Pagkatapos mamili nila Seki at Kiyota ng mga 'pasalubong' sa boys ang request naman ni Yuika ang sinimulan nila hanapin. Lahat ng alam na bilihan ni Seki ng tinapay ay walang Anpan na tinda nawalan na sya ng pag asa may naamoy naman si Kiyota na pagkain nakita nya ang high school students na may kinakain "Excuse me, red bean sweet buns ba yan?" nagtaka man ang students ay sumagot pa rin "Opo, Kuya", ngumiti si Kiyota "Ano saan nyo nabili yan, naghahanap kasi kami" tinuro ng lalaki na chubby ang isang maliit na stall na napagitnaan ng bilihan ng mga handicrafts at botika "Ayun po Kuya, doon po kami bumili, best seller nila ito" ang batang naka salamin ang sumagot para sa kaibigan dahil may laman ang bibig nito. Nagpasalamat naman si Kiyota at Seki "Thank you sa inyo" nag paalam na ang mga students ang couple naman ay madali pinuntahan ang stall.
"Hello po, pabili po ng Red bean buns" wika ni Seki
"Ah yung Anpan... Ilan po, Ma'am?" tanong ng tindera"Tatlo po sana" tugon naman ni Seki
"Ah, Baby uwian na rin natin lahat ng red bean buns" suggestion ni Kiyota
(Binilang ni Seki sa kanyang isip kung ilan sila lahat at sinabi sa tindahan)
"Ma'am, Sir, baka po gusto nyo 3 dozens po , 160 yen po ang 1 dozen with 8 pcs po sa loob"
Nag compute naman si Seki mahal ang 160 yen para sa isang box sumingit naman ang matandang lalake na nasa loob ng tindahan "May free na tig 1 anpan sa bawat dozen iha at magbigay rin kami ng tsaa" pumayag naman agad ang dalaga "Hindi po ba kayo malugi, tatay?" tanong ni Kiyota umiling ang matanda bago tumawa "Hindi iho, nag bigay rin kami ng tsaa sa mga customers natin, may buntis ba sa bahay ninyo? Ito ang isa sa cravings ng mga buntis na clients namin". Tumango si Seki at Kiyota "Opo, Tatay" nilapag nito ang baking tray na may bagong hango na anpan "Luna, apo, dito mo na sila ikuha" isang "hai" ang narinig nila. Namukhaan naman ng matanda si Seki "Iha matanong kita, kamag anak mo ba si Rika? Yung gumagawa ng rice cakes sa malapit sa elementary school?" ngumiti naman si Seki "Opo, Tatay.. Ano Mama ko po". Ngumiti ang matanda "Ah... namukhaan kita, kamukha mo si Rika noon.. Para ba kay Yuika ito?" tumango ulit si Seki "Hahaha, sabi ko na nga ba.. Palagi dumadaan si Rio at Risa dito para sa cravings ni Yuika. Ay pasensya na napadaldal ako. Ikumusta mo na lang ako sa kanila at balik kayo sa shop namin" dumating si Luna at inabot ang order nila.
Si Kiyota ang nagbayad "Ano po, Sir may calling card po ba kayo? May project po kami sa company and mag order rin po sana ako sa inyo para sa susunod na linggo" nagmadali naman si Luna na ibigay ang business card nila pasimple ipinaliwanag ni Kiyota ang agenda nila - ang documentary. Nagpasalamat ang matandang may ari bago umalis ang couple.
Maingat na nilagay ni Kiyota ang mga 'drinks' na binili nila - request ng mga kaibigan sa basket sa unahan ng bisikleta. Ang dala na picnic basket naman nila ay hawak na ngayon ni Seki dito nakalagay ang binili nila na Anpan bread, may kalakihan ang size ito.
"May gusto ka pa ba puntahan Baby?"
"Wala na Baby.. thank you,.. eh , Ikaw, baka may gusto ka pa pasyalan?""Wala na rin, mas mahalaga sa akin nakasama kita ngayon araw, kahit maikling oras lang tayo umalis"
(Nag wink si Kiyota kay Seki at mabilis na nagnakaw ng halik sa labi)
"Ay, bilisin ka talaga ano Baby?"
"Gano'n talaga.. Uwi na nga tayo Baby baka saan pa kita dalhin eh"May matandang babae na naglalakad sandali ito tumigil sa harap ng dalawa "Ano ba naman mga kabataan ngayon? Masyado mapupusok" bago nagpatuloy maglakad. Napakamot ulo si Kiyota samantalang si Seki ay namula ang mukha sa hiya , klinaro ng binata ang kanyang lalamunan "Uwi na tayo" hindi pa rin maka imik si Seki na mas pinili umupo na sa likod ng bisikleta.