Chapter 19

285 10 0
                                    

Tahimik lang kaming nakaupo sa duyan dito sa parke malapit lang din sa amin. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming walang kibo. Pagkasabi niya ng gusto niya akong ligawan ay agad ko siyang hinila dito. I want to talk to him without interruption para na rin magkausap kami ng maayos. I know something is bothering him Kaya siya nagkakaganyan. Confuse as hell.

“So… about what I said.. I’m serious, Serene. I really like you noon pa. And I’m willing to wait until you develop feelings for me.” He said then look directly in my eyes. Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa nagsusumamo niyang mga mata. I know that he likes me like a sister even before so I’m hella confused why he’s acting like this! There must be a problem. Dahil siguro sa kanya. Kay Marian.

I sighed. “Ano ba Ang problema,  Marc? Hindi ka naman ganito ah? you know we are friends, right? please stop confusing yourself. Alam mo sa sarili mo Kung sino talaga ang gusto mo, Ang Mahal mo. Stop making things complicated when in fact, it can be solve so simply. Learn to forgive, Marc. Hear her explanations. Hindi ka magiging masaya kapag mayroong mabigat dyan sa dibdib mo." di siya nakasagot. I smirked. I know I hit the spot and I hope na nalinawan na siya. Masyado kasing mataas ang pride ng lalaking ito.

Napahinga siya ng malalim at sinabunutan ang buhok niya. I know that there is something between him and Marian. I notice that. Simula ng makita namin sila ay parang lagi ng balisa si Marco. He may act different in front of Marian but I often see him staring at her when she’s not looking back and it's not my story to tell so I just remain silent to what I observe.

Maybe he did fell in love with his stalker.

“I’m sorry… sorry if I tried to complicate things… I’m sorry, Renren.” I smiled and hugged him. I know him since then kaya nga I’m confused when he suddenly confessed liking me when in fact he directly told me before that he saw me as his younger sister. Nothing more.

“Its okay, Marc. I’m just here if you need someone to talk to. I’m your friend, your little sister, remember? Sagot Kita, sagot mo ako.” he smiled and patted my head.

“Thanks, Ren. Sana balang araw maiapply mo din sa sarili mo ang mga advice mo sa akin." ngumiti naman ako sa sinabi niya.

"Of course."

Matapos naming nag-usap ni Marco ay inaya ko siyang sa bahay na lang maghapunan pero tumaggi ito dahil may importante daw siyang kailangang gawin. I hope he settles his issue sooner dahil Hindi ako sanay na nagkakaganyan siya.

Pagpasok ko sa bahay at nadatnan Kong gising na so Yumi at tahimik na kumakain. Nang Makita Niya ako at agad siyang napangiti at hinila ako paupo sa tabi niya.

"Let's eat tita!" pinaglagay pa Niya ako ng pagkain sa Plato ko na ikinagiti Nina kuya at mama.

Habang kumakain minsan ay sinusubuan ko si Yumi. Masyado na kaming close ng pamangkin ko na to! para na kaming kambal-tuko, di mapaghiwalay. Kung Hindi siguro siya tulog kanina at baka sumama pa ito.

"Tita, saan ka po pala galing? paggising ko po ikaw agad hinanap ko pero Sabi ni daddy may pinuntahan ka daw."

Pinunasan ko Ang bibig ko bago magsalita. "Dyan Lang baby. Kinausap ko Lang si Tito Marco mo.." napasimangot Ito sandali pero kalaunan at ngumiti Rin at itinuloy Ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming umakyat habang Sina kuya at naiwan pa sa baba dahil may gagawin pa daw.

“Tita, can I sleep with you po?” tanong niya matapos ko siyang bihisan. I smiled and sit beside her in the bed.

“But.. don’t you like to sleep with daddy? He’s leaving tomorrow.” I said then started combing her hair.

“I already told daddy po. And I want to sleep with you, namiss po kita eh!” she said giggling.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon