Kabanata 13

43 6 0
                                    

Trisha's POV

"Ayan sirado na lahat!!!" sigaw ko sa sobrang tuwa.

Napabuntong-hininga ako.. Ano bang meron sa dalawang iyon? Napapansin ko palagi na lang silang nagkakainitan.

Pagkabalik ko mula sa pinanggalingan ko kanina, kung saan huli ko siyang iniwanan ay hindi ko na siya mahagilap...

Psh! Hindi man lang ako hinintay. Excited lang ang peg? Hirap talaga maging ate... maging ate ng isang Terrence Eugene. Wala man lang kalambing-lambing sa katawan.

Umakyat na ako sa taas. Pag-akyat ko ay agad akong sumulyap sa kwarto ni Eugene. Nakita ko siya sa 'di kalayuan. Nakatayo siya at parang ewan na nasulyap-sulyap sa pintuan niya.

What if? Itulak ko siya? Dejoke lang! Hinintay ko pa siya at pinanood ko kung ano yung ginagawa niya. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya pumapasok sa loob.

Nakita ko na lang na lumabas si Georgel at kinakausap siya.

Pinanood ko lang sila na nag-uusap pero sandali lang yun. Hindi ko narinig ang mga pinag-usapan nila dahil malayo ngunit nababasa ko naman ang ekspresyon ng mga mukha nila. Maya-maya bigla na lang umastang paalis si Eugene kaya nagmadali akong pumasok sa loob dahil ayokong maabutan niya na nakikinig sa kanila. Sa tingin ko rin e hindi rin naging maganda siguro ang pinag-usapan nila dahil salubong na salubong ang kilay ng kapatid ko.

Sumilip pa ako sa pintuan nang nakita ko siya na papunta sa kwarto ko nang nakasimangot kaya nagmadali akong umupo sa kama ko at kinuha ang cp ko na nilapag ko kanina sa may study table.

Bago ako bumaba ay nakita ko na nasa sahig ng kwarto ni Eugene tong cellphone ko kaya kinuha ko na lang.

CREAK>>>> DOOR OPENING

Nagpanggap ako na nagpefacebook upang hindi niya ako mahalata. Pinapakiramdaman ko lang kung anong ginagawa niya. Umaasa ako na magpapaliwanag siya tungkol sa mga nangyari sa kanya kaganina pero hindi!!! Ni hindi niya nga pinaliwanag sa akin kung anong ginagawa niya dito sa kwarto ko.

Should I even ask? Kapatid ko lang naman si Terrence Eugene.

Naglatag siya ng comforter sa sahig at napansin na kumuha siya ng unan at kumot at inilagay yun sa higaan niya. Bigla na lang siya humiga at bumuntong-hininga.

"Oh! Bakit nandito ka?? Ikaw aaah" asar ko sa kanya..

Matatawa ka dahil ang mukha niyang kanina na naging maayos na, bigla na lang bumalik sa hindi maipinta. May pahinga-hinga pa siyang nalalaman dahil akala niya siguro hindi ko siya papansinin at tatanungin sa mga nangyari.

"Hoy Eugene! Baka mamaya iba na yan."

Hindi pa rin siya sumagot..

"Aish! Nakikita ko pa lang na magkasama kayong dalawa may something na e!" asar ko ulit pero hindi pa rin siya sumagot

Akala ko sasagot na siya nung gumalaw siya pero TINALIKURAN niya lang ako at tinabunan niya ang tenga niya ng unan. Umiiwas talaga siya.

"Wuy Eugene! Himala!"

Walang sagot...

"Eugene, hindi mo ba ako aasarin. Yiee"

Walang pa ring sagot. Masyado siyang nagpapakumbaba.

"Alam kong hindi ka pa tulog. Sa lakas ng boses ko? Sa tingin mo kayang takpan ng unan mo ang boses ko. Maliban na lang kung nagtitimpi ka dahil iba na yan."

"Ate!"

Ayun sumagot rin siya. Umuusok iyong tenga niya. Tiningnan niya lang ako ng walang kwentang tingin. Isa lang ang ibig sabihin non. Ayaw niya talaga ielaborate. Tch!

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon