Birthday celebration ng mommy ni lesly ng bumalik sya ng maynila. Naging masaya naman ang celebration nila. Ginanap iyon sa bahay nila lesly. Ang reception ay ginanap sa garden nila. gabi na rin ng matapos ang party. Medyo napaos nga sya dahil nakailang request ng kanta ang mommy ni lesly sa kanila. At syempre dahil birthday celebrant kaya naman wala syang nagawa kundi pagbigyan ito.
Natutuwa kasi ang mommy ni lesly dahil puro 60's and 70's ang mga requested song nya pero nakakanta nila ng maayus. Vocalist and electric guitarist sya, si grrey base guitar at vocalist at lesly ay keyboard, kaibigan ni grey ang drummer nila kaya naman hindi nya masyadong kilala. Hindi naman sya nakapagkwento kay lesly at grey dahil sa sobrang busy.
At dahil gabi na masyado ay hindi na sya pinauwi pa ni lesly. Dun na sya pinatulog sa guest room ng bahay nila. Madalas din kasi syang matulog dito sa bahay nila kaya naman hindi na sya naninibago kapag dito sya pinapatulog ng pamilya.
Kinabukasan maaga pa lang nandun na si grey. Nasa family living room ito at nanonood ng balita.
"Good morning!" Bati nito sa kanya.
"Good morning, babe!" Bati nya naman na medyo may pagkapaos pa. "Si lesly?"
"Andun sa dining room nagpeprepare ng breakfast!" Tinanguan nya si grey at umupo sa tabi nito.
"Ano pinapanood mo?"
"Business news, ano pa nga ba?" Nangingiting sagot sa kanya. "Nagpautos nga pala si lesly kayla manang kanina na gumawa ng ginger tea para satin!"
"Hahaha!... Grabe naman kasi si tita sinagad tayo ng request kagabi!" Natatawang sagot nya sa kaibigan.
"Oo nga e!.. sakit tuloy lalamunan ko!" Anito na titig na titig pa rin sa pinapanood. Na naiiling pa.
"Eto na ang mainit na tsaa!" Si lesly yun at kasama ang mayordoma nila na may dalang tsaa. Inilapag ng matandang babae ang tsaa na may kasamang pancake na din sa harap nila at umalis na rin naman agad.
Umupo naman si lesly sa kabilang side ni grey at sabay pa silang dalawa na humilig sa magkabilang balikat ng binata.
"Good morning babe!" Bati pa ni lesly kay eve habang nakapatong ang ulo sa kaliwang balikat ng nobyo.
"Good morning din babe!" Balik na bati nya dito sa parehong position.
"Kung ganito ba naman ang dadatnan ko twing umaga talaga namang gaganahan kang manood ng t.v.!" Ani grey na nangingiti pa. "Dalawang magandang babae ang nasa balikat ko ngayun, haaayyy!.. this is heaven!" Natawa naman ang tatlo sa sinabi ng binata.
Pero nawala ang tawanan nila ng mapanood nila ang balita.
Si Monique iyon at ininterview ng host.
"Kamusta naman po ang lovelife ng isang billionaire Monique?" Tanong ng host.
"Actually I'm very happy right now! Kagabi kasi nagcelebrate kami ng engagement party kagabi!"
"So you're engaged?" Kinikilig ang host ng marinig ito at tinanguan naman ng dalaga at ipinakita pa ang kanang kamay nito na may singsing na suot. "So tuluy na tuluy na pala ang kasal ninyo ng nagiisang anak ng billionaryong si mr. Del valle?"
"Hindi pa rin nga ako makapaniwalang ikakasal na ako kay eric del valle!"
Napatingin naman ang dalawa kay eve ng mapanood ang balita. Si eve naman ay tulalang tulala sa napapanood nya. Gusto nyang maiyak sa sakit pero hindi nya pinahalata sa dalawang kaibigan nya. Sa halip ay hindi nya sinasadyang naibalik ang dati nyang ugali na hindi ngumingiti. Mabuti na lamang at naisipan na lang ni grey na patayin ang t.v.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...