[JAI'S POV]
"Ms. Carvañes?"
Ramdam ko ang sakit ng katawan ko habang nakahiga sa napakatigas na simento ng lugar kung nasaan ako ngayon. Ngunit ano mang lamig ng kinasasadlakan kong sahig, ay ramdam ko parin ang tumatagaktak na pawis mula sa noo ko pabana sa leeg, braso at didib.
"Ms. Carvañes?"
Aligaga akong nagmulat ng mata saka sinundan ang pinanggagalingan ng boses na iyon. Doon ay nakita ko si Sir na kunoy ang noo habang sinisipat ang kabuoan ko. Labis ang pagtataka sa mga mata n'ya habang nasa akin ang paningin. Inilibot n'ya muna ang tingin sa buong paligid bago tumingin muli sa akin. Doon ko rin napagtanto na nasa C.R parin pala ako ng kompanya.
"Why the hell are you sleeping here?" May kasungitan n'yang tanong.
"S-Sir.." Napapalunok kong sambit, "Na-lock po kase ako dito, kagabi pa. Sira po yata ang pinto." Mangiyak-ngiyak kong sumbong, "Lunes na nga pala ngayon! Late na po ba ako?" Bigla ay natauhan ako.
"2:45 in the morning." Saka tumingin si Sir sa labas.
Agad ko rin naman iyong sinilip, saka ko nakita ang bintana sa kalayuan. Madilim ang langit at sobrang tahimik ng paligid, kaya naman dinig na dinig ang pag-ungot ng tiyan ko sa gutom.
"M-Madaling araw palang po pala." Napakamot ako.
Tiningnan ko ang kabuoan ni Sir. Ang suot n'ya noong umaga ay ganoon parin sa suot n'ya ngayon.
Hindi ba umuwi si Sir?
Nagtataka ko s'yang tiningnan nang sumandal s'ya sa sirang pinto bago ako tinapunan ng tingin. Napangiwi ako nang masungitan ako sa tingin n'yang iyon. Bagaman ilaw lang ng C.R ang nagsisilbing ilaw namin ngayon ay nakikita ko parin ang kagwapohan n'ya. Hindi na talaa siguro maaalis sa kan'ya iyon, napakalinis n'ya pari yatang tingnan kahit isang linggo s'yang hindi magpalit ng damit.
"Bumalik ako dito dahil may nakalimutan akong ayosin, good for you." Tiningnan n'ya ulit ako, "Walang hangin na pwedeng magsara ng biglaan sa pintong 'to, the restrooms are far from the glass walls and windows." Tinanaw n'ya ang salamin na dingding sa kalayuan, "Nasa entrance and exit lang ang air doors. How come you got locked?"
Ipinagtaka ko rin iyon, hindi ko alam kung anong isasagot. Maging ako ay hindi alam kung paano ako na-lock, ang naaalala ko lang ay sumara ng biglaan ang pinto at hindi na ako nakalabas. Tama si Sir, walang kahit anong hangin sa parte na iyo ng palapag. Kaya nakakapagtaka kung magsasara ng kusa ang pinto, at talagang biglaan pa.
Kung hindi hangin ang may kagagawan, baka maligno?
Natakot ako sa naisip, saka ko tiningnan si Sir na halatang naghihintay parin sa sagot ko.
"Maligno po yata ang may gawa non—"
"Maligno?"
"Opo, Sir." Natatakot kong sagot, "Sa probinsya namin ay naniniwala kami sa mga aswang, tiktik, pati sa mga maligno. Yung mga maligno po, sila yung mga parang sira ulo na bigla-bigla kang bibiktamahin o pagtitripan kahit wala ka namang ginagawa sa kanila. Mananakot po, o ang malala ay nambubuntis ng babae." Maaksyon kong kwnento.
"Really?" Narinig ko s'yang matawa.
"Opo, ayon ang kwento sa akin ni Nanang ko." Inosente kog sagot.
Napapailing s'yang umalis mula sa pagkakasandal sa pinto saka naglakad palabas, "Come on."
"Saan po tayo pupunta, Sir?"
BINABASA MO ANG
THE MOMENT WE FALL: (Tiktok Story - 'Ninong')
Novela JuvenilSinuong ni Jai ang hirap sa lungsod ng Maynila para lamang matustosan ang pangangailangan ng pamilya maging ang pagpapagamot ng kan'yang Ama. Ngunit sa hindi inaasahang kamalasan ay napadpad s'ya sa isang kumpanya kung saan mas papahirapin ang sitwa...