Chapter 19
[YOU'RE PREGNANT?!] gulat na sabi ng ina ni Kate na si Flare.
Nanghina naman ang tuhod nito at akmang matutumba. Mabuti na lang at nasalo siya nina Galiana at Victoria. Iniupo naman ng dalawa ang ginang sa sofa at pinaypayan dahil halos mahimatay ito.
[Grabe ka talaga, Ate. Real speed ka, real speed.] sabi ni Galiana.
"Tumahimik ka, Galiana. You're a sight for sore eyes. Dun ka nga sa kwarto mo, baka magmana pa sa nakakabwisit mong mukha ang baby ko."
"Kalma lang, darling, kalma lang." bulong ni Finn habang hinahagod ang likuran ni Kate.
Sinamaan naman ng tingin ni Kate si Finn kaya inalis nito ang kamay niyang humahagod sa likuran nito at naupo siya ng maayos.
[Kate, napaka-suwail mo talagang anak. Kamakailan lang ay sinabi mong makikipag-live in ka kasama ni Finn tapos ngayon sasabihin mong buntis ka? Diyos ko!]
Napangiwi naman si Kate nang marinig ang sermon ng ina niyang stress na stress sa kaniya.
"Mamu, sorry na..."
[Sorry?! Ni hindi pa nga kayo kasal. Hoy, Finn!]
Napatuwid naman ng upo si Finn saka hinarap ang Tita Flare niya na nasa video call. "Yes po, Mamu-este Tita?"
[Ba't di kayo nag-ingat? It's your responsibility to make sure na magkakaroon kayo ng safe sex.]
"We used condom last, last night, Tita."
Siniko naman ni Kate si Finn. "We didn't use any contraceptive on our first sex. At saka three weeks pregnant ako, ano ba? Last, last night ka riyan."
"Oh, right. But we used condom nung nasa apartment pa tayo last week, diba?"
Tumango naman si Kate.
"Wait, why are we talking about that-"
[JUSMIYO! ILANG BESES KAYONG NAG SEX HA??!!!]
Napatakip naman ng tenga ang apat dahil sa sigaw ni Flare.
"Mamu, yung sigaw niyo abot sa mga kapitbahay namin dito eh." sabi ni Kate.
[Wala akong pakialam! Hindi naman nila ako maiintindihan! Hoy, Felicity Kate Príme, isusumbong talaga kita sa Daddy niyo! Humanda ka rin, Finn, akala mo ha. Ilang beses ka na palang naka-chamba sa anak ko.]
"Sorry po, Tita. I can't resist. " sabi ni Finn na napakamot na lang ng batok.
[Sanaol talaga. Pahingi naman ng kamandag mo, Ate.]
[Ate Kate, bigyan mo ko ng tips ha. Malapit na rin kasi yung honeymoon ko.]
[Luh, ang harot. Hindi ka pa nga ikinakasal.]
[At least ako ikakasal. Eh, ikaw?]
Napahilot naman ng sentido niya si Kate. Inakbayan naman siya ni Finn at marahang pinisil ang braso niya.
BINABASA MO ANG
YABS: The Story of How We Confessed
General FictionReminiscing the moment of confessions they've had is both amusing and at the same time sending them a sensation of loneliness and grief. While their mothers used to hide a quirky secret before, Eloise, Brielle, Serene, Kate, Victoria and Galiana, ha...