Chapter 18

121 15 3
                                    

          "TITO REMI! Bitiwan mo si Lilianne! Gumising ka, anak mo siya!" sigaw ni Angge habang pilit nitong inaalis ang mahigpit na pagkakasakal sa kanya ng ama.

Nakaramdam ng takot si Lilianne lalo na ng mas lalo nitong higpitan ang pagkakasakal sa kanya. Napahawak siya sa kamay nitong sumasakal sa kanya, ng hindi pa rin ito bumitaw ay hinablot na niya ang suot nitong polo. Pinilit ni Lilianne na tumingala at ibuka ang bibig para makahinga siya pero parang balewala iyon, pakiramdam niya ano man oras ay tuluyan na siyang mauubusan ng hininga.

Napapikit siya sabay pag-agos ng kanyang luha. "Michael..." bulong niya sa kanyang isipan.

"Tito Remi! Anak mo si Lilianne!" narinig ulit niyang sigaw ni Angge.

"Kahit kailan ay hindi ko siya anak! Bunga siya ng kataksilan ng nanay n'ya! Hinding-hindi ko siya matatanggap!" galit na sigaw ng Daddy niya.

Literal na kinilabutan si Lilianne ng marinig ang boses ng ama. Nag-iba iyon at parang may iba pa siyang boses na narinig. Dumilat siya saka tiningnan ng deretso sa mga mata ang Daddy niya. Kahit hirap ay pinilit niyang magsalita.

"Dad...dy..."

Umagos ang luha ni Lilianne.

"Laba...nan mo... siya..."

Nakita ni Lilianne kung paano parang natauhan ito. Nagulat pa ito ng makitang sakal siya nito sa leeg. Mabilis siyang binitiwan ng Daddy niya.

"A-anong nangyayari?" gulat pang tanong nito saka lumingon sa paligid.

"Lilianne, bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ulit ng ama.

Napaupo si Lilianne at biglang nakaramdam ng panghihina pagkatapos ay umubo siya ng umubo habang habol pa rin ang hininga. Napalingon siya sa Daddy niya ng bigla itong sumigaw at dumaing ng malakas. Sa isang iglap, bumalik ang panlilisik ng mga mata nito, and what's worst? Nag-iba bigla ang mukha nito, bahagyang kumulubot ang pagitan ng mga mata nito, kumapal ang kilay nito at tila naninilaw ang mga ngipin. Bukod doon, mas lalong namula ang mukha nito at nakakakilabot ang itsura ng Daddy niya.

"Daddy..." nanghihina pa rin na usal niya.

Mabilis siyang nilapitan ni Angge saka tinulungan tumayo.

"Huwag kang makikinig sa lahat ng sasabihin niya, Lilianne. Hindi na siya ang Daddy mo! Iyon ang dahilan kung bakit kami pumunta dito ni Andrew, para sabihin sa'yo ang lahat," anang pinsan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam namin na ilang araw na nawala si Michael dito, bumalik siya sa langit ng maramdaman niya na nanghina siya. Pagbalik niya ay kumilos na siya para sa misyon na totoong dahilan ng pagbaba niya dito sa lupa. Sinabi sa amin ni Michael ang lahat, noong unang makaharap ni Michael ang Daddy mo, may kakaiba na siyang naramdaman mula dito. Kaya sa gabi habang natutulog ka, nagbabantay siya sa'yo. Natatakot si Michael kasi na baka kung anong mangyari sa'yo. Nang makumpirma niya na tama ang hinala na may ibang espiritung nagtatago sa loob ng katawan ni Tito Remi. Saka siya nagpakita sa amin. Ginamit ni Lucio ang galit sa puso ni Tito Remi. Sinamantala niya na puno ng galit si Tito sa mga nangyari sa nakaraan, ang hindi nito pagpapatawad sa mga taong nanakit at nagkasala sa kanya. Dahil doon, mas lalong lumakas ang kapangyarihan ni Lucio dahil sa negatibong nararamdaman ni Tito Remi. Iyon din ang dahilan kung bakit biglang nagbago siya at lalong nagalit sa'yo," paliwanag ni Angge.

Imbes na matakot, nakaramdam ng awa si Lilianne para sa ama.

"Daddy! Gumising ka! Hindi ka masamang tao!" umiiyak na sigaw niya.

The Messenger Trilogy Book 2: I Kissed An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon