OneShit

196 16 19
                                    

"Love Note? Shunga ka ba?" Tanong ko kay Meca. Kanina niya pa kasi ipinipilit sakin tong hawak nyang pulang notebook na may nakaukit na Love Note sa upper part. Aanhin ko to e pasukan na ba?

"Bilhin mo nalang kasi, Flora. Twenty pesos lang naman eh! Nakakabili ka nga ng cornetto sa twenty mo tas ito hindi mo bibilhin? Kahit utangin mo pa okay lang. Ililibre ko pa nga sayo kung gusto mo!"

"Paano ako makakasiguro na hindi Death Note yan? Gusto mo bang ikaw ang unang isulat ko tas bukas bangkay ka na? Ni hindi ko nga alam kung saan mo yan napulot!"

"Gaga, pinadala sakin to. Yung sinabi ko sayong may kumatok sa pinto ng bahay ko? Tas pagbukas ko, walang tao? Tas humangin bigla tas nakita ko to na iniwan tas--"

"Eh yun naman pala ba't ibebenta mo sakin? Ang tanga mo talaga Meca! Ipapahamak mo ba ako sa kalokohan mong yan ha?!"

"Aba'y, natural ibebenta ko sayo eh kakailanganin mo yan. Iniresearch ko yan kagabi at alam mo ba na totoo ang hinala ko? Mahiwaga ang notebook na yan Flora! Pwede mong isulat ang pangalan ni ano dyan para naman magmilagro at--"

"Umuwi ka na Meca. Puyat ka lang, gabi na. Bye, ingat!"

Mahiwaga? Wtf? Anong kalokohan yan? Mas maniniwala pa ako na bakla ang ilang Kpop stars. But really?

~

Niyaya ako ni Meca na mag-gym. Puro junk food daw kasi ang kinakain namin the whole summer. French fries, burgers, pizza, pasta, chocolates, ice cream, lahat lahat na. Hindi sa gusto kong pumayat pero mabuti nalang na maging healthy paminsan-minsan diba?

"Nagdala ka ba ng tubig Flora?" Tanong niya habang nagtatagaktak ang pawis nito. Sabi ko na nga ba eh, ang tigas tigas ng ulo. Unahin ba naman ang cardio? Mag-treadmill nga kasi muna.

Inirapan ko nalang siya at ihahagis na sana yung dala kong tubig kaso.. kaso...

Nakita kong nandito pala siya. At nakatingin siya sa direksyon ko. O baka yung babaeng manipis ang tyan at halos lumabas na ang dibdib na nagwe-weights. (Wag kang umasa, hindi magiging ikaw yun, asa ka pa.)

O baka ako nga. Hindi natin alam.

"Huy bulaklak." Tawag ni Meca. "Mauubusan nako ng tubig sa katawan nito. Sino ba yang-- ahh. Yung cru--"

Tinakpan ko naman ang bibig nito. "Nu ka ba, baka may makarinig sayo!"

"May kakilala ba tayo dito? Si uhng lang naman."

"Kaya nga eh--"

Saktong-sakto naman na parang lumalapit si uhng. O baka may humihila sa kanya papunta samin?

"Ayan na ang uhng mo. Alis na ko ha?"

Bwisit talaga yung Meca na yun. Madehydrate sana siya!

Since itinurn ko ng konti yung ulo ko ng ninety degrees dahil nasa tabi ko si Meca kanina e binalik ko ito sa dating posisyon at nang gawin ko ito ay..

Yes. Nasa harap ko na si uhng.

"Pwede bang makiinom sa tubig mo? If you don't mind?"

Inabot ko naman sa kanya ito. Pinagmasdan ko talaga ang pag-abot niya rito, ang muntikan ng pagtatouch ng mga kamay namin (slight lang), ang pagbukas niya sa takip, ang napakagwapong pag-inom niya, ang pagsarado niya rito, at ang pagbalik niya nito sakin. Hayy. Buti pa ang bote. E ako?

"Ay, sorry."

"Bakit?" Pabebe kong tanong. Haler. Crush ko tong kausap ko.

"Hindi ka naman naniniwala sa indirect kiss diba? Sorry talaga, nakalimutan ko, hindi pala sakin yan."

Love Note [OneShot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon