"Hey are you still answering your homework?" Tanong ni Zach Stanzon sa kaniyang asawa.
"Hmmm" tipid niyang sagot ng hindi tumitingin sa kaniya. Tumingin naman ng nagtataka si Zach sa asawa dahil nga hindi ito tumitingin sa kaniya. Mabagal niyang tinanggal ang butones ng kaniyang Italian printed suit at itinapon ito sa kama. Nakaw tingin namang tumama ang mata ni Belle sa kama at nakitang humuhubad na ng dahan-dahan ang asawa.
Pinilit niyang ituon ang mga mata sa mga papel pero hindi siya nagtagumpay. Ngunit laking ginhawa niya ng mawala bigla ang asawa at nakapaghinga siya ng malalim at maginhawa.
"Phufffft" buga niya ng maraming hangin ngunit bigla na lang siyang napasinghap ng may dumamping maiinit na labi sa malambot niyang tainga at kinagat-kagat ito.
"Take a rest now Mrs Stanzon" husky niyang bulong na nagpatindig ng balahibo ni Belle.
"Ah.. ahhh, ayaw ko pa" utal niyang sagot. Mas tumindig pang lalo ang kaniyang mga balahibo nang kagatin pa ito ni Zach ng mariin. "Ahhh...ahhhh."
"I want you to stop answering those, you're obviously tired" sambit niya habang pinaglalaruan pa rin ang malambot at sensitibong parte ng tainga ng asawa.
Bumilis ng husto ang tibok ng kaniyang puso, at namula ang kaniyang mga pisngi.
"Titi...tigil na po Mr. Zach" utal-utal niyang sagot at yumuko ng husto sa kaba at hiya.
Lumayo nasi Zach na patagong nakangisi at tumungo na sa loob ng banyo upang maligo.
Pero itong asawang matigas ang ulo ay hindi nagpatinag bagkus ay sinagutan niya pa rin ang kaniyang mga aralin sa kabila ng hindi normal na pagtibok ng kaniyang puso. "Gulay talaga" pagbubulong-bulong niya. "Ang hirap na nga ng school works dagdag pa 'tong isa" pagmamaktol niya ng talikuran.
"What did you say?" tanong ni Zach na ikinalaki lalo ng kaniyang mga mata. Agad siyang humarap dito at napanganga ng bahagya ng makita ang asawa na nakabalot lamang ng tuwalya sa baywang na halos dumulas na sa kaniyang katawan. Kitang kita niya rin ang mga kumikinang na butil ng tubig na dahan-dahang dumadaloy sa matipuno at maganda nitong katawan. Bakas na bakas rin ang V-line nito na mas lalong ikinalaki ng kaniyang maaamong mata.
"What did you say Belle?" tanong nito habang papalapit sa kaniya.
"Ah sabi ko, sabi ko, kailangan kung tapusin yong last subject ko" pagdadahilan niya.
"Ahuh?" nakataas ng bahagya ang kaniyang kilay habang pinagdududahan ang asawa na ngayon ay sing pula na ng kamatis.
Ngunit hindi na siya sumagot pa at iniyuko na lamang ang ulo. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang buhatin ng lalaki at ilapag sa kama.
"I will help you with your lessons. Stay in the bed" utos niya. Tumango naman si Belle. Tumungo na ang lalaki sa kanilang closet areas at nagpalit ng pajama ng walang pang-itaas at saka kinolekta ang mga papel at laptop ng asawa.
Naupo siya sa kama at sumandig sa headboard. "Come closer and show me what needs to be done" malamig at diretso niyang turan.
Gumapang naman siya at nalanghap ang sabong ginamit ng kaniyang asawa at saka itinuro sa kaniya ang mga kailangang sagutan.
"Ammmmm.... mmm. Ito po" kabado niyang tugon at sumilip para tingnan ang seryosong asawa.
Mabilis namang nabasa at nasagutan ni Zach ang mga papel at sinagutan na lahat ang mga blankong tanong.
"Bat ikaw ang nagsusulat?" reklamo niya.
"Why? Am I not allowed to write for my wife" masungit niyang tanong habang nakatingin sa kaniya.
"Eh kasi yong" natigil siya at kumuha ng hangin at yumuko na lang.
Makalipas ang labing limang minuto ay huminto ang lalaki at tumingin sa katabi.
"Now your turn" ani niya at nag-angat na rin ng ulo ang babae at tumingin sa kaniya.
Kinuha niya ang parker pen at papel sa kaniya at tiningnan at binasa ito. Nag-antay naman si Zach sa kaniya na sumulat o mag lagay ng sagot. Ngunit lumipas na lamang ang sampung minuto at wala pa rin itong naiisusulat ni isang letra.
Eh sino ba namang makakapag-isip ng maayos kung may tumititig sayo? Yaong pati ang pagkurap at paghinga mo ay pinanonood?
Tumingin si Belle sa asawa "I can't" sambit niya at napayukong muli. 'PAANO AKO MAKAKAPAG-ISIP NG MAAYOS EH INILALABAS NIYA YUNG KATAWAN NIYA.' Pagbubulong-bulong niya sa sarili.
"Why can't you?" tanong naman ng lalaki habang pinipigilan ang nagbabadyang tawa.
"Mahirap" nahihiya at tipid niyang sagot.
Bigla namang tumunog ang cellphone ni Zach at kinuha niya ito at lumingon sa asawa bago sinagot ang tawag.
"Mom?" bungad niya.
"Oh God Zach! Kumusta yung asawa mo?" bulalas nito agad.
Lumingon siya sa asawa "She's fine mom, just stressed out of her study" simple niyang sagot.
Napatingin sa kaniya si Belle. Naka loud speak kaya rinig na rinig niya ito.
"Oh Zach! Help my dear daughter in law. Baka pinagpapagod mo yan. Tulungan mo siya sa mga aralin niya para matapos ng maaga at mag kaapo na ako" walang pasubali niyang sabi.
Namula na naman ang mga pisngi ni Belle sa narinig at itinago ng husto ang mukha.
"Zach come on, I'm getting old and besides nineteen na rin naman si Belle" dagdag pa ng kaniyang ina.
Napahilot na lamang si Zach sa sentido. "Mom seriously."
"Goodnight dear, make sure to work out in making babies huh?" at pinutol niya ang linya.
Sumakit lalo ang ulo ni Belle. Mukhang sasabog na ang kaniyang ulo. REQUIREMENTS! THE OOZING SEXY HUSBAND! THE PRESSURING MOTHER! AND THE BABIES! 'Ahhh tulungan niyo po ako' protesta niya.
"Set aside all your papers and strip we'll make babies" seryoso niyang utos.
"HAHHHHHH? hu...hu...hubad?" halos mahimatay niyang tanong.
A/N: Not yet Edited so expect ERRORS.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire's Wife
RomanceZach Dwight Stanzon a billionaire who married the sweet, lost and innocent girl named, Belle. And began the roller coaster kind of living. (COMPLETED) 𝐏𝐡𝐨𝐭𝐨 𝐧𝐨𝐭 𝐦𝐢𝐧𝐞/ CTTO- Kim Ngan? 𝐒𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞: 𝐏𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐞𝐬𝐭 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 �...