CHAPTER THREE
"Nice to meet you, Pres" bati ko pagkaupo ko sa tabi ng pwesto niya. Walang emosyon niya akong nilingon pero nginitian ko lang ito, "I'm Zhavia Astrid, new student." pagpapakilala ko. Ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng simpleng naki-osyoso sa aming gawi—pero wala akong pakielam sa kanila. Tumingin lang sila hanggang gusto nila.
An evil smirk appeared on his lips as he stares at me deeper.
Ibinaba ko ang tingin ko upang silipin ang suot niyang ID pero bahagya akong nagulat nung wala akong makitang pangalan doon. Kumunot ang noo ko at muling ibinalik sa kanya ang atensyon ko.
Why the heck he doesn't have a name?
"Ang lakas naman ng loob ng baguhang ito na umupo diyan" lumingon ako sa pinang galingan ng boses na ito. Mahina ang pagkakasabi niya kaya hindi ko ito naintindihan pero nararamdaman kong pinaguusapan nila ako. Wala akong malakas na pandinig tulad ng sa bampira pero malakas akong makaramdam.
"Pakiulit naman ng sinabi mo. Hindi ko kasi narinig ng maayos." pakiusap ko sa babaeng nag salita. Hindi niya ko sinagot bagkus inirapan niya lang ako at humarap na sa pisara. Wala pala ito eh.
Maya maya lang ay dumating na ulit si Dr. Olivia. Pagpasok pa lang nito ay kaagad na itong nag simula ng klase. Pinipilit kong intindihin ang mga itinuturo niya pero hindi mawala sa isip ko ang lalaking katabi ko—Yes, the President.
Bakit kailangan niya akong ipa-hanap? As if naman na may mapapala siya sa'kin. Natatakham ba siya sa dugo na meron ako? Sorry na lang siya at hindi niya ito mapapakinabangan. Ikakamatay niya lang ang dugo ko.
Sa inis na naramdaman ko habang iniisip siya ay napadiin ang hawak ko sa ballpen at sa hindi sinasadya ay naputol ko ito. Tumapon ang ink nito sa kamay ko kaya naman taranta akong napa-tayo.
"What happen?" napa-lingon ang halos lahat ng estudyante sa direksyon ko dahil sa ingay na nagawa ko nung umatras ang silya'ng inuupuan ko nung tumayo ako, "Are you okay, Ms. Astrid?" tanong ni Dr. Olivia.
BINABASA MO ANG
Gore Academia: School of Vampires
VampirgeschichtenDo you believe in vampires? If not then I'll prove you wrong. Come and join me in Gore Academia where vampires do exist. Once you are in, there's no way out. Think thrice.