Chapter Six

127 7 0
                                    

Chapter Six

"Okay lang ba ang damit ko?" Tanong ni Luna habang umikot sa harapan ko. Maganda naman siya hindi niya na kailan mag pa-cute. Tinignan ko ang wristwatch ko and It's already 6:50 ng gabi, kanina pa pala nag simula ang battle of the bands ng school nila Luna. At kung hindi kami agad makaalis dito baka maabutan kami ni Res. Sinuot ko ng maayos ang sing-sing at linapitan si Luna.

"Oo, sobrang okay na niyan. Tara na baka maabutan pa tayo ni Res." Naglakad na kami palabas ng bahay. Nakita namin si manong Jimmy na nag-hihintay sa'min sa labas ng gate. Inalalayan niya kaming sumakay sa loob ng sasakyan at bumyahe na papunta sa school na pinapasukan ni Luna. It's been three weeks since yung operation ko, okay lang naman ang kalagayan ko. Hindi na sumasakit ang mata ko, pero minsan kumikirot ang ulo ko.

"We're here." Malayo palang kami rinig ko na ang tugtugan sa covered court ng school nila Luna. Ang ganda, andaming tao. Maliwanag ang lugar dahil sa mga lights na may iba't ibang kulay. Parang party na rin ang BFTB (Battle of the bands) nila dito.

"Dun tayo, maganda ang view kung doon tayo uupo." Turo ni Luna sa 'di kalayuan. Naglakad kami papalapit doon at umupo.

Ang gaganda ng mga boses ng vocalist ng mga banda, mapa-babae man o mapa-lalaki. Ang ganda din ng mga performance nila. Minsan nga napapatayo ako habang pumapalakpak at sumisigaw.

"Ang galing nilang lahat no?" Tanong ni Luna.

"Oo, grabe nga ang sigaw ko e--." Napatigil ako sa pag sasalita ng tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot ang tawag.

"Asan kayo? Ba't wala kayo sa bahay?" Si kung maka-tanong si Res talo pa si mom. Siya kasi ang inatasan ni mom na bantayan kami saglit dahil pinuntahan niya si dad. Hindi ko papala na iikwento si dad sa inyo, busy kasi talaga siya sa company'ng ipinamana daw ni lolo sa kanya. Umuuwi naman si dad pero once a week lang at ngayon pinatawag niya si mom dahil kailangan niya daw ng karamay. Tsk, ang sabihin niya lang, gusto niyang lang masolo si mom.

"Hanapin mo." Asarin nga natin.

"Syche! Pinag-paalala mo naman ako e." Ito na naman ang ugali niyang boyfriend material e.

"Hanapin mo nga kasi ako, 'yan naman ang ginagawa mo dati nung hindi pa ako nakakakita? 'Di ba?"

"Tss. Fine..." Kung maka-fine naman siya parang alam kong nasaan kami. Natahimik ito saglit, parang may hinahanap sa kabilang linya.

"...Hahaha! I know! Nasa school kayo ni Luna may nagaganap diyang Battle of the bands, tama ba ako Syche my love so sweet?" Mapangasar na sabi nito. Pano niya nalaman? Hindi ko naman siya sinabihan e. Nilingon ko si Luna at binigyan ng seryosong tingin.

"Luna? Did you tell him?" Pero wala siyang reaksyon bagkus humarap ito sa akin habang nanliliksik ang mga mata nito, Okay, galit siya.

"Execuse me?! What do you think of me? amalayer?! Ganon? Minahal kita! Pero anong ginagawa mo? You didn't trust me! It's hurts you know." Binatokan ko nga, nag dra-drama na naman si Luna e.

"Wag ka ngang mag-drama, Luna. Tinatanong lang kita." Inirapan ko ito at binaling ang atensyon sa phone ko.

"Still there?"

"Yeah, so tama ako? Nasa school ka nga?" Kahit itangi ko pa, bistado na ako.

"Bakit mo pa tinatanong kung alam mo naman pala, bye!" Pinatay ko na agad ang tawag at itinago pabalik sa bag. Alam kong any moment darating dito si Res at mag papaka-boyfriend nanaman yun sa'kin.

Natapos na rin ang BFTB and we decide na umuwi na tutal gabi na rin naman, pero ba't ang tagal ni Res? Kanina pa siya hindi dumarating ah. Aalis na sana kami ng may magsalita sa stage dahilan para mapahinto ang lahat at mapatingin sa lalaking nasa gitna ng entablado.

"Please bumalik po muna kayo." Agad binalot ng bulongan ang court. Kung ano daw ang trip ng lalaki, kung baliw ba siya at marapi pa. Halo-halong bulungan.

"Upo muna tayo, Syche. Naiintriga ako sa mangyayari e." Umupo kami ulit at hinihintay ang mangyayari.

Kinuha nito ang guitar na inabot ng kanyang kasama and he starts strumming at sinasabayan niya rin ng kanta. Maganda ang boses niya.

Forevermore.

There are times
When I just want to look at your face
With the stars in the night.
There are times
When I just want to feel your embrace
In the cold of the night.
I just can't believe that you are mine now.

That song. Hindi ko alam pero bahagyang kumirot ang ulo ko.

"Ito rin yung nangyari last two years 'di ba? I bet manliligaw rin 'yan, kagaya noon. Hindi ko nga lang matandaan kung sino sila." Rinig ko ang mga bulungan nila. Nangyari na rin pala ito dati. Tss, laos.

Pansin ko naman kinilig si Luna kaya siniko ko ito. "Para kang bulate 'jan." Iniripan lang ako nito at tinutok na ang atensyon sa harapan. Bumaba ang lalaki at naglakad papalapit sa babaeng nakatayo 'di malayo sa stage. Halata sa mukha ng babae ang pagka-gulat pero napalitan ito ng ngiti. Huminto ang lalaki sa paggigitara pero patuloy parin siya sa pagkanta.

You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you.
I just can't compare you with anything in this world as endless as forever
Our love will stay together.

You're all I need to be with forever more
(As endless as forever Our love will stay together)
You're all I need
To be with forevermore.

Tapos na ang kanta kaya ibinaba niya ang gitara at inabot ang kamay ng babae habang ang lapad ng ngiti. Tumutulo narin ang mga luha ng babae.

"All these years I waited for you and this time I would like to ask you again..."

"Will you be my forever?"

Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Parang may kuryente sa utak ko at kinu-kuryente 'to. Napa-ungol ako, pero pinipigilan kong mapasigaw at baka masira ko ang sitwasyon.

Pumikit ako at laking gulat ng may mga larawang nag-sisiunahang pumasok sa ulo ko.

"Syche, I've been waiting for you all these years.... Can you be my forever?" Umiiyak ako habang nakaluhod sa harapan ko ang lalaking may hawak na isang maliit na kahong may lamang sing-sing.

Hindi ako maka-imik. Naninigas ang buong katawan ko.. Malakas ang tibok ng dibdib ko at pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa saya't kabang nararamdaman.

Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"Yes." As I said those words he immediately stand and hugged me and then he wear the ring in my finger.

"I love you, Syche with all my heart and soul, forever and beyond eternity." After he said those words he sealed it with a kiss. A deep and passionate kiss. He is my first and last kiss. I truly love this guy.

"I love you too, Cy."

Sino sila? Sino siya? Sino si Cy? Ano bang nangyayari? Ang gulo! Gusto ko ng umuwi dahil ang sakit ng ulo ko at naguguluhan ako sa nangyayari. Ano ang ala-alang 'yun? Ano ang connection ng nakaraan ko nun?

"Are you okay Syche? You look pale--wait! Where are you going?!" Hawak ko ang ulo ko habang tumatakbo. Wala akong paki kung may ma ma-bangga ako as long as maka-alis ako sa lugar na 'to. Ang sakit parin ng ulo ko, parang tinutusok ng kutsilyo.

Hindi ko alam kong asan ako papunta. Marami akong nababanga pero hindi ko sila pinansin kahit puro mura ang inabot ko sa kanila.

"Urg!" Ang sakit ng ulo at feeling ko nang-hihina na ang binti ko sa kakatakbo.

"Ate! Wag kang dumaan diyan!" Rinig kong sigaw ng lalaki. Lilingun sana ako pero huli na, bigla nalang akong nasilaw sa ilaw na paparating sa direksyon ko at sa isang iglap may malakas na pwersa ang bumundol sa akin. Malakas na ungol ang pinakawalan ko, namanhid ang buo kong katawan at medyo nahihilo ako. Ramdam ko rin ang pag-agos ng malamig na likido mula sa ulo ko.

"Tulungan niyo!"

"Luna!"

"Tumag kayo ng pulis!"

"Luna!"

Cy, Cy, Cy Kailangan kita, please help me.


Behind her sightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon