SINJI'S POV:
NAKATUNGANGA lang ako sa harapan ni Bidder dito sa loob ng kanyang opisina. Ipinatawag niya lang naman ako ngayong umaga dahil may pag-uusapan daw kaming isang napakalaking bagay na tungkol sa pagkatao ko.
Ayoko sana siyang sundin kaso nandito si Senri sa opisina niya kaya sumama ako. Sabihin man nating umaariba ang kalandian ko sa katawan pero hindi ako titigil na hindi mapupunta sa akin si Senri.
"Ano ba talaga ang sasabihin mo?" tinatamad na tanong ko, 6 am pa lang ng umaga pero pero heto ako sa harapan ni Bidder, ang sarap sana ng tulog ko kung hindi lang kinalampag ni Senri ang kwarto kung saan ako naroon which is pagmamay-ari ni Bidder. Pero kung ang gwapong mukha ni Senri ang masisilayan ko tuwing umaga I might consider it.
Tumingin sa akin si Bidder habang hawak nito ang ilang dokumento na kanyang binabasa mula ng makapasok ako dito. Ang aga-aga trabaho agad ang inaatupag niya, hindi ba uso ang breakfast muna before work?
Nakaka-drain kaya 'yon nang energy.
Inilapag ni Bidder ang hawak niyang dokumento at pinagsalikop ang mga kamay nito habang ang siko nito ay nakapatong sa mesa.
"I called you here because I need to tell you something important," panimula niya.
"Senri already told me about that, why repeat it?"
Napahilot sa sariling sintido niya si Bidder na parang mawawalan siya ng pasensya habang kausap ako. Tama naman 'yong sinasabi ko, at saka ayoko sa lahat 'yong paulit-ulit.
"Anyway, from now on you will live here under my custody,"
Kumunot ang noo ko. "Tatay ba kita?"
Naningkit ang mga mata ni Bidder sa akin na parang any minute from now ay sasakalin na niya ako sa sobrang konsumisyon. Ang init naman agad ng ulo, wala nga akong ginagawang masama! I pouted my lips as I leaned on my chair before I crossed my arms in front of my chest.
Manahimik na lang ako kaysa maranasan ulit ang mapunta sa Spain at ibenta sa mga hukluban na hindi ko kilala. After that incidents happened in Spain, wala na akong balita sa mga babaeng nakasama ko sa auction. Siguro naman nakauwi na sila sa kani-kanilang pamilya?
"My name is Luther Aqueros Bloodfist, I am the head of HuPoFEL's Assassin underground organization and Bloodfist mafia."
"So, mamamatay tao ka?" bulalas ko. Napatayo pa ako mula sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Paano kung patayin ako nang taong ito at ginawa niya lang pain si Senri sa akin?
Oh no! Ang pangarap kong mapangasawa si Senri mukhang mapupurnada pa dahil kay Bidder.
"What? I can't say yes or no because that's how my work of nature does. Killing is a sin but sometimes you need to protect yourself when you are on the brink of death, Sinji,"
Umawang ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero walang lumabas na boses mula sa bibig ko kaya muli akong naupo.
"From now on you will be part of the HuPoFEL's organization; you will be trained by one of my trusted men here-"
"Hindi ba pwedeng si Senri na lang?" putol ko sa sinasabi ni Bidder pero tinignan niya lang ako ng masama kaya nanahimik na lang ulit ako sa kinauupuan ko habang bumubulong-bulong pa.
"Senri can't handle you because I need his assistance so I assigned another person to tend your training. As for your study, I already enrolled you in one of the prestigious schools here in the Philippines,"
"Bakit kailangan kong mag-aral? Tapos naman ako nang high school,"
"To be part of HuPoFEL's organization you need to gain more knowledge, young lady! This organization is not a joke. Whether you like it or not you will enter that school together with Senri,"
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...