi muna ako nakapag-aral." mahina kong sagot.

Huminga si ma'am at lumapit sa akin. Napayuko ako dahil naaawa ako sarili. Nalulungkot ako dahil ang mga kaklase ko ay nakapag-aral tapos ako ay hindi. Nalulungkot ako dahil naiwan nila ako pero masaya naman ako dahil gumaling si Lola Bikay. Okay lang sa akin na mahuli basta naalagaan ko ang nag-iisang tao na kumupkop sa akin.

"Magaling na ba siya, hija?" tanong ni ma'am.

Tumango ako.

"Opo. Sa ngayon ay bumalik ang lakas niya."

Ngumiti si ma'am at hinawakan ang braso ko.

"Mabuti naman. Babalik ka pa ba sa pag-aaral hija?" tanong niya.

Napahinga ako ng malalim. Gusto ko talagang bumalik sa pag-aaral ngayon. Gusto ko talagang makapagtapos para matulungan si Lola. Kahit mahuli ako, basta magtapos lang.

"Opo, ma'am. Pwede pa po ba?" tanong ko.

Tumango siya.

"Oo naman. Ngunit sa susunod ka pa na pasukan makakabalik dahil nahuli ka. Hayaan mo, pagkatapos ng grading ngayon, ihahanda ko ang mga documents mo." sagot ni ma'am.

Nabuhayan ako ng loob. Salamat sa Diyos! Makakabalik pa ako sa pag-aaral.

"Maraming salamat po, ma'am Acosta." masaya kong sabi.

Tumango siya at ngumiti. Binigyan niya rin ako ng snack. Nakakatuwa dahil sobrang bait ni ma'am. Hindi niya ako pinapabayaan. Palagi siyang nandito upang tumulong sa akin. Kahit minsan ay nahuhuli ako, hindi niya pa rin ako iniiwan. Pinagpala talaga siya ng Panginoon.

Costiño Series 11: Chaining the Heart (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon