ii

4 0 0
                                    

“Jhinx sayo na itong diary notebook. Gamitin mo yan habang nandito ka pa. Alam ko na pwedeng makatulong ito sayo”

“Salamat Tita Aubrey. Gaano na lang ba katagal?”

Ngumiti ako kay Tita Aubrey na personal doctor ko rin sa hospital na ito.

“Maybe 3 years or less” at nagsimula na umiyak si Tita Aubrey.

“Patawarin mo ako, hindi ko nagawa. Nabigo ko ang mga magulang mo…hindi kita mapagaling. Wala ako nagawa”

Niyakap ako ni Tita Aubrey habang umiiyak siya.

“No Tita, nagawa mo na ang lahat-lahat. Sobra sobra pa nga e. Sapat na yung inalagaan mo ako at itinuring na tunay na anak ng mamatay ang mga magulang ko. Tita tanggap ko naman e”

Nanatiling umiiyak si Tita Aubrey.

“Ng sinabi mo na may Leukemia ako, tanggap ko na na hindi na ako magtatagal” ngumiti ako kay tita at lalong lumakas ang pag iyak niya.

“Tita hindi ako takot mamatay mas takot ako na makita kayo na nasasaktan. Mas takot ako masaktan”

JHINX DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon