NAGPANGALUMBABA si Lilianne saka panay ang buntong-hininga. Mabigat na naman ang dibdib niya sa mga sandaling iyon dahil nagtalo na naman silang mag-ama. Kung tutuusin ay wala siyang pasok sa araw na iyon dahil araw ng linggo, kapag weekend ay ang Kuya Lance niya ang naroon sa Funeral Homes para makapag-pahinga siya. Pero dahil nasermunan na naman siya ng Daddy niya, napilitan siyang umalis ng bahay.
"Anong ginagawa mo dito? Day off mo ngayon, di ba?" tanong ni Lance.
"Oo eh, nagtalo na naman kami ni Daddy," sagot niya.
Napabuntong-hininga din si Lance saka umiling.
"Tungkol na naman ba 'yan sa sinasabi niyang itaas 'yon singil sa renta dito?" tanong nito.
"Oo, tapos isa pang kinagalit niya. Nagsumbong pa daw ako sa inyo ni Kuya Larry," sagot niya.
"Pagpasensiyahan mo na si Dad, Lilianne," ani Lance.
"Okay lang naman sa akin 'yon. Sanay na rin ako sa kanya. Pero Kuya, wala ka bang napapansin kay Daddy lately?" tanong pa niya sa kapatid.
Napakunot-noo ito, saka napa-isip at tumingin sa kanya.
"Masyadong nagiging mainit ang ulo niya. Tapos parang lalo siyang nagalit sa akin, iyong parang lahat ng kilos ko kinaiinis niya. Minsan nga feeling ko, makita lang niya ako sira na buong araw n'ya. Noong nakaraan na sinabi niya na itaas renta dito, nagulat ako pinagbuhatan niya ako ng kamay," kuwento pa ni Lilianne.
"Ano? Sinaktan ka ni Dad? Anong ginawa n'ya sa'yo?" gulat na tanong ni Lance. Hindi na kasi siya nagsumbong dahil tiyak na kokomprotahin ng mga Kuya niya ang Daddy nila.
"Sinampal n'ya ako, pero okay na ako, Kuya," sagot niya.
Napapikit si Lance saka umiling. "Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ni Dad sa'yo. Masyado na siyang na-trap sa mga nangyari sa nakaraan," anang kapatid.
"Siguro ganon talaga, Kuya. Hindi niya talaga mapatawad si Mommy," ani Lilianne.
"Hayaan mo, kakausapin namin siya ni Kuya Larry," sabi pa ni Lance.
"Kuya huwag na, siguradong magagalit lalo sa akin si Dad. Sasabihin na naman no'n nag-sumbong ulit ako. Okay lang naman ako, baka nabigla lang din siya ng araw na iyon," wika niya.
Malungkot na ngumiti ang kapatid.
"Pasalamat pa rin ako dahil nandiyan kayong dalawa ni Kuya Larry, kung hindi, baka matagal na akong napalayas sa bahay," dagdag ni Lilianne.
"Ang mabuti pa, lumabas ka muna. Mamasyal ka maghapon, tapos bumalik ka dito mamayang gabi para sabay tayong umuwi," sabi pa ng kapatid.
Malapad siyang ngumiti ng abutan siya ng pera ni Lance.
"Yes! Thanks Kuya! Pupunta na lang ako kay Ate Angge," sabi pa niya.
"Sige," pagpayag ni Lance, sabay abot ng susi ng kotse nito sa kanya.
"Oh, gamitin mo muna 'yong kotse ko," anang kapatid.
Napamulagat si Lilianne.
"Talaga Kuya?"
"Oo! Pero mag-iingat ka sa pagmamaneho, huwag mo ng sabihin kay Kuya Larry na pinayagan kita magmaneho. Ako sesermunan no'n," sabi pa nito.
Napatalon sa tuwa si Lilianne. Miss na miss na kasi niyang mag-drive.
"Yes! Thank you, Kuya!" bulalas saka agad na kinuha ang susi at excited na lumabas.
LITERAL NA napahinto si Lilianne matapos bumungad sa kanya ang itsura ni Michael pagdating sa bahay ni Angge. Natulala siya at hindi agad nakapagsalita. Kasunod niyon ay mabilis na kumabog ng malakas ang dibdib niya. Nahagod niya ng tingin ng wala oras ang hubad na bahagi ng katawan nito. Medyo mainit ang panahon, pero lalo yata siyang nainitan ng makita ang matipunong katawan nito. Pakiramdam ni Lilianne ay nanuyo bigla ang lalamunan niya.
BINABASA MO ANG
The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An Angel
FantasíaTeaser: Lilianne always believes in miracles. Minsan na niyang naranasan iyon, pero ang himalang iyon ay nag-iwan sa kanya ng isang espesyal na alaala. That handsome angel she saw in her dream when she was comatose. Simula noon, pinangarap na ni Lil...