Kabanata 25

506 17 0
                                    


Kabanata 25

Hindi na ako magtataka kung isang araw, pagmulat ng aking mga mata, ay mahal ko na ang lalaking nakatayo sa aking harap ngayon.

"Hindi mo ako responsibilidad, alam mo 'yan." Tipid ko siyang nginitian.

Bumuntong-hininga ako at hinila siya sa bench malapit sa kinatatayuan namin. Marami ang taong dumaraan ngunit hindi ko iyon binigyang-pansin at iginiya na lang siya sa pag-upo.

"Hindi mo ako obligasyon. Hindi mo rin ako dapat bilhan ng ganito, ganiyan. Ayaw kong mapunta sa wala ang mga gastos mo. Baka isumbat mo-"

Kusa akong natahimik nang makita ang dahan-dahan niyang pag-iling. Sa isang paglipat lang ng kaniyang ulo kaliwa't kanan, napatahimik na niya ang nagkukumahog na mga negatibong salita sa palaisipan ko.

"Sino'ng may sabing isusumbat ko?" kalmado niyang tanong.

Naitikom ko ang bibig ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Sino nga ba ang nagsabi noon? 

Iyon kasi ang kinalakihan ko, ang sumbatan sa mga bagay-bagay. Ang tanawing utang na loob ang tulong ng iba, o ang kahit ano pa mang ibigay nila, ay may kapalit din sa huli. Imposible kong matatawag kung walang kapalit sa huli ang bagay na sila naman ang nagkusang gawin o ibigay.

"Malay mo, ganoon ang gawin mo sa akin. Isusumbat mo rin ang lahat ng mga ibinibigay mo, I'm sure," sabi ko na para bang handa na ako sa mangyayari sa mga susunod na bukas.

Kinuha niya ang kamay ko sa ibabaw ng hita ko at pinaulanan ng mga mararahang halik. "Hindi mangyayari 'yan. I'm sure." Deretso ang tingin niya sa aking mga mata.

Mabigat akong tumango at tumayo na, ayaw magsayang ng oras dahil ngayon lang naman namin nagawang magpunta ng mall nang magkasama. Madalas din kasi ay hindi tugma ang oras namin. Ngayon na nga lang kami nagkasama nang deretso. 

Naalalala ko pa noon, may araw o ilang linggong pagitan ang pagkikita o ang pag-uusap namin. O hindi kaya kapag magkasunod ang araw ng pagkikita namin, wala namang imikan. Paulit-ulit lang! Buti nga ngayon ay hindi na kami ganoon. 

Nangangapa pa, pero sigurado akong uhaw kaming makilala ang isa't isa.

"Hug?"

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas upang sabihin iyon. Pakiramdam ko kasi ay ubos na ako at napupundi na ang ilaw sa loob ko kahit wala namang dahilan para maramdaman iyon, kaya bigla kong kinailangan ng yakap.

"Sweet ka pala, hmm?" panunukso niya pa ngunit kaagad din akong sinalubong ng kaniyang mga bisig.

He was too tall for me. Even his body built, I felt so tiny, too.

Isiniksik ko ang mukha ko sa kaniyang leeg. "Sino kaya 'tong ang higpit ng yakap?" Tumawa ako.

Akmang ibubuka niya ang kaniyang bibig nang may magsalita sa hindi kalayuan sa amin. Mukhang marami sila. Sabay kaming napalingon doon, parehas nakakunot ang noo.

Apat silang nagtutulakan sa amin.

"Single ba 'yang boyfriend mo, Ate?" Mabilis na hinampas ang nagsalita ng isa pang babae at sabay silang nagtawanan bago kami tinalikuran.

"Sorry! Dare lang!"

Nagkatinginan kami ni Chester at mahinang natawa dahil sa nasaksihan. Umiling-iling siya at nasapo na lang ang noo.

Mukha silang mga senior high students. Hindi na namin naabutan ang K-12 kaya sobra ang tuwa naming magkakaibigan dahil doon. Muntik nang maabutan si Aya! Mabuti na lang at hindi.

Playing Cards of Heart (Saudade Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon