Chapter 11

110 16 0
                                    

NAPAHANGA SI Lilianne matapos matikman ang niluto ni Michael. Minsan nagtataka na siya dahil parang kahit ano yata ay kaya nitong gawin.

Imbes na umalis, mas pinili niya na huwag ng lumayo. Para sa kanya, mas gusto niyang makasama si Michael doon sa bahay ni Angge. Gusto niyang mas makilala pa ang binata, bukod kasi sa pangalan at best friend ito ng Kuya Andrew niya ay wala na siyang iba pang alam tungkol dito.

Matapos nilang kumain kanina ay lumabas sila doon sa harap ng bahay saka naupo sa kawayan na papag doon. Mabuti na lang at hapon na kaya hindi na masyadong mainit, bukod doon ay malakas din at malamig ang ihip ng hangin kaya presko. Napalingon siya ng tumabi sa kanya si Michael.

"Ilang taon ka na?" tanong ni Lilianne kay Michael.

"Ikaw muna, ilang taon ka na?" tanong din nito.

"Twenty-seven, ikaw?"

Para pa itong nag-isip saglit, saka nakangiting lumingon sa kanya.

"Ah... ganon din," sagot nito.

"Nasaan ang pamilya mo?" curious niyang tanong ulit.

Ngumiti lang ang binata saka nagkibit-balikat.

"Hmp, ang labo naman ng sagot mo. Hindi nga, seryosong tanong. Nasaan ang pamilya mo? Taga-saan ka?"

Marahan natawa si Michael saka tumingala at tinuro ang langit.

"Nandoon sila," anito.

Hindi nakakibo si Lilianne ng makuha ang ibig nitong sabihin.

"I'm sorry, hindi ko expected na ulila ka na. Pareho na pala tayong walang nanay," sabi niya.

Napalingon sa kanya si Michael, nakakunot noo ito at parang nagtataka.

"Ah... parang ganon na nga," sa halip ay sagot nito.

"Taga-saan ka? Wala kasi nasabi si Ate Angge kung saan probinsya o lugar ka nanggaling," tanong ulit niya.

Muli na naman tinuro ni Michael ang langit. Sa pagkakataon na iyon ay natawa na siya.

"Michael naman eh, niloloko mo na ako n'yan!" reklamo ni Lilianne.

"Bakit? Hindi ba ikaw ang nagsabi na kamukha ko 'yong anghel sa panaginip mo? Baka kaya ako dinala ng langit para mag-mistulang anghel ako sa'yo dahil alam Niya na malungkot ka at pakiramdam mo wala kang karamay," sagot ni Michael.

Nangilid ang luha ni Lilianne sa narinig. Na-bulls eye nito ang totoong nararamdaman niya. Mayamaya ay kusang umagos ang luha sa pisngi niya kaya agad siyang umiwas.

"Ayan kasi! Kasalanan mo," biro pa niya.

Natigilan si Lilianne ng hawakan ni Michael ang pisngi niya saka dahan-dahan pinihit ang mukha. Hindi ito nagsalita, sa halip ay tiningnan siya ng binata ng deretso sa mga mata.

"Hindi ka na mag-iisa ngayon, Lilianne. Simula sa araw na ito, nandito lang ako sa tabi mo. Kapag hindi ako nakikita ng pisikal na paningin mo, mararamdaman ng puso mo na nasa tabi mo lang ako. Alam ko na isa pa rin akong estranghero sa paningin mo, pero magtiwala ka lang. Hindi kita papabayaan," anang binata.

Hindi maintindihan eksakto ni Lilianne kung ano ang ibig sabihin ni Michael sa sinabi. Pero ang mahalaga ay may isang taong nagsabi sa kanya na hindi siya na siya mag-iisa.

"Bakit mo ginagawa ito?" umiiyak na tanong niya.

"Hindi ba sabi mo, ako 'yong anghel mo? Eh di gawin natin totoo, handa akong ipagtanggol ka kahit na kanino," sagot nito.

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon