Lucy
Nasa mall ako at tahimik na kumakain. Bigla na lang may lumapit sakin na dalawang lalake.
"Hi, miss." - Boy 1
"......."
"Ako pala si Cifer." - B1
"Ako naman si Ferdi." - B2
"......"
"Ang sungit mo naman. Makikipagkilala lang kami sayo." - B1
"Lucy. Makaka-alis na kayo." Sabi ko sa kanila.
"Pwede ba akong magtanong?" - B2
"Nagtatanong ka na." - ako
"Sabi ko nga."
"Buti nalaman mo." - ako
"Ang taray mo naman miss. Ganito na lang, magtatanong kami sayo. Kahit tig-isa lang kami. Ayos na ba yon?" - B2
"Sige. Tanggal ka na. Kakatanong mo lang." - ako
Di ko pa rin sila tinitignan. Ayaw kong makipag-usap sa mahahangin e. Tss.
"Ako naman! Anong cellphone number mo?" - B1
"09********* binigay ko na kasi magpapalit din naman ako ng number mamaya. Bibili ako ng bagong sim." Sagot ko.
"Ang daya!" - B2
Bigla na lang nag-vibrate ang cp ko.
"Hi! Cifer here! Don't forget my number para kahit magpalit ka, you can always contact me!" From unknown number.
"Sorry pero di tayo pwede magsama e. Aalis na ako." Sabi ko sa kanila at tumayo na.
"Bakit naman? May bf ka na ba?" - Cifer
"Pare, taob ka naman pala e!" Pang-aasar nung Ferdi.
"Di tayo pwedeng magsama kasi di talaga pwede. At nagamit nyo na ang chances nyo para tanungin ako."
"E kasi Lucy, type ka talaga nitong kaibigan ko e. San ka ba pupunta at di kami pwedeng sumama?" - Ferdi
"Sige. Sasagutin ko yang tanong nyo. Kasi kapag sinama ko kayo, sa impyerno tayo dederetso." Paliwanag ko.
"Bakit naman?" - Cifer
"Pag nagsama tayo, LUcy + CIfer + FERdi = LUCIFER. Kaya di tayo pwedeng magsama. Tabi. Aalis ako."
"Hahahaha!! Oo nga!! Ge! Bye! Text na lang kita."
"Di ako naglo-load at magpapalit na sabi ako ng no."
"E di lo-loadan kita! At hahanapin kita para makuha ang bago mong no! Ingat!"
Tss! Mayabang pero pogi. Pwede na. Hihihi!! Landi!! Ngayon lang naman! Pagbigyan nyo na ako!!
BINABASA MO ANG
LUCIFER (ONE SHOT)
Short Storythis is actually not a horror or suspense story. it is actually about names and being "PILOSOPO". one shot lang to! enjoy kayo! by: PANGETTE