Chapter 3

97 2 0
                                    

Sobrang bilis ng panahon. October na and here I am, sitting down with my friends. Recess namin at nandito kami sa hagdanan ng kaharap na building ng HS para mas makita namin ng malinaw ang 4th floor kung saan siya tumatambay.

Kumakain kami ni Violet ng Rebisco pati Nestea habang nakatingin sa itaas.

"Kaya ang puti eh! Hindi lumalabas ng classroom!" Inis na sigaw ng isa kong kaibigan, si Ron.

"Baka may ginagawa lang." Dahilan ko, hoping na lumabas pa rin siya ng classroom niya. Nawalan na kami ng pag-asa at nagkwentuhan nalang ng bigla siyang dumating at dumaan sa hagdanan kung saan kami nakaupo, kasama ang mga kaibigan niya.

Tumingin ako sakanya at napatingin siya sakin. Again, he smirks. I don't have any idea what's up with him. Parang sinasaniban siya at bigla bigla nalang ngingiti ng ganoon. Napatahimik lahat at patuloy na kumain. Ng nakalagpas na sila, huminga lahat kami ng malalim.

"Ang sarap ibulgar eh no!" Sigaw ni Sophia, isa pa naming kabarkada. Napatawa naman kami lahat kasi kung kailan hindi mo expect na darating siya eh dun siya magpapakita. Wala man lang warning warning para sana nakapaghanda muna kami.

I stayed silent and listened to my heart. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tibok nito. And then again, he still has the same effect on me. I wonder when will this stop. When will I look at him and well.... just look at him.

Nagring na ang bell at siya lang ang nasa utak ko. It's almost my birthday. Next month na. Malapit na rin ang pasko. Sobrang bilis talaga ng oras.

Dismissal na at kumain muna kami ng streetfoods sa harap ng school. Why? Routine na namin to. Hihintayin namin siyang lumabas ng school at susundan siya. Siguro sa sinasabi ko ngayon, nagmumukha na kaming stalker ng mga kaibigan ko pero-- I want to know if safe siya. I found out na nilalakad lang pala ang bahay nila from our school. Sobrang lapit lang. Buti nga hindi pa namin naisipan na sundan siya hanggang sakanila eh. 

Ng makalabas na sila ng school, again, nagkatitigan kami. He's wearing a floral cap and nothing's more beautiful than seeing his pale skin glow under the strong rays of the sun. Parang nabasa naman niya ang utak ko at bigla nalang napangiti then naglakad na, like he's signaling us na aalis na siya at pwede na kaming umalis. It was frustrating! I couldn't read him!  I couldn't read his smile, his movements, and his expressions. 

"Alam mo lumalaki na ulo niyan eh." Sabi ni Violet. I looked at her, asking for a continuation.

"Eh kasi naman. Parang gustong-gusto niya na sinusundan mo siya. Gustong-gusto niya na tumitili ka sakanya. Sobra na eh. If I was a guy, I would be creeped out pero tignan mo siya. Gustong-gusto pa niya!"

I looked down. Medyo lumaki nga ang ulo niya these past few days. Siguro dahil for the first time, may nagkagusto sakanya, parang sobrang naeexcite siya.

Sinundan namin siya hanggang sa lumiko na siya sa kanto nila. Kami naman dumirecho na para sumakay ng jeep.

"Ge na, wag kang paparape." Sabi ni Violet at hinila na paalis si Prisca. I chuckled and shook my head. Kahit kailan talaga, sira ulo yang best friend ko.

Siguro when you ride the jeepney with your earphones on, you can't help but to think. Gumagawa ka ng story sa utak mo habang nakatingin sa bintana then tumutugtog ang isang heartbroken song sa phone mo. You keep on thinking of the things that could happen between the two of you in the future, kung may chance lang na maging kayo.

I sigh and nagpara na.

I took off my uniform and rushed towards my room. I quickly sat down and took a paper and a pen out of my cabinet.

"Dear Jamie,

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba to--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seven MonthsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon