"Sa wakas uwian na" nag-uunat na Sabi nitong katabi ko. Alas singko na ng hapon pero maliwanag pa rin, napatingin naman ako sa paligid, halatang uwing uwi na rin ang mga kaklase ko kase ayos na ayos na eh. Andyan na yung may mag liliptint, magpopolbo, magsusuklay, magpapabango, at Kung ano ano pang pang paganda, isipin na mas active pa sila sa ganito kesa sa klase talaga namang,hay.
Nag-ayos na rin ako ng gamit ko, at agad sinukbit ang bag. Kanina ko pa gustong tumayo dahil masakit din naman sa pwet yung maghapong nakaupo.
"lika na" Sabi ko na syang ikinatango na lang ni Tury.
Agad kaming lumabas ng room na halos kasabayan lang din namin ang iba.
"par samahan mo ko ah, may idadaan lang ako"
"saan?"
"dyan lang sa baba, basta Alam Kong matutuwa ka kung saan" Sabi nito na may ngisi sa labi, hay mukhang Alam ko na Kung ano na naman toh, siguradong mga kalandian na nya naman.
Sumunod na lamang din ako sa kanya dahil nauuna sya. Pababa kami sa hagdan. Dirediretso lang hanggang sa hindi ko namalayan na huminto Pala kami sa room 4, room Kung saan nandito yung crush ko. Bigla naman akong kinabahan sa isiping makikita ko sya.
"T-teka! Anong ginagawa Natin dito?" Sabi ko sabay hawak sa braso nya Para pigilan sya sa pagkatok ng pinto, nakasarado kase at mukhang hindi pa sila uwian, minsan kase late nagsisilabasan ang mga nasa stem dahil na rin siguro sa marami silang subjects kumpara saamin or baka may tinatapos, mga seryoso kase mga estudyante dito, tipong kami lang Ata sa taas ang maiingay tapos sila ay seryoso sa pag-aaral.
"ibibigay ko 'tong activity Natin kanina, Sabi ni ma'am idaan na lang dito kapag tapos na lahat, yan kase di nakikinig, h'wag kase puro Trina di ka naman crush eh" dahil sa Sinabi nya ay napairap na lang ako, ipaalala pa eh.
"tsk. Dito lang ako, Kaya mo na yan" agad na Sabi ko dito baka kase hilahin na naman ako eh, mahirap na.
"Kaya ka nga nandito Para samahan ako, sasama lang eh" Sabi nito na agad humawak sa braso ko, hindi Ata maganda toh.
"ibibigay mo lang naman eh" pinilit kong alisin pagkakahawak nya pero ang ginawa niyakap nya braso nya saakin. Bwisit.
"Nakakainis ka talaga" napatawa nalang sya, halatang nang-aasar, wala na akong nagawa dahil kumatok na sya, at yung kaba ko ay bumalik na naman.
Pagkapihit nya ng doorknob ay sya namang pagdapo ng mga tingin saamin. Pansin kong may sinasagutan sila, agad naman kaming nakita ni ma'am tsaka pinapasok,ayoko na Sana pero hinila naman ako nung Isa.
Ayokong libutin yung mata ko Kaya tinutok ko nalang ito Kay ma'am, hinahandle nya rin yung stem, math teacher sya dito pero English teacher sya saamin.
Gusto ko syang tingnan Kaya hindi ko na napigilang hanapin sya at nakita ko ngang tutok na tutok sya sa pagsulat, mukhang hindi nya kami napansin dahil ang seryoso nya.
Bagay na bagay sa kanya yung uniform nya, kahit ano atang suotin nya ay maganda pa rin sya. Nang bigla syang mag-angat ng tingin, mukhang naramdaman nyang may nakatingin sa kanya Kaya eto na naman nagkatagpo na naman ang mga mata namin, nagulat sya nung una pero napalitan agad ito ng masamang tingin kasabay ng irap nya. Ano bang problema nya?!"Eri!?" napatingin ako sa katabi ko at nakitang wala na sya Kaya napatingin ako sa likod at nasa pinto na nga sya habang pinipigilang ngumiti. Tsaka ko lang napansin na kanina pa Pala ako nakatayo sa harap at lahat sila ay nakatingin na saakin. Bigla namang uminit yung mukha ko sa hiya, Kaya agad akong nagpaalam Kay ma'am tsaka lumabas, narinig ko pang may nagsalita ng "stupid" na Alam Kong galing na mismo sa taong yun.
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
De TodoBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...