Paalam, Patawad

144 4 2
                                    


Hyunsuk's POV



'Hyunsukie hyung!' napalingon ako after hearing a familiar voice


'Oh Haruto! Wow you look fine na ah, mukhang may nagpapasaya na sa'yo ah?' I can't help na hindi tanungin si Haruto I know how he suffered after breaking up with Jeongwoo, I just wanna check if he's already fine. 


'Apaka lakas talaga ng pang-amoy mo hahahahaha' 


'So ano nga? meron na ba?' Pigil na tili ang nagawa ko nang tumango siya and I'm really happy seeing him happy 


'I met him in a cafe, we started dating after continuously meeting in that cafe. And after that we are planning to lived in the same house na.' I can tell how happy he is with just watching him talking about this person. 


Haruto and I talk a lot before I saw a cute guy wearing a pink hoodie entering the cafe, tila bang lumiwanag ang buong kapaligiran nang pumasok siya rito. 


'Ruto!' agad namang napalingon si Haruto nang tawagin siya nung naka pink sweater.


Agad namang nilapitan ito ni Haruto, at nakalimutan atang kausap niya pa ako. Well, ganyan ata talaga kapag jowa mo dumating. Napangiti na lang ako ng mapait ng may biglang maalala. I eventually snap out of my delulu mind nang magsalita yung boyfriend niya.


'Hello! Lagi kang naikukwento sa akin ni Haruto, masaya ako na mamemeet na rin kita sa wakas.' nakakahawa ang ngiti niya kaya pati ako ang laki ng ngiti.


'Junkyu pala, but you can call me Kyu.' 


'Hyunsuk, kahit anong mas prefer mo itawag sa akin ayos lang.' mas lalong nag brighten yung smile niya na nagpangiti naman kay Haruto


'Paano ba yan Hyunsuk-hyung kahit gusto namin magtagal may research pa kasi si Kyu ihahatid ko na.' 


'No problem, dalian niyo na ba baka ma-late si Kyu.' Napatango na lang si Haruto at ngumiti naman si Kyu at nagwave sa akin


'Babye Hyunsukie-hyung, bonding tayo next time with Ruto!' tumango ako at mas lalong lumawak ang ngiti niya, umalis silang magkahawak kamay.


Hinintay kong mawala sila sa paningin ko at niligpit ang mga kagamitan ko at umalis na sa cafe. Hindi ko alam saan ako pupunta pero pumara na ako ng bus before I realize na dapat pala chineck ko kung asan pala 'to papunta. Pero I need peace kaya siguro ok lang kahit saang destinasyon ako pupunta. Pinili kong umupo sa pinakadulong upuan ng bus, sa parteng madilim. 

Nakakatuwang ang dating kinatatakutan kong dilim ang naging sandalan ko ng mga panahong durog na durog ako.



Hindi ko napansing nakatulog pala ako at gabi na, inabot na ng traffic ang bus na sinasakyan ko at nakaabang na si kuyang kundoktor sa gitna dahil may sasakay. Up until now hindi ko pa rin alam saan papunta 'tong sasakyan na 'to. Nilabas ko na lang yung phone ko para makinig ng music at tumingin sa bintana at binilang ang mga sasakyang nakahinto dahil sa traffic. 

PAALAM, PATAWAD ~ TREASURE AUWhere stories live. Discover now