Chapter 1

4.4K 147 31
                                    

Eri's POV.

Ako nga Pala si Eri Lopez, hindi naman halata sa pangalan ko na mahilig si mama sa tatlong letra. Kahit sa mga kapatid ko Ganon din. Isa akong Senior high student sa edad na 18, isang taon ko nalang sa high school at magkacollege na rin. Wala kaming pasok Kaya tambay muna ako ngayon.

Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay, yung sumunod saakin ay si Fin 15 years old at ang bunsong si Mae na 10 years old. Lahat kami babae ay hindi Pala dahil ako may pusong lalaki.

Simple lang naman ang buhay namin, hindi mayaman at hindi rin naman mahirap, Tama lang kumbaga nakakayanang makasurvive sa araw-araw. Ang Mama ay nasa bahay lang, walang trabaho pero hilig nya ang magluto Kaya Kung minsan ay nagluluto sya ng Kung ano ano tapos ilalako dito lang saamin. Yung papa ko ay isang Pulis.

Speaking of crush, may crush ako si Trina ang kapitbahay namin. At eto na nga palabas sya ng bahay nila dala ang isang malaking Tupperware na naglalaman ng mga ititinda nilang inihaw. Nag-iihaw kase sila sa tapat lang ng bahay nila na katapat lang din namin Kaya kitang kita ko sya mula dito sa second floor ng bahay namin.

Mga Bata pa lang kami crush ko na sya, ang totoo nyan childhood friends kami pero ngayon hindi na, Ewan ko Madami lang nagbago. Ganon lang talaga Ata, Sabi nga ni kuya Kim ang buhay ay weather weather lang, Luma man yung linya pero angkop naman sa tao, dahil kahit tao ay nagbabago, ihalintulad mo na lang yung panahon sa emosyon nila.

Kahit sa malayo kapansin pansin sya, sino naman ang hindi mapapalingon sa babaeng ito. Maganda sya, matangos ang ilong, may mahabang pilik mata, medyo singkit na mata at natural na mapupulang labi, maputi rin sya Kaya lalong lumilitaw yung kagandahan nya pero sa kabila nyan ay may ugali syang... Tulad na lamang neto...

Nakatingin na sya ngayon saakin ng sobrang Sama. Patay na. Kaya agad akong napaiwas ng tingin, hindi ko napansin na kanina pa Pala ako nakatitig sa kanya. Patay malisya na lamang ako na tinuon ang pansin sa librong hawak ko, inangat ko ito Para kunware ay nagbabasa ako na ang totoo ay hindi naman, sakto kaseng nasa harapan ko ito na nakalagay sa maliit na Mesa Kaya kinuha ko na lamang Para pagtakpan yung kahihiyan ko

Hindi naman maiwasang mag-init ng mukha ko, isipin ko palang na nagtama yung tingin naming dalawa kahit na hindi maganda yung sinasabi nung mata nya, ay Para na akong kinikilig sa takot pero masaya ako dahil napapansin nya ako. Hindi man tulad noon na ngiti ang binibigay nya saakin pero at least kahit isipin kong malabong magustuhan nya ako, ay masasabi kong  may pagtingin naman sya saakin, masama nga lang.

Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon