Naging normal naman ang lahat simula nang malaman ni Tadhana ang tungkol sa ipinagbubuntis. May kasamang takot at panghihinayang, pero wala na siyang magagawa. Hayop lang talaga si Keanu. Hindi siya na-inform na magaling palang lumangoy ang mga alaga!
Dalawang buwan na rin ang nakalipas kaya naman malaki na ang tiyan niya. Six months na, to be exact, at hindi na niya maitago.
Wala namang balak si Tadhana na itago ang ipinagbubuntis. Lalaki at lalaki naman ang tiyan niya, tanggap na niya iyon. Hindi naman niya ikinahihiya ang anak. May mga tao lang talagang haters.
Pero tulad nga ng palaging sinasabi ni Tadhana, haters gonna hate. Pakingshet silang lahat.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ni Ezekiel kay Tadhana. Nag-aya siya sa cafeteria nang makaramdam ng gutom. "Merong lugaw, sopas, champorado, at palabok. Aniya kayat mo?" Ano ang gusto mo?
Inihiga ni Tadhana ang ulo sa lamesa at humikab. "Palabok. Gusto ko rin ng Chuckie. Paspasam. Mabisin akun." Bilisan mo. Nagugutom na ako.
Mahinang natawa si Ezekiel at naiiling na pumunta sa counter. Ito ang madalas niyang kasama kapag lunch dahil hindi naman sila pareho ng schedule ni Fidel. Libre pa rin naman ang lunch kahit na hindi na natuloy ang pagpapanggap.
At kahit na hindi na sila nagpapanggap, nililibre pa rin ni Ezekiel si Tadhana ng pagkain. Sa kaniya pa rin ito sumasama, malamang para maitago ang katotohanan.
Tiningnan ni Tadhana si Ezekiel. Naaawa siya sa kaibigan dahil sa pinagdaranan nito na kailangang itago ang kasarian dahil nabubuhay sa conservative at pamilyang kailangan, perpekto.
"Here." Ibinaba ni Ezekiel ang pagkain. "Kapag nagutom ka pa, hindi ko na alam talaga."
Hindi lang palabok ang binili ni bakla. May kasama pang mamon, fried chicken, at shanghai. Bukod din sa Chuckie na ni-request niya, may kasama pang pineapple juice.
Napapikit si Tadhana nang magsimulang kumain. Hindi naman siya gaanong tumataba kahit na malaki na ang tiyan. Wala rin kasing tigil sina Fidel at Ezekiel sa pagpapakain sa kaniya, ganoon din ang mga magulang niya.
Nang sabihin ni Tadhana sa mommy niya ang sitwasyon, wala siyang narinig na panghuhusga sa mga magulang. Masaya pa nga ang mga ito na dinala siya sa family doctor para maresetahan din ng mga kailangan. Pina-full checkup siya at ang baby niya.
Binigyan siya ng doktor ng mga vitamin, gatas na nakasusuka, at ng mga vaccine. Dahil apat na buwan na ang baby niya nang malaman nila ang pagbubuntis, naghabol siya ng pang-nutrients ng anak na sakto naman ang laki para sa buwan.
Hindi umaalis sa tabi niya sina Ezekiel at Fidel naman. Nalaman na rin ng iba pa niyang kaibigan ang sitwasyon, pero kahit isa, wala siyang pinagsinabihan kung sino ang ama.
Sinasabi tuloy ng mga basher at pangit na hater niya na kung sino lang ang nakabuntis sa kaniya dahil pakangkang naman daw siya. Mga tanga, isa lang naman. Minsan kasi ang mga tsismis ng bashers, inaccurate. Kulang na nga, mali pa.
Hinaplos ni Tadhana ang tiyan nang mabusog. Malaki na iyon at matigas. Madalas na rin siyang naka-leggings at simpleng hoodie. Hindi naman niya itinatago ang baby niya, pero kapag nasa loob ng campus, mas lalo siyang naging artista sa tinginan ng ibang tao.
Pagdating nina Ezekiel at Tadhana sa classroom, naghihintay na si Fidel dahil magkaklase sila.
"'Laki na ng itinaba mo, Hana!"
Nilingon ni Tadhana ang kaklase niyang nagli-liptint, balat-balat naman ang lips. Hindi man lang mag-exfoliate. "Malamang, buntis."
"Sino ba kasi'ng ama?" tanong pa nito. "Hindi ba si Janus? 'Di ba, siya ang huling boyfriend mo?"