Motherhood changes how women think. Wala namang masyadong nagbago kay Tadhana dahil alam naman niya sa sariling gaga pa rin siya at times, pero pagdating sa pag-aalaga sa anak, wala siyang naging problema.
Tatlong semester ang hindi niya pinasukan. Kasama roon ang isang semester na hindi niya pinasukan noong nagbubuntis at dalawang semester naman para alagaan si Sarki.
Kung tutuusin, puwede naman siyang pumasok dahil nagpresinta naman ang mommy niyang mag-alaga kay Sarki, at kukuha rin daw ng helper, pero siya na mismo ang tumanggi.
Last semester na rin nina Ezekiel at Fidel. Mayroong panghihinayang na hindi siya kasabay, pero okay lang dahil masaya naman siya kay Sarki. Nabawasan na rin naman na ang subjects niya dahil nag-enroll siya ng tatlong subject noong summer.
"Ang cute naman ng ubing na 'yan!" nakangiting sabi ni Tadhana habang nakatingin kay Sarki na nakatayo at naggagabay sa crib nito. "Bait lang, ha? Review lang si Mommy." (Ubing means baby or bata)
Sarki was already fifteen months old. Ang bilis ng panahon, pero hindi iyon napansin ni Tadhana dahil naging busy siya sa pag-aalaga sa anak at paminsan-minsang pagtulong sa business ng mga magulang.
Tadhana became a full-time employee of her parents' businesses. Minsan, siya na rin ang nakikipag-transact sa mga gustong mag-rent ng transients nila. Siya na rin ang nakikipagkita.
Nagbabasa si Tadhana ng handouts para sa midterm exam nang biglang umiyak si Sarki. Kaagad niyang binuhat ang anak, iniangat ang T-shirt, at pinasuso ito.
Breastfed pa rin si Sarki kahit na isang taon mahigit na. Kapag naman nasa school siya, pumped milk ang dinedede nito, at mabuti na lang din na hindi ito mahirap alagaan.
Natahimik si Sarki. Tumigil si Tadhana sa pagbabasa at tiningnan ang anak. Napakasingkit ng mga mata nito, wavy rin ang buhok tulad niya at may pagka-brown. Nakuha rin ng anak ang tangos ng ilong niya, pero mas lamang nga ang pagiging Asian dahil sa mga mata. Nakuha talaga kay Keanu, walang duda.
Hinalikan ni Tadhana ang noo ng anak nang makatulog ito habang sumususo, at nagpatuloy siya sa pagbabasa para sa exam.
Sa tuwing pumapasok siya sa school, parents niya ang naiiwan kasama si Imelda, ang isa sa helper nila para alagaan ang anak. May tiwala siya sa mga ito, pero nahihiya siya dahil baka nahihirapan.
But then again, her parents always assured her that it would be okay.
Bumukas ang pinto kaya nilingon ni Tadhana ang pumasok. Mommy niya iyon at may dalang meryenda. "Mabuti't nakatulog na. Kung gusto mong matulog, sabihin mo sa akin, kukuhanin ko na muna siya."
"Okay lang naman, 'My. Pero bukas, maaga akong aalis, ha? May kailangan akong puntahan sa library kasi doon lang makikita ang tungkol sa assignment ko," ani Tadhana habang tinitingnan ang anak. "Sorry talaga, 'My."
"Para kang bago nang bago, Destin!" pabulong na singhal ng mommy niya dahil natutulog si Sarki. "Ibaba mo na lang si Sarki kung inaantok ka."
Matipid na tumango si Tadhana at inabot ang maligamgam na gatas na ginawa ng mommy niya. She was always thankful for everyone's support, pero may parte pa rin na gusto niyang tumayo sa sariling paa. Gusto niyang palakihing mag-isa ang anak dahil responsibilidad niya iyon bilang ina.
Natatawa rin siya dahil sa tuwing bumibisita ang mga kaibigan niya, hindi puwedeng walang mga dalang regalo kay Sarki. Kung hindi laruan, mga damit, o hindi naman kaya ay pagkain.
Nang matapos mag-review, sakto namang gising na si Sarki kaya bumaba sila sa living area at naabutan ang mga magulang niyang nanonood ng TV. It was already six in the evening, nagluluto na rin ang kasambahay para sa dinner.