Maikling Kwento

4.6K 8 1
                                    

Babae at Lalake, yan ang kasariang itinuturing na katanggap tanggap sa lipunan. Maraming nagsasabi na ang anumang panibagong kasarian na lumulitaw ay siyang itinuturing na salot at kahiya-hiya sa lipunan higit sa estado ng isang pamilya. Sila ay kinamumuhian na minsa ay umaabot sa puntong itinatakwil na ito ng kanyang mga magulang. Sa kwentong ito matutunghayan ninyo kung paano naghirap at kinamuhian ng kanyang pamilya ang isang datiy lalake na nagging bakla.

Simula pagkabata, wala ng ibang ginawa ang batang ito na tawagin na lamang natin sa pangalang Arman kundi ang sundin lahat ng gusto ng kanyang mga magulang. Ang humakot ng mga parangal at manguna sa klase ang lagging nais ng kanyang mga magulang , kung kayat pinag-iigihan niya ang kanyang pag-aaral ng sa gayon ay maipagmalaki siya ng mga ito. Siya ay panganay sa apat na magkakapatid at nag-iisang anak na lalake. Paborito siya ng kanyang ama sapagkat ayon dito siya ang magdadala ng kanilang apelyido balang araw. Ang kanyang ama ay isang guro sa elementarya kung saan din siya nag-aaral. Tuwing umuuwi siya ng kanilang bahay, lagi niyang nadatdatnan ang kanyang mga kapatid na babae na naglalaro ng manika at lutu-lutuan. Lagi siyang niyayaya ng mga ito ngunit panay din naman ang tangi niya sapagkat ayon sa kanya hindi iyon ang nilalaro ng mga batang lalake.masayang masaya naman ang kanyang ama sa narinig sapagkat napatunayan niya kung gaano kakisig at totoong lalake ang kanyang anak. Sa puntong yaon parang may kung anong bagay na tumutulak kay arman na makipaglaro ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili at hindi lamang ito pinansin. Sa mga sumunod na araw na pag-uwi ni arman sa kanilang tahanan,  inaya ulit siya ng kanyang mga kapatid na maglaro kung kayat agad naman siyang tumango sa mga ito at nakipaglaro sapagkat wala ang kanyang ama.  Sa panahong iyon ay hindi maiwasan ni arman ang ngumiti sapagkat nagugustuhan niya ang larong iyon ng kanyang mga kapatid. Dun lamang napag-alaman ni arman na mas guston pala niya ang mga ganung bagay at napagtanto niyang siya ay may pusong babae ngunit sa pagkakataong iyon mas pinili pa rin niyang itago ito. Tuwing siya ay nasa paaralan pinipilit niyang magpakalalake ng sa gayon ay hindi siya mahalata ng kanyang ama. Nang dumating ang kanyang kaarawan at siya ay 13 taong gulang na, napagpasyahan niya na sabihin na sa kanyang mga magulang ang totoo sapagkat siya lamang ang nahihirapan sa kanyang sitwasyon ng pagtatago. Sa oras ngang iyon sinabi niya sa kanyang mga magulang ang totoo at galit nag alit ang mga ito. Hindi nila matanggap ang anak kung kayat halos umabot sa  puntong pinagbubuhatan na nila ito ng kamay at pinahinto sa pag-aaral. Nalayo ang loob ng ama sa anak sapagkat nabigo siya sa kanyang mga pangarap ditto. Hindi bila pinalalabas ng bahay ang anak sapagkat ayon sa kanila kapag ito ay tumino lamang saka nila ibabalik sa dati. Pinilit ni arman na magpakalalake ngunit hindi talaga iyon ang nais ng kanyang puso. Nahihirapan siya sa kanyang sitwasyon  sapagkat wala man lamang siyang mapagsasabihan ng nararamdaman at ng kanyang sitwasyon. Isang araw nagkaroon siya ng pagkakataong makalabas ng bahay dahil wala ang kanyang mga magulang. Umalis siya na dala-dala ang kanyang mga gamit ngunit hindi niya alam  kung saan siya pupunta dahil ang tanging nasa isip lamang niya ay ang makalayo na sa kanyang mga magulang. Sa kanyang paglalakad hin di niya napansin ang isang truck na paparating kung kayat nahagip siya nito. N akita ng mga tao ang batang nakahandusay at duguan kung kayat agad nila itong dinala sa oispital. Nabalitaan ng kanyang mga magulang ang nangyari at agad naman ang mga ito na sumugod sa oispital kung saan naroon ang kanilang anak. Umiiyak ang mga ito ng Makita ang kritikal na kalagayan ng kanilang anak kung kayat sisingsisi sila sa kanilang pagpapahirap dito. Hindi nila inakala na ganito ang kakahantungan ng kanilang desisyon  sa kanilang anak. Pinangako nila sa kanilang sarili na tatanggapin na nila ng buong buo kung ano man ang totoong pagkatao ng kanilang anak bastat gumaling lamang ito. Susuportahan nila ito sa kung anuman ang desisyon at nais sa kanyang sarili. At ng lumaon nga ay gumaling si arman at hindi niya inakala na ang kanyang mga magulang ay hindi nag alit at hindi na siya kinamumuhian sa halip at alagang-alaga na siya ng mga ito. Kinausap siya ng kanyang ama sa naging desisyon at masayang-masaya si arman sa kanyang narinig. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakla man ay may karapatan dinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon