Maghapon silang magkasama ng kuya max nya. Kaya naman kahit papaano ay nakalimutan nya muna ang huling paguusap nila ni eric.
Ewan nya ba kung matatawag bang date ang ginawa nila ng kuya mike nya. Wala naman silang ginawa kasi kundi ang makipag laro sa mga pamangkin nila.
Madalas nya rin mapansin ang biglang pagtahimik nito kaya naman ginagawa nya ang lahat para mawala ang anumang isipin nito kung ano man yun.
Minsan ay nahuhuli nya rin si eric na nakatingin sa kanya pero sya na lang ang nagbabawi ng tingin at pino focus nya na lang ang sarili nya sa kuya max nya.
KATATAPOS lang ng dinner nila ng magyaya ang mga kuya nya na mag bonfire sila. Ewan nya ba kung ano ang naisip ng mga ito at bakit gusto pang magbonfire. Kaya naman pinagbigyan nya nalang. Nagiinuman ang mga kapatid nya ng beer kasama si eric at nagkakatuwaan. Natutuwa naman sya dahil ang kuya max nya ay nakikipagtawanan sa kanila.
"Matutulog na ako mga kuya!" Nagtanguan naman ang mga ito ng marinig sya. "Wag kayo magpakalasing kasi sabi nyo punta tayo sa kabilang isla bukas!" Dagdag nya na tango lang ang sagot sa kanya. Ni hindi nya naman tinapunan ng tingin si eric.
Ewan nya ba kung bakit pero iba kasi ang pakiramdam nya kapag nakikita nya ito. Madalas kasi e nakatingin din sa kanya kapag napapatingin sya rito. Nauubos na lang yata ang oras nito kakatingin sa kanya. At dahil sa mga tingin nya pakiramdam nya nawawala ang galit nya dito.
Pagdating nya sa kwarto nya ay dumiretso sya sa banyo para makapaglinis ng katawan at nagsuot na sya ng panjama nya.
"Hindi naman siguro masama kung kausapin ko na sya bukas." Kumbinsi nya sa sarili. Namimiss nya na rin kasi kaso natatakot sya na baka mahulog nanaman ang loob nya dito dahil alam nyang bawal dahil engage na ito kay Monique. "Nakamove on ka ba talaga eve?" Tanong nya sa sarili.
Natigil lang ang pagkausap nya sa sarili ng marinig nya ang katok sa pinto ng kwarto nya.
Si kuya max nya ito. Oo nga pala usapan nila dito ito matutulog. Kaya naman pinapasok nya na ng buksan ang pinto.
"Tulog na tayo!" Aya nito sa kanya na nakangiti pa. Tumango naman sya at tabi silang humiga. Magkayap silang mag kuya. Hindi sya nagsasalita pero ilang beses nyang narinig ang pabuntong hininga nito. "Two years ago ng ikasal kami ni ate luisa mo!" Paguumpisa nito tahimik lang sya na handang makinig sa kuya nya alam nya kasing naguumpisa na ang kuya nya sa pagsasabi ng problema.
"Bago kami ikasal hindi ko alam na may gusto pala sya sakin bunso." Tumango lang sya pero hindi inaalis ang pagkakayakap nila sa isa't isa. "Naalala mo si kuya luke?"
"Yung bestfriend mo? Diba kapatid sya ni ate luisa?"
"Oo!nagkainuman kami sa bahay nila ng gabi mga ilan araw yun bago kami ikasal. Kilala mo ako bunso. Kapag lasing ako tulog lang ang trip ko. Kaya naman dun ako natulog sa guest room nila. Nang magising ako nagulat na lang ako galit na galit si luke sa akin. Nagulat pa ako ng mapansin ko nakahubad pala ako katabi ang ate luisa mo na nakahubad rin. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang panagutan si ate luisa mo. Hindi ko sya mahal bunso. Kaya simula ng ikasal kami ni hindi ko sya ginalaw at hindi ko pinakitunguhan ng maganda. Isang araw pakiramdam ko nahuhulog na ako sa kanya dahil maasikaso sya pero nalaman ko wala pa lang nangyari samin nung gabing na yun ginawa lang daw nya yun dahil mahal nya ako."
Napatingin sya sa kuya max nya. "Napikot ako bunso. Kaya ito hindi ko sya matanggap!"
Natahimik sya sa kuya nya. "Kuya sabi mo nahuhulog nanaman na ang loob mo sa kanya. Bakit hindi mo nalang bigyan ng pagkakataon ang marriage nyo tutal wala ka na rin naman magagawa dahil kasal na kayo. Isa pa mahal ka talaga ni ate luisa. Wag mo hayaan na isang araw dadating ka sa bahay nyo wala na sya iniwan ka na at masasaktan kasi mahal mo na rin naman sya."
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...