SEVENTY-FOUR

553 12 1
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

TAHIMIK ang lahat sa living area, tila walang gustong magsalita at nagpapakiramdaman lang.

Tinapos na agad ang party at nagsipag-uwian na ang mga bisita. Actually ay maaga pa para tapusin ang party but something, I don't, very important came up? Kaya dumiritso kami sa loob ng mansyon nina Kenzie at nagtipon sa living area. Ni hindi ko nga alam bakit pa kami nagtitipon. Ano 'to? Pag-uusapan namin ang malaking pasabog ng pagbabalik ni Iris?

Napatingin ako kay Zaiah nang niyakap niya ako sa bewang, katabi ko siya sa couch.

Everyone seemed shocked about what we heard from Iris. I mean, what the heck? Bigla-bigla siyang susulpot sa party nang hindi man lang iniimbita at walang pasabi? Tapos gano'n pa ang maririnig namin mula sa kaniya?

Hindi ko alam ang iisip ko. Hindi ako komportable ngayon, lalo na sa presensya ng bagong dating. Hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko.

May anak si Kenzie? Kay Iris?

Ayaw kong maniwala, kasi imposibli! Pero at some point, hindi ko rin maaring isantabi ang katotohanang may nakaraan silang dalawa. At kinakabahan ako sa isipin na baka...

Paano nga kung totoong anak niya ang batang lalaki na kasama ni Iris? Natatakot, hindi ko alam kung saan.

"Okay. What's going on?" Sa wakas ay binasag ni Mommy ang katahimikan. "Can someone explain to us what's this fuss all about? Kenzie?"

"Tita, I don't have any idea," sagot ni Kenzie na noon ay naka-upo sa single couch.

"What? This woman with a child crushed on your party and dropped a bomb! Tapos sasabihin mong you don't have any idea? Pinagloloko mo ba ang anak ko, Kenzie?" May bahid na ng galit ang boses ni Mommy at napatayo na siya. Napatayo rin si Daddy para pakalmahin si Mommy.

"I'm so sorry, everyone. But I really don't have any idea what's going on. Nabigla rin ako sa pagdating ni Iris."

"Iris," sambit ni Mommy sa paraang tila may naaalala siya sa pangalang iyon. Bumaling siya kay Iris na noon ay nakayokong naka-upo katabi ang anak. Literal naman na umarko ang isang kilay ni Mommy. "So you're Iris."

"Y-yes," nauutal, tila kabadong ani Iris habang hindi makatingin ng diritso kay Mommy.

"Ahm. Claire, naiintindihan ko na nabibigla tayong lahat sa pangyayari, pero let's stay calm. Baka matakot 'yong mga bata," sambit ni Tita sa malumanay na paraan.

Bumuntong-hininga si Mommy saka umupo ulit sa tabi ni Daddy.

"Okay. This is really shocking. Someone please explain," kapagkuwa'y sambit ni Tito Zoren na kanina pa pabalik-balik sa paglalakad. Tumingin siya kina Kenzie at Iris.

"Dad, I really don't have any idea, I promise. Nagulat din ako sa sinabi ni Iris. I can't even remember something happened between us except that she used me to get away from Joros," paliwanag ni Kenzie.

Lahat kami ay napatingin kay Iris nang bigla siyang natawa, tila ba hindi makapaniwala sa narinig.

"Seriously, Ken? You're denying na may nangyari sa ating dalawa? Huh! You're unbelievable," sarkastikong ani Iris.

Nagpang-abot naman ang mga kilay ni Kenzie. "Because nothing really happened between the two of us for you to say that the boy is my son."

"I am telling the truth, he's your son!"

"And what proofs do you have to prove that your telling the truth?"

Sandaling natigilan si Iris, ngunit kaagad din siyang nakabawi. "I don't think you can even still remember since you were drunk that time. Pero no'ng nag-away kayo ni Joros. You went into a bar. The waiter called me saying you were so drunk and can't even walk. Kaya ako ang sumundo sa 'yo at dinala ka sa condo mo. Then it happened. You were so drunk you couldn't even remember what happened to us that night." Tumayo si Iris saka niya tinayo ang anak at hinarap sa lahat. "Lumipat ako ng school nang sumunod na semester. And noon ko nalaman na buntis pala ako."

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon