Araw na naman ng pasukan ngayon, bakit Kaya tuwing may pasok ang tagal ng oras pero pag wala namang pasok ang bilis lang. Kadadaan lamang ng sabado at linggo at ngayon ay lunes na.
Alas siete pa ang start ng klase ko, at nagigising naman ako ng alas singko ng Umaga Para mag asikaso sa bahay, tuwing may pasok kase ako ang nakatoka sa paghanda ng agahan, hindi ko na inaantay si mama dahil Alam Kong pagod din naman sya at mas ok Kung makakapagpahinga si mama ng maayos dahil tumatanda na rin sila ni papa.
Agad akong bumaba matapos kong maghilamos Para magluto ng kakainin namin. Nagprito lang ako ng itlog at may tuyo tsaka sinangag ang tirang kanin kagabi.
Matapos ko ay naligo na rin ako Para makapag-ayos na. Nakasuot lang ako ng fitted slacks na uso din naman ngayon at yung blouse na puti na may blue na linya sa may manggas, eto kase yung uniform namin sa school ko, ayokong magpalda dahil hindi naman ako komportable sa Ganon, ayokong magsuot ng damit na masyadong expose yung balat. Wala lang nahihiya lang ako, hindi sa pangit yung balat ko sa katunayan ay maputi ako at makinis naman yung balat ko, talagang hindi lang ako confident sa sarili ko dahil mahiyain ako, part na rin siguro ng pagiging introvert ko.
Sinuklay ko naman ang buhok ko na abot lang hanggang batok sa likod at maikli sa harap. Naisipan kong magpagupit ng maikli dahil Naiinis kase ako kapag mahaba yung buhok ko, ang hirap suklayin, Tamad pa naman ako magsuklay kapag nasa bahay.
Bagay din naman saakin dahil maganda rin naman ako at kyut. Yun nga lang walang nakakaalam kahit na yung crush ko.
Matapos ko ay kumain na rin ako, gising na rin Sina mama at ang dalawa kong kapatid may pasok din kase. Nagpaalam din ako kaagad pagkatapos kong kumain, maaga pa naman pero gusto kong laging maaga sa pag pasok dahil ayokong maraming nakakasabay. Mas ok na maghintay ako kesa sa malate ako.
Ilang minuto lang din ay nakarating na ako ng school, may mga nakakasabay na rin akong mga kapwa studyante. Malapit lang naman yung bahay namin sa school Kaya hindi ko na kailangan makipagsiksikan or unahan sa pagsakay.
Gas ang strand ko at base na rin sa nakakasabay ko ay tingin ko mga nasa strand sila ng stem, bawat uniform kase ay may ibig sabihin, yung akin may linya na kulay blue sa may manggas samantala yung sa stem ay pula, sa humss naman ay green, sa ict ay yellow, at sa cookery ay orange.
At sya ay nasa strand ng stem, matalino kase ang kapitbahay namin na iyon, dahilan na rin Para magustuhan ko sya, lagi syang kasali sa mga contest sa school. Beauty and brains na Kaya hindi na kataka-takang marami syang manliligaw/tagahanga sa school.
Tinatahak ko na ngayon ang building kung saan naroon ang strand at room ko. Kasama doon ang strand ng stem, isang building dalawang strand ang umuukupa, marami rin kaseng estudyante dito.
Nasa 2nd floor yung room ko, Kaya madadaanan ko muna ang room ng crush ko. Medyo nakayuko akong Naglakad Para kung makasalubong or makita ko man sya ay hindi ko sya mapapansin. Ayoko naman salubungin yung tingin nya dahil sa tuwing makikita ko sya nagiging abnormal na yung puso ko.
Napatigil ako sa paglalakad ng may makita akong dalawang pares ng paa sa harap ko, kahit hindi ko na tingnan ay Alam ko na Kung sino ang taong ito, pabango pa lang kilalang kilala ko na.
"pwede ba tumingin ko sa dinaraanan mo, h'wag kang haharang harang" pagsusungit nito, na hindi parin umaalis sa harap ko, Kaya napaangat na ako ng tingin, bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko, Paano naman eh ang lapit nya, kita ko na ngayon Kung gaano sya kaganda sa malapitan, Tila na estatwa na Ata ako.
"tsk!" narinig ko na lang matapos nya akong sagiin sa balikat at umalis. Napanganga na lang ako sa ginawa nya tsaka sya sinundan ng tingin, teka? Malawak naman yung Daan pero bakit kailangan nyang gawin yun.?!
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
RandomBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...