'You will go trough whatever you are struggling with right now' - Daily notesBasa ko sa tweet ni Daily Notes sa twitter. Nakasanayan ko na ang magbasa araw araw dito, actually tuwing gigising ako laging cellphone muna ang inaatupag ko para magbasa sa twitter ng pang motivate sa araw araw.
Itinago ko na ang cellphone ko at tumingin nalang sa labas ng kotse, papunta kami ngayon ng pinsan ko sa province nila Daddy kasi ipinatapon kami doon dahil need ng pinsan ko ang fresh air at magandang environment hindi kagaya sa Manila na puro sama nalang ata ng loob ang nakukuha niya doon pero syempre hindi lang yun ang reason.
Napatigil ako sa pagtanaw sa labas ng maramdaman ko ang pagpatong ng ulo ni JM sa aking balikat, ang pinsan ko.
"Bakit ka pa kasi sumama eh ako lang naman ang pinadala dito, sabi ko naman sayo mabobored ka lang dito" ani nya sa akin
Hindi naman talaga dapat ako kasali dito pero dahil mahilig nga ako makialam edi sumama ako, tsaka gusto ko din siya bantayan dun dahil baka iba ibang babae nanaman ang landiin nya dun at baka isang araw mabalitaan nalang namin na nakabuntis siya ecckk.
Pangit pa naman pumili ng babae kahit masama ugali basta maganda G! Na agad , kaya ang dami dami ko ding nakaaway na babae dahil sa sobrang pangit ng ugali nila pati ako pagseselosan like tf?! Pinsan ako duh.
"Maghahanap ako ng kambing dun at yun ang ipapakasal ko sa iyo" seryoso kong saad
Bigla naman siyang napaupo ng ayos at napatingin sa akin.
"Ang pangit mo talaga kausap tsaka anong kambing? Porket probinsya kambing agad? Para sabihin ko sayo Maria Belle upgraded na ang probinsya ngayon nuh! May mga gusali na din dun hindi lang kasing rami sa Manila at may mga Mall"
"Sinabing wag mo akong tawagin sa buo kong pangalan!!!" Inis na saad ko "At kahit may gusali na doon o kahit ano pa! hindi parin pwedeng mawala yung mga hayop duh" busangot kong saad
Totoo naman, kung ako ang may ari ng lupain doon hindi ako papayag na mawala ang mga hayop like goat, cow, carabao. I dunno pero feeling ko ang laking parte ang mawawala sa probinsya kapag yun ay nawala, feeling ko lang.
"Ganda ganda ng pangalan mo pero ayaw mo nun" pag iiba nya sa usapan, kapag ganito na ang nagyare it means panalo na ako, well lagi naman akong panalo sa aming dalawa kasi nagpapatalo sya
"Whatever JM Lisbo" itinuon ko nalang ang paningin ko sa daan at siya ay sumandal ulit sa balikat ko para matulog ata.
Mahaba habang byahe din ang naranasan namin pero sa haba ng byahe hindi man lang ako nakatulog dahil sa hilik ng hinayupak kong pinsan tapos wala pa akong dalang earphone.
Pagod na pagod ang katawan ko sa byahe at gusto ko na agad humilata kaya nang makarating kami sa bahay bakasyunan namin eh dumeretsyo na agad ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Bukas nalang siguro ako pupunta sa lola at bukas ko nalang din dadalawin ang kababata/ bestfriend ko dito.
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa aking kwarto, akala mo may sunog kung makakatok.
Pagbukas ko dito tumambad ang pagmumukha ng aking kaibigan at ngiting ngiti pa na akala mo hindi nakaistorbo ng gising.
"Magandang umagaaaaaaaa" masiglang bati niya
"Walang maganda sa umaga bwct akala ko kung anong meron" sabay irap ko sa kanya
"sorry na, excited lang ako kasi finally!! Magtatagal ka na dito" ani niya saba'y pasok sa aking kwarto
"Ano ba yan hindi mo pa naaayos ang bagahi mo" inis na saad niya at sya na mismo ang nag ayos
Ayaw sa makalat ng lalaking ito, pati rin naman ako pero pagod lang talaga ako kagabi kaya hindi ko na naayos.
Sinara ko ang pinto at dumeretso sa banyo.
"pasensya ka na ha ito lang ako,pagod kagabi kasi galing pa akong Manila!" Sigaw ko mula sa banyo, hindi ko na narinig ang sinabi niya
Lumabas ako ng naka bathrobe lang, natagpuan ko siyang may kinakalikot sa drawer ko pero hindi ko na din pinansin. Sa sobrang komportable namin sa isa't isa siya na mismo namili ng susuotin ko, maganda naman taste niya. Wait i think i forgot to introduce my bestie, well he's Ynnod yeah u read it right "He".
Puro lalaki talaga kaibigan ko and kung may babae man yun ay pinsan ko lang din, allergic kasi ako sa babae masyado akong lapitin ng plastic at manggagamit para mapalapit sa mga kaibigan kong lalaki.
I have four boy best, ito nga si Ynnod tapos si Jelo,Juwaw at Riss and yung mga babaeng pinsan ko naman ay si Crissa, Khao and Ash then ang lalaki at sina JM at Jim.
Kung nasaan silang lahat ay hindi ko alam, basta susulpot nalang bigla yang mga yan.
"Sit" katatapos ko lang magbihis at paglabas ko yun agad ng bungad sa akin ni Ynnod
"Hindi mo ako aso" mataray kong sagot
"Sinabi ko bang aso kita ha?! Umupo ka dito dahil papatuyuin ko yung buhok mo" sagot niya
"Marunong ako mag blower" lumakad ako paupo sa sofa
"Alam ko pero gusto ko lang subukan, practice na din para sa future" nakangiting saad niya
Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin.
"Okay na yan, ayaw ko magtali" umalis na ako sa pagkakaupo bago pa niya mabraid ang buhok ko
"Okay, mas better din naman na nakalugay ka"
BINABASA MO ANG
LOVE ME AGAIN
RandomMaria Belle Emelia Pangilinan, she's one of the kindest person you'll ever meet pero it doesn't mean hindi siya nagmumura at nakikipag away, mabait siya sa mabait. She wants to be a singer but what if in order to be a singer you need to face the rea...