Kasalukuyan kong pinaghahalo ang mga dry ingredients ng makita kong kumukuha siya ng chocolate chips sa bowl,agad kong pinalo ang kamay niya na parang bata upang pigilan ito.
Nakanguso siyang tumingin sakin kaya tinawanan ko siya dahilan ng pagseryoso ng reaction niya.
"Why?" He seriously asked.
"You're not allowed to taste anything."
"W-what?! Seriously?"
"Yes!"
"Tsk, alright."
"Good"
Hindi na siya nagsalita ng kung ano pagtapos non,tinulungan na lang niya akong pag haluhin ang mga sangkap.
Seryoso akong nagbabake ng bigla niyang nilagyan ng icing ang pisngi ko, tinignan ko siya ng masama at nagbabanta ngunit tinawanan niya lang ako.
"Stop it!" Angal ko ng magtangka na naman siyang uulitin ito.
"Nah,I won't," tumatawa niyang ani saka lalagyan ulit ang mukha ko ngunit inunahan kona siya.
Kumuha ako ng madaming icing saka ko hinilamos sa mukha niya,hindi agad siya naka galaw dahil sa gulat kaya kinuha ko ang pagkakataon para mas magantihanbpa siya.
Kinuha ko ang bowl ng harina saka ko ito binuhos sa mukha niya,pagtapos non ay dali dali akong tumakbo ngunit may pag iingat na nagtungo sa likod ng bahay.
Maya-maya ay narinig ko siyang sumigaw, siguro ay saka niya lang narealize ang ginawa ko dahil sa pagkagulat.
Pigil ang tawa ko dahil baka mahanap niya agad ako saka gantihan.
"Mrs. Sullivan!" Malakas niyang sigaw kaya napatigil ako sa pagtawa,imbes na tumawa ay napangiti na lang ako ng malawak dahil sa kasiyahan.
Ang sarap marinig mula sa kanya ang pangalang iyon,mas nararamdaman kong pag aari niya na ako dahil gamit kona ang apilyedo niya.
Ng wala na akong marinig na ingay ay bumuntong hininga muna ako saka nagdesisyong bumalik na sa kusina ngunit agad din akong napatigil ng makita ko siyang nakasandal sa pader habang deretsong nakatingin sakin na para bang alam niyang nandon ako mula pa kanina.
Wala ng icing o harina sa mukha niya,siguro ay nag hilamos na siya kanina. Bago na din ang suot niyang damit.
Naiilang na ngumiti ako sa kanya ng malawak na para bang walang nangyari ngunit umiling lang siya na parang sinasabing hindi ako makakatakas habang nakangisi ng nakakaloko.
"Tama na,nauna ka naman eh! Gumanti lang naman ako!" nakanguso kong depensa habang unti-unting naglalakad patalikod.
"Nah,you can't run away from me." Serysong ani habang naglalakad palapit sakin.
"Magbake na tayo sa loob,nagbibiru lang naman ako. Sorry na kung ginawa kong espasol yung mukha mo kanina," naiilang kong ani ngunit sinamaan lang niya ako ng tingin. Mukhang mali ata nasabi ko,lagot.
"Come here," seryoso niyang ani saka tumigil sa paglapit niya sakin dahilan ng pagtigil ko sa pag atras.
"Baka gantihan mo lang ako e," nakangusong ani ko ngunit suminghal lang siya.
"Hardheaded,dahil sa ginawa mo may punishment ka sakin," seryosong ani niya kaya agad akong napalunok dahil sa kaba.
"Sorry na kasi!" Nakanguso kong ani,nagbabakasakaling maawa siya sakin at hindi nako bigya ng punishment.
Ngunit agad nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hapitin ang bewang ko palapit sa kanya saka niya hinawakan ang likod ng batok ko.
Halos mahugot ko ang hininga ng bigla niya akong hinalikan sa labi,nakapikit siya habang hinahalikan ako kaya napapikit na din ako saka ko siya ginantihan ng halik.
Tumagal ng ilang segundo ang halikan namin saka niya pinakawalan ang labi ko,pareho naming habol ang hininga ng maghiwalay ang labi namin.
"That's your punishment," he said in his hasky voice,pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko dahil sa ginawa niya.
Alam kong halik lang yom ngunit iba talaga ang epekto niya sakin,damn!
Nakangiti kong inilabas ang cupcakes mula sa oven,pagkatapos ang halikang nangyari kanina ay agad din kaming bumalik sa kusina para ipag patuloy ang pagbabake ng cupcakes.
"Take care you might burn yourself," may pag aalalang ani niya.
"Kaya ko naman no,eto na! Ang perfect ng pagkakabake,sigurado akong masarap ito. Palamigin muna natin saka lagyan ng icing."
"That's great! I'm really good at anything," may pagyayabang na ani niya.
"Excuse me! Ako kaya halos gumawa lahat," angal ko dahil kung makapag salita ito ay parang siya ang gumawa ng lahat.
"Yeah right," ani niya saka tumawa,napailing na lang ako sa kayabangan niya.
Pinalamig namin sandali ito saka namin nilagyan ng icing sa ibabaw.
"Tikman natin," nakangiting ani ko saka kumuha ng dalawa. Binigay ko sakanya yung isa tas sabay naming tinikman.
Mas lumawak ang ngiti ko ng malasaan kung gano ito kasarap.
"Ano sa tingin mo?" Proud na tanong ko sa kanya.
"Pwede na," balewalang sagot niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Umayos ka!" Pagbabanta ko kaya tinawanan niya ako.
"Kiddin',masarap. Gumawa tayo ulit next time," nakangiting ani niya,tinanguaan kona lang siya habang nakangiti dahil hindi din ako makapagsalita dahil kasalukuyan akong ngumunguya.
Nilagay ko sa lalagyan yung natira saka ko ito nilagay sa ref para lumamig at mas amsarap pa ito pag kinain namin mamaya o bukas.
Nang malagay kona ito ay tumingin ako sa paligid,napangiti ako ng pilit kay Clifford.
"What?" Nakakunot nong tanong niya,agad kong nginuso ang mga hugasin sa lababo. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kadami ang nagamit namin,hindi pa ito nahuhugasan at nakalagay lang sa lababo.
May mga kalat din sa mesa at sa counter top,naiilang akong ngumiti ulit sa kanya.
"Ikaw na lang maghugas tas ako magligpit sa kalat," pangungumbinsi ko dito ngunit tinignan niya lang ako ng blanko.
"No," seryosong sagot niya kaya napabuntong hininga na lang ako saka masama ang loob na nagtungo sa lababo para makapag simula ng mag hugas mukhang hindi ko na mababago ang isip niyang maghugas.
Kukuhanin kona sana ang sabon ng nagulat ako dahil bigla niyang pinigilan ang kamay ko,naka kunot ang noo kong napalingon sa kanya.
"Sinong nagsabi sayong ikaw ang maghuhugas ng mga yan?" Seryosong tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw kaya!"
"Sinabi ko ba?"
"Oo!"
"I just said "No",what I mean is hindi ka maghuhugas o maglilinis man lang ng kalat dahil ako ang gagawa ng lahat,maupo kana lang sa tabi at panoorin mona lang akong gawin ang lahat," naka ngisi niyang ani kaya agad akong nabuhayan ng loob.
"Really?" Malawak ang ngiting tanong ko.
"Ofcourse," pagkasabi niya yon ay bigla niya akong hinawakan sa magkabilang bewang saka ako binuhat at pinaupo sa counter na parang bata.
Gaya ng sabi niya ay hindi niya ako hiayaang tumulong,siya ang gumawa ng lahat habang ako ay prenteng nakaupo lang habang pinapanood siya.
"Clifford!" Tawag ko sa attention niya,agad naman siyang lumungon sakin na nakangiti.
"It's hubby,Wife."
"Hubby!"
"Yes,My Wife?" Malambing nitong tanong kaya mas lumawak ang ngiti ko.
"I wanna drink juice," nakangiti kong ani,agad naman niyang hinugasan ang kamay niya saka niya ako kinuhaan ng juice mula sa ref.
Nakangiti ko itong ininom habang pinapanood siyang maghugas at maglinis.
YOU ARE READING
Forgotten Promises (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)
RomancePrecious Miracle-Sullivan, she married a man named Clifford Sullivan whom he doesn't even remember. He thought it was a fix marriage but the truth is that he proposed to her before he lost his memory. He became a jerk, he hurt her emotionally to pun...