Chapter 15

309 7 0
                                    

Chapter 15

Pagkauwi ko sa bahay ay ginawa ko muna ang homework namin sa Chemistry. Madali lang naman at naiintindihan ko ang lesson, so even if Hailey offered me her copied homework, I choose to refuse.

"Himala at nauna kang umuwi sa akin", si Kuya Brandon.

I pouted and offered him some cupcakes. Dadalhin ko na lang ito sa taas para may kainin ako habang sinusubukan ko iyong Omegle.

"I have assignments", I said.

Alam ko naman na napansin ng dalawa kong pinsan ang madalas na late kong pag-uwi noong mga nakaraang buwan. I was always out with Cain and Hailey because Rafael would always visit here. Ayaw ko siyang makita kaya ganoon ang ginagawa ko.

But Cain made a point. I cannot always avoid Rafael. Iiwas pa rin naman ako kung kaya pero hindi na 'yung kasing lala noong dati. I will eventually learn to forget my feelings for him. Hopefully, it will start with the help of this Omegle thing.

"How about tomorrow and the next days? Going out with the Fuentes boy again?"

I frowned at him. Gusto ko tuloy bawiin 'yung mga cupcake na binigay ko sa kanya.

"I thought you're fine with me going out with Cain?"

"I am. I just want to know what he is to you. Hindi man ako strikto pero may pakialam pa rin ako sa'yo 'no", ginulo niya ang buhok ko at natawa sa pagkairita ko.

"Magkaibigan nga kami."

"How about other boys then? Wala?"

"What do you mean other boys?"

"May nanliligaw ba sa iyo kako"

"Wala rin. I only have friends, Kuya."

Assignments lang naman ang pinag-uusapan namin kanina. Bakit napunta na naman sa mga lalake? This is actually surprising to me. Sa isip ko kasi, baka si Kuya Ashton pa ang magtanong sa akin ng mga ganitong bagay. Tsismoso si Kuya Brandon pero hindi iyon conservative katulad ni Kuya Ash.

"I see. I'm just... concerned. Ikaw ang pinakabata sa atin pero muntik ko nang makalimutan na 16 ka na pala. Girls your age, or even younger than you, are already open to dating and relationships."

"Why are we talking about this?"

"Because you may be innocent but you're still a human. Alam kong sasagi rin sa isip mo ang bagay na 'yan. Again, I am fine with it. Siguro kinakabahan lang ako dahil wala kang experience."

"Grabe ka naman sa walang experience", ngumuso ako at natawa ang pinsan sa akin.

"Totoo naman", he replied. "So, if you have questions about those things... you know who to ask," he smiled and walked past me.

Kung pwede ko lang sabihin sa kanya... kaya lang nahihiya ako. I am his cousin but Rafael is his friend. At ano na lang ang iisipin niya kapag nalaman niyang may gusto ako kay Rafael?

Baka pagbawalan pa ako ni Kuya Brandon na sumama sa kanila. Kahit pa kapatid ang turing sa akin ni Rafael at kahit pa malaki ang agwat ng edad naming dalawa, dalaga na ako.

Like what he said, I am 16. Hindi na iyon murang edad para sa pakikipagboyfriend. At hindi na rin bata ang isip ko. I'm sure he'll be bothered if he finds out I like Rafael. Kaya huwag na lang.

I have Cain and Hailey. At least I have them.

I placed my plate of cupcakes on top of my bedside table. I took out my laptop and searched for Omegle. Kinakabahan pa ako kaya hindi ko alam kung ano ang pipindutin.

The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon