"Eri halika nga muna dito at may iuutos ako" Rinig kong sigaw ni mama sa baba. Andito kase ako ngayon sa kwarto ko at gumagawa ng assignment."ano po yun Ma?" bungad ko Kay mama nang madatnan ko sya sa kusina na nagluluto ng tanghalian.
"bumili ka nga muna Dyan sa labas ng laurel at paminta dahil nakalimutan kong ubos na Pala ang stock dito sa bahay, bilisan mo" agad ko namang inabot ang limang piso Kay mama.
Hayst. Parang ayokong lumabas kase naman eh, sila lang ang may tindahan na malapit dito. Bukod sa may ihawan sila ay may mini sari-sari store pa sila, edi sila na char.
Kahit nangangatog yung mga tuhod ko dahil sa kaba na makikita ko na naman sya ay pinagsawalang bahala ko na lamang at tinuloy ang paglalakad, mabilis lang naman, Kaya ko 'to, bibili lang ako.
Buti nalang walang tambay sa tindahan nila, Isa pa yan sa nakakainis nagawa na kaseng tambayan ng mga manliligaw nya yung tindahan nila. Napapansin ko lang naman kase lagi, Paano naman eh puro binatilyo yung nandyaan, nakakasakit sa Mata.
Nasa tapat na ako ng tindahan nila at hindi pa ako nakakalapit ay masamang titig na nya agad ang sumalubong saakin. Dahil Doon ay biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Naman eh.
Hanggang ngayon hindi ko Alam kung bakit Ganon na lamang sya makatingin sa akin, sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang Mali sa kanya. Tanging ako lang Ata ang sinusungitan nya. Anper naman, porket crush ko sya.
"a-ano...." hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko ay sumabat na sya agad.
"Ano!"nagitla naman ako dahil ang lakas ng boses nya,hindi naman halatang galit sya saakin, pakiramdam ko hihimatayin na ako Bukod sa pinagpapawisan na ako ng malamig ay nanginginig yung tuhod ko.
Hindi pa man kami pero mukhang under na ako. Tsk.
"t-tig dalawang paminta at laurel pa-la" Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya kundi sa mga paa ko na lamang.
Ilang sandali akong naghintay pero parang ang tagal naman Ata nyang kunin yung bibilhin ko. Sinilip ko naman yung maliit na pintuan ng tindahan nila Kung saan doon inaabot yung binili, pero wala pa. Kahit ayoko man syang tingnan ay ginawa ko na lang dahil baka hinahanap na ako ni mama. Pero gulat akong makita syang nakatitig sa akin, hindi yung tingin na lagi nyang binibigay saakin kundi kakaiba, hindi ko mawari kung ano dahil bigla din ito nawala sa mga mata nya at agad umirap saakin kasabay ng pagbigay nya ng binili ko.
Agad ko namang binigay yung bayad na sinuklian nya din naman.
"s-salamat" Sabi ko na lamang tska kumaripas ng takbo dahil Rinig ko na ang sigaw ni mama na mukhang naiinis na. Patay.
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
SonstigesBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...