Yuan's POV
"Eto pala yung sinasabi nyong plano? Ang talino nyo naman," Saad ni Scarlet at bahagyang natawa, nandito kaming lahat sa bahay namin
Kakauwi lang namin kani-kanina
"Paano nyo naman nagawa na palitan yung mga kasama nung matandang yon?" Tanong uli ni Scarlet at napatingin naman ang lahat saakin na kumakain lang
"Idea ni yuan yon," Nakangising saad nI Sandy
Bahagya naman akong natawa habang may ngisi sa labi ko
Idol nyo nanaman ako.
"Di nyo pa sinasagot yung tinanong ko." Napatingin naman kami kay Scarlet
"Edi, cinorner din namin tapos binigay namin sa mga pulis." Sagot naman ni Harold
"Wow, iba utak nyo. Sabihin nyo nga, polsci students lang ba talaga kayo?" Walang ganang tanong ni Scarlet
"Akala ko talaga si Hero yung kumidnap saakin, puta. Buti nalang di ko sinipa itlog nung nakasama ko kanina sa elevator kung hindi baog na si jansen." Natawa naman sila Jicel dahil sa isinaad ni Scarlet
"Thanks mga besshy ha, kung wala kayo baka patay na ko ngayon." Natahimik naman kami dahil sa sinabi ni Scarlet
"Thanks din, kase kung mamatay ka man. Alam naming hindi mo sasabihin kung nasaan kami," Nakangiti namang sagot ni Moira sakanya
"Saglit iihi lang ako," Tumayo si Harold
"Ako din, may kukunin lang ako sa taas." Tumayo si Jared at tumingin naman silang dalawa pabalik saamin
"GROUP HUG!" Tumayo silang lahat habang kaming dalawa ni Prince ang walang pake, para silang mga gagong nag yayakapan.
Kumakain ako habang si Prince binabasa na yung binabasa nya nung nakaraan, di nya kase natapos
"Kayong dalawa dyan, tumayo kayo hoy!" Sigaw ni Harold at tiningnan lang namin sila, tapos binalik na din namin ang mga tingin namin sa ginagawa naming dalawa
"KJ nyo naman, group hug lang ih!" Sigaw naman ni Sandy
"Sge na, hoy! Mga kaibigan ba talaga namin kayo?" Walang ganang tanong ni Jerald at napairap naman ako
Tumingin ako kay Prince pero wala padin syang pake.
"Pabayaan nyo sila," Walang ganang saad ni Jennie at kinuha ang cellphone nya
"Groupie tayo!~" Masaya nyang saya at natawa naman ako
Ngayon ko lang uli syang nakitang ganyan.
Tumayo ako pumunta sa tabi nya
"Sasama din pala, ang daming arte." Bulong ni Jicel at nag samaan naman kami ng tingin
"Prince, ikaw nalang." Tumingin kaming lahat kay Prinsipe na wala pa ding pake.
Tumingin sya saamin na walag pake, talagang wala syang pakealam sa paligid nya.
Isinara nya ang libro saka tumayo, pumunta sya sa tabi ni Jicel at tumingin sa camera ni Jennie
"One, Two, Three...BESTYSS!"
Napatingin silang lahat saakin marinig nilang nag-rington ang cellphone ko, agad ko iyong sinagot at nakita ko yung Call ID ni Tito Stephen
"Hello Tito?" Pinindot ko yung loud speaker para marinig nila
"Oh, kamusta kayo dyan?"
"Maayos po," Sabay naming sagot
"Good, hindi pa umaamin yung matandang kumidnap kay Scarlet. Hindi talaga nya inaamin kung sino yung Boss na sinasabi nya."
"Paano yan? Ayaw nya talagang umamin?" Tanong naman ni Jerald
"Ikukulong nalang sya, hahanap nalang tayo ng ibang paraan. Kase ang sabi nung mga kasama nya na nauna dito sa kulungan, hindi daw nila kilala kung sino yung Boss." Sagot naman ni Atty
"Stephen, halikana." Rinig ko ang boses ng isang babae at masasabi kong si Prosecutor Salvador yun. Di naman kase sinasabi ni Tito yung secretary nya sa mga ganyan
"Sge, tatawag nalang uli ako. Iinterogate na namin uli yung suspect."
"Sge po."
*Call Ended*
~*~
Lira's POV
Pumunta ako sa likod, which is ang terrece ng bahay nila Jared. Sa likod yung terrece tapos makikita mo din dun yung lake.
Yes, may Lake dito. Lake of Love ang tawag. Di ko nga alam kung bakit, yung likod talaga ng mga bahay namin dito na mag kakapitbahay, talagang...may lake na. Wala pa kami.
"Hoy, bakit ka nandyan?" Agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko kaagad ang ilong ni Jared
"Ano nanaman," Walang gana kong tanong
"Wala naman, Bestfriend." Pangaasar nya at napairap namna ako
"Eww, yuck." Inis kong saad
"Bakit? Bestfriend kita! Bestfriend ko sila scarlet eh." Hindi ko sya tinugunan at sa halip, kinuha ang cellphone ko para picturan yung nasa harap namin na magandang tanawin
"Ako nalang picturan mo, maganda din naman ako tignan." Hindi ko sya sinagot at nag focus sa pagkuha ng langit, at ng mga trees...dahon na nakikita ko. Nahahagip ko din yung mga birds
Nagulata ako ng hawakan nya ang mag kabilang braso ko at iniharap ang camera sakanya.
"Saakin lang dapat tingin mo," Walang gana nyang saad at agad ko namang inialis ang camera ko sakanya.
Pinatay ko iyon at inilagay sa bulsa ko
"Bida bida ka talaga." INis kong saad at inirapan nanaman sya
"Layuan mo nga ako!"
"Ang harsh mo naman sa BESTFRIEND mo." Inis nyang sabi saka sumimangot
"Sakalin kaya kita? Ayokong maging BESTFRIEND Kita noh!"
"Ah," Hinawakan nya ang braso ko at inilapit nya ako papalapit sakanya.
Nag iba ang mukha nya, yung maamong mukha na jared kanina naging hot and seductive
"So gusto mong maging girlfriend ko?"
Napahinto ako dahil sa sinabi nya, baliw na ba sya?
"Bahala ka dyan." Tinangal ko ang braso ko sa kamau nya at nag lakad papalayo
Di nya ko madadaan sa ganon, takot pa kong mag mahal uli.
Bago ako pumasok sa loob ng dorm namin, naramdaman kong parang may sumusunod saakin
Lumingon ako doon at wala naman akong nakitang tao.
Kailangan naming mag doble ingat'
A/N: sorry sa short ud TT
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Misterio / SuspensoIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...