Chapter 36

3.4K 55 0
                                    


Charlene's PoV

"W-wait... D-Diyan nalang kaya ako?"

"S-Sure."

Nagpalitan kami ng posisyon pero hindi pa rin ako komportable kaya...

"Ahh. Rain p-pwede bang palit nalang tayo ulit? Or mas maganda ata kung sa baba ka nalang tas sa taas ako?"

"Huh?" Parang nadisappoint ata siya sa sinabi ko pero pumayag din siya. "S-Sige na nga."

Sabi nito at saka siya pumaibaba. "Ayos ka lang ba diyan?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman babygirl. Sanay din naman ako sa ganitong set-up e." sagot niya pero parang hindi talaga siya okay sa ganitong set-up.

"Sure ka ba diyan babyboy? Baka gusto mo ikaw nalang dito para mas komportable ka, dibale sanay naman ako sa baba e."

"No babygirl. Ayos lang talaga ako!" sagot niya kaya hindi ko na siya pinilit pang pabalikin dito sa kama.

Hindi kasi ako sanay ng may katabi kaya pinababa ko nalang siya sa sahig para doon matulog pero parang naaawa ako sa kanya. Asawa ko siya kaya dapat itreat ko siya ng maayos pero kasi talagang hindi ako sanay ng may katabi sa kama ee...

Ano ba yan!!

Unti-unti kong inangat ang ulo ko para silipin siya sa sahig... "Mukhang okay nga lang siya."
bulong ko sa sarili ko saka humiga ulit. Pinapakiramdaman ko lang siya pero tahimik lang siya. Aaiiisshh! malamang tulog na siya. Tsk...

"Babyboy..." mahinang tawag ko sa kanya, hindi niya ako sinagot kaya tinawag ko ulit siya. "Babyboy!"

"Oh?" tipid na sagot niya.

Err! Nagtatampo ata siya. Sana hindi ko nalang siya pinatulog diyan sa sahig! Naguiguilty tuloy ako!

"D-Dito ka nalang humiga. Narealize ko malaki naman 'tong kama natin kasyang-kasya tayo dito."

Aaarrg! Baka hindi ako makatulog nito!

"Wag na! Matulog ka na, maaga pa tayo bukas."

"Edi wag!! Goodnight!!" Napasimangot tuloy ako at padabog na nagkumot. Siya na nga pinapabalik dito sa kama siya pa yang ganyan! Bahala siya kung ayaw niya dito, hindi naman ako ang mahihirapan sa pagtulog e. hmpp.

Nami's PoV

"Hi Janice... How are you?" Niyakap ko si Janice ng mahigpit ng makita ko siya sa pinagtratrabahuhan niya. She seems okay naman dito dahil siya ang manager ng Resto-Bar na 'to. Medyo questionable yung name ng R&B nila pero mukhang okay naman dito. Maganda ang ambience niya, siguro babae din ang may-ari nito kaya ganito nalang kaganda ang RestoBar na 'to.

"I'm fine..." nakangiting sagot nito saka nakibeso kay Jhaz.

"Maganda dito huh." komento ni Jhaz habang inililibot ang paningin. He is correct. Sobrang ganda dito.

"Bakit nga pala 'No Taste R&B' pangalan ng Resto na 'to? Hindi ba masarap pagkain dito?" I asked and she laughed at me. "Pero maraming tao ha!" I added.

"Want to try some in our menu Ma'am, Sir?" tanong niya. Kaya naman nag-order na kami ni Jhaz. After that namasyal muna kami ni Jhaz sa pinakamalapit na mall dito.

Sabi niya kasi kailangan daw naming magshopping para sa gamit sa bahay.

I wonder why, kasi sa tingin ko okay naman na yung mga gamit namin sa unit. Kompleto naman na, sa tingin ko.

"Hon, what do you prefer this one or this one?" tanong niya sabay turo sa dalawang kitchen table na nasa harap namin. Its a furniture actually.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon