HINGAL NA HINGAL akong tumatakbo papalayo sa kwarto ng aking mga magulang. Hindi ko alam kung bakit kahit anong takbo ko ay bumabalik pa rin ako sa kwarto nila... na para bang hindi ako makakaalis. It didn't make sense so I stopped running. I forced myself to open the door. I saw them. Dad is on the floor, holding the empty bottle of pills, and Mom's hanging from the ceiling.
"N-No! Mom! Dad! P-Please. Don't leave-"
"Elisha! Wake up," boses 'yon ni Zius. Marahan niyang tinatapik ang aking pisngi. Nakita kong umiiyak siya. "It's okay... I'm here, Eli."
Niyakap ko siya nang mahigpit. "I can't do this. It's so painful, Zius. Please... take away my pain. I... I can't sleep without thinking about what happened to them... Ang sakit..." hawak-hawak ko ang aking dibdib.
"I'll hug you until you fall asleep," aniya.
I nodded. Pinilit kong makatulog ulit habang mahigpit ang pagkakayakap ko kay Zius.
KINABUKASAN AY NAGISING ako dahil sa bango ng niluluto ni Zius. Pinakain ko muna si Cookie bago ako naligo. Wala na ako sa mood na mag make-up pa. Habang naghahanda ng makakain si Zius, binuksan ko naman ang aking laptop upang mag print ng resume.
"What are you doing?" tanong niya sa akin.
Tumayo ako para i-connect sa printer ang aking laptop. "Printing my resume. Mag-a-apply ako. I only have nineteen thousand left in my pocket, Zius. Pambili pa natin ng pagkain and pangbayad ng bills. Saka mag-i-ipon ako pang-aral mo sa darating na pasukan."
"Ayokong mag-aral. Ikaw na lang, Eli. Ang mahal ng tuition sa Fitz."
I immediately shook my head. "You're the intelligent one, Zius. May dalawang buwan pa tayo para mag-ipon."
"Alam mo namang more than five hundred thousand ang tuition ng Fitz annually, 'di ba? Saan tayo kukuha nang gano'n kalaking pera?" seryoso niyang sabi sa akin.
"Basta. Gagawa ako ng paraan."
"No. Mag-ta-trabaho tayong dalawa," aniya. Kinuha niya ang aking laptop at nag-print din ng resume.
Hindi ko na lang siya inimik hanggang sa natapos kaming kumain. Nagpalit ako ng pormal na damit dahil napagdesisyunan naming maghahanap agad ng trabaho. Iniwan lang namin si Cookie sa kanyang kulungan at babalikan namin siya mamayang tanghali.
Hindi ko alam kung bakit kami minamalas pero lahat ng mga pinag-applyan namin na may malaking sweldo ay hindi kami tinatanggap kahit hiring sila. Nasubukan na namin sa iba't-ibang company. Sa BPO, fast-food chains, Bloom Restaurant and Hotels at iba pa.
"Bakit? What's the problem? We're qualified naman po," pagrereklamo ko.
Napakamot sa ulo ang babae na nasa reception area. "Kailangan po namin ng applicant na may experience. Isa pa, investor po namin ang mga Fitzmael. Ipinagbabawal din po kayo rito. Hindi ko po alam ang rason, sumusunod lang po kami sa utos. Pasensiya na po."
Bumagsak ang balikat namin ni Zius nang marinig 'yon. Umuwi muna kami sa bahay upang mananghalian at pakainin si Cookie. Mapakla akong natawa. "I should've known that it wasn't an empty threat. I almost forgot that their family is too powerful," I stated, referring about Cedar and Lilac's threat.
"I'm sorry, Eli. It's my fault," ani Zius.
"Don't blame yourself. Let's try again, tomorrow."
BINABASA MO ANG
The Flower's Sunshine (Fitzmael 4)
Romance[VIOLENCE | TRIGGER WARNING | STRONG LANGUAGE] When Cedar Broom returned to the Philippines, his heart remained in England, weighed down by a recent breakup. His life felt cold, gloomy, and lonely. Then he met Elisha Gomez. She became his beacon of...